Barangay Sabatan 2025

Directions Website

Barangay Sabatan 2025 OFFICIAL PAGE OF BARANGAY SABATAN

Always Open: Monday to Sunday
for issuance of Clearances, Certificates and Permits
Office Hours: Monday to Friday only ( 8am to 5pm)
look for our Barangay Secretary / Barangay Clerk

09/09/2026
08/09/2026

DOH: WALANG SUGAT PERO LUMUSONG SA BAHA? MAGPAKONSULTA PA RIN KONTRA SA LEPTOSPIROSIS!

Narito ang mga sintomas na dapat bantayan:
▪️Lagnat at panginginig
▪️Pananakit ng ulo
▪️Pananakit ng binti
▪️Pamumula ng mata
▪️Paninilaw ng balat at mata (Jaundice)

Agad magtungo sa pinakamalapit na health station sa inyong lugar sakaling makaramdam ng alin sa mga nasabing sintomas.

08/09/2026

PAALALA| Ngayong panahon ng habagat, mag-ingat sa:

▪️Pagkalunod - dala ng walang tigil na pagbuhos ng ulan, patuloy ang pagbaha at pag-apaw ng mga ilog sa iba't-ibang lugar, kung kaya't may ilang aksidente ng pagkalunod ang naiuulat.

▪️Pagkakuryente - dala ng kondisyong dulot ng patuloy na pag-ulan at pagbaha, mas malaki ang tyansa na maganap ang mga aksidente ng pagkakuryente dahil mas mabilis at mas malakas ang daloy ng kuryente sa katawan kapag ito ay basa.

▪️Kagat ng ahas - dala ng mga pagbaha, napupuno rin ng tubig ang lungga ng mga ahas na siyang dahilan ng kanilang paglabas, paglakbay, at paghanap ng mas komportableng lungga na minsan ay nauuwi pa sa pagpasok sa ating mga bahay.

▪️Sari-saring sakit - dala ng panahong ngayon, mas madaling kumakalat ang mga virus at bacteria na nagdudulot ng W.I.L.D diseases o ang mga sakit na water-borne, influenza, leptospirosis, at dengue.

Panatilihing laging ligtas ang buong pamilya, ihanda ang GoBag, piliting umiwas sa baha, at makipagtulungan sa mga responders sa mga panahong kinakailangan nang lumikas.

08/09/2026

bukas, Miyerkules, Setyembre 9, sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lalawigan ng Bataan.

Ito po ay batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA at rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral at ng publiko.

Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA, magpapatuloy ang epekto ng Habagat sa Bataan bukas, Setyembre 9, na magdadala ng panaka-nakang pag-ulan na maaaring maging katamtaman hanggang malakas. Maaaring umabot sa 50–100 mm ang ulan sa loob ng 24 oras, na maaaring magdulot ng pagbaha sa mabababang lugar at landslide sa mga lugar na madaling maapektuhan. Sa pinakahuling babala, nasa Red Rainfall Warning ang ilang bahagi ng Bataan at Orange Warning naman ang iba, kung saan inaasahan ang seryosong pagbaha sa mga lugar na nasa ilalim ng Red Warning at nagbabantang pagbaha sa Orange Warning.

𝗠𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗽𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗼𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗰𝗹𝗮𝘀𝘀𝗲𝘀 𝗼 𝗺𝗼𝗱𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗱𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗹𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘀𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗶𝗻𝘂𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻.

Maaari pong tumawag sa mga sumusunod na numero kung kailanganin ang dagliang tulong:
• Emergency Hotline - 911
• PDRRMO: (0917) 186 6911 (Globe) | (0918) 907 6911 (Smart)

Ibayong pag-iingat po sa lahat.

07/09/2026

bukas, Martes, Setyembre 8, sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lalawigan ng Bataan.

Ito po ay batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA at rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral at ng publiko.

Ayon sa pinakahuling forecast ng PAGASA ngayong 8PM, nananatiling nasa Orange Rainfall Warning ang Bataan dahil sa Habagat. Inaasahan ang patuloy na pag-ulan hanggang Setyembre 9, na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa. Severe impacts ang inaasahan sa Hermosa, Dinalupihan at Samal, habang significant impacts naman sa iba pang bahagi ng lalawigan.

𝗠𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗽𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗼𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗰𝗹𝗮𝘀𝘀𝗲𝘀 𝗼 𝗺𝗼𝗱𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗱𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗹𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘀𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗶𝗻𝘂𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻.

Maaari pong tumawag sa mga sumusunod na numero kung kailanganin ang dagliang tulong:
• Emergency Hotline - 911
• PDRRMO: (0917) 186 6911 (Globe) | (0918) 907 6911 (Smart)

Ibayong pag-iingat po sa lahat.

05/09/2026
BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG SCHOLARSHIP PROGRAMNoong Agosto 22, 2026, matagumpay na isinagawa ng Barangay Sabatan, Orion...
02/09/2026

BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG SCHOLARSHIP PROGRAM

Noong Agosto 22, 2026, matagumpay na isinagawa ng Barangay Sabatan, Orion, Bataan ang Awarding of Barangay Scholarship Assistance Program para sa mga deserving at qualified student-beneficiaries ng ating barangay.

Sa nasabing aktibidad, limang (5) kwalipikadong iskolar (Fourth Year College Student para sa School Year 2026–2027) ang tumanggap ng ₱20,000.00 bawat isa bilang scholarship financial assistance. Ang nasabing halaga ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng cash assistance upang makatulong sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral at iba pang pangangailangang pang-edukasyon.

Address

Sabatan
Orion
2102

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Sabatan 2025 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share