14/06/2026
How do I even say goodbye to two priests who have served the faithful of Bataan so well and who have touched so many lives, including mine?
Mahirap tanggapin ang biglaang pagkawala ni Fr. Ernie de León at ni Fr. Tristán Pacheco. Dalawang pari sa loob ng dalawang araw...sa isang iglap kinuha ni Lord.
Parang kamakailan lang ay magkakasama kami, nagtatawanan, nananalangin, naguusap. Maraming plano, maraming pangarap. Tunay nga ang kasabihang "ang kamatayan ay dumarating na parang magnanakaw sa gitna ng gabi", nang walang paghuhudyat at walang pasubali.
Marahil ay nagampanan na nila ang kanilang misión sa mundo at bagama't masakit para sa atin ang mawalay sa kanila, bilang mananampalataya ay dapat tayong manalig na kasama na nila ang Panginoon. Mahirap man ay sikapin nating tanggapin ito nang may buong pananampalataya sa kalooban ng Panginoon at may pasasalamat sa ating mga puso na minsa'y nakasama natin ang dalawang mabuting lingkod ng Diyos. Maraming salamat, Fr. Ernie at Fr. Tristan! We love you! Vayan con Dios!
Photo credits: Mayor Anne Inton/Baste Baluyot