25/07/2026
π’ REMINDER | Educational Financial Assistance 2026
Magandang araw, mga Kabataan ng Barangay Tapulao!
Bukas na po ang pagsusumite ng requirements para sa Educational Financial Assistance 2026.
ποΈ July 26, 2026 (Sunday)
π 2:00 PM β 5:00 PM
π Barangay Hall, Tapulao, Orani, Bataan
Narito po ang ilang mahahalagang paalala:
π 1. Priority ang mga may kumpletong requirements.
Ang mga aplikanteng kumpleto ang requirements ang unang mapo-process at mabibigyan ng slot.
π 2. First Come, First Served.
π 3. ID Requirement.
Kinakailangang malinaw na makikita ang address na taga-Brgy. Tapulao at ang birthday o edad upang mapatunayan na ang aplikante ay pasok sa 15β25 years old na age requirement.
π 4. Anumang Valid ID ay maaaring isumite.
Maaaring magsumite ng anumang valid ID (hal. Voterβs Certificate, National ID, PhilSys ID, Passport, Driverβs License, Student ID at iba pa), basta malinaw na makikita ang address at birthday o edad.
π 5. Para sa may lumang Student ID.
Kung luma na ang inyong Student ID at wala nang updated na impormasyon, kinakailangan pa ring magsumite ng 2 photocopies ng isang valid ID or birth certificate na magpapatunay ng inyong edad (15β25 years old) at address sa Brgy. Tapulao.
π 6. Para lamang sa High School at College Students.
Ang Educational Financial Assistance 2026 ay para lamang sa High School at College student beneficiaries. Hindi po kasama ang ALS students sa mga naaprubahang beneficiaries.
Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong kooperasyon upang maging maayos at mabilis ang proseso ng aplikasyon.