05/08/2026
MAGPABAKUNA UPANG MAPROTEKTAHAN ANG PAMILYA!
Sa darating na ika-10 hanggang ika-28 ng Agosto, magsasagawa ang ating mga Rural Health Units, Health Centers o sa mga vaccination sites ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) upang maprotektahan ang ating mga bata laban sa tigdas (measles) at tigdas-hangin (rubella).
Ang nasabing bakuna ang pinakamabisa at pinakaligtas na paraan upang maiwasan ang mga sakit na ito at ang mga komplikasyong maaari nitong idulot. Sa pamamagitan ng pagpapabakuna, hindi lamang ang inyong anak ang napoprotektahan, kundi pati ang buong pamilya at komunidad.
Makipag-ugnayan po sa pinakamalapit na Rural Health Unit (RHU), Health Center, o sa itinakdang vaccination site sa inyong barangay para sa iskedyul ng pagbabakuna.
Paalala lamang po na libre, ligtas, at mahalaga ang bakuna. Sama-sama po nating protektahan ang kalusugan ng ating mga anak at buong komunidad.