NOCNHS Balangaw

NOCNHS Balangaw Ito ay isang Pamahayagang Pangkampus na naglalayon na magbigay ng impormasyon sa nangyayari sa loob ng paaralan.

Ang mga manunulat sa FB page na ito ay pawang mga Guro sa Filipino ng New Ormoc City National High School.

Pampaaralang Lebel na Ebalwasyon, isinagawaIsinagawa nitong Setyembre 5 at 6 Ang ebalwasyon  ng mga klasrum mula Grade 7...
07/09/2023

Pampaaralang Lebel na Ebalwasyon, isinagawa

Isinagawa nitong Setyembre 5 at 6 Ang ebalwasyon ng mga klasrum mula Grade 7-10 ng New Ormoc City National High School. Bago ang ebalwasyon, naging abala ang lahat ng mga g**o lalo na ang mga tagapayo ng bawat seksyon sa paghahanda ng mga dokyumento ayon sa inilaang pamantayan ng nasabing ebalwasyon. Naging mga ebalweytor Ang mga master teachers ng iba't ibang lebel/grado. Layunin Ng nasabing gawain na masig**ong ligtas at handa ang mga g**o, mag-aaral at ang kahandaan buong paaralan sa taong 2023-2024.

Isinulat ni: BETSY U. COCHING
Larawan kuha ni : URBANO A. AMODIA

Brgy. Beautification, PinaigtingIsinagawa kahapon ng umaga ika 18 ng Agosto,2023 ganap na alas-8:00 ng umaga ang Brgy. B...
19/08/2023

Brgy. Beautification, Pinaigting

Isinagawa kahapon ng umaga ika 18 ng Agosto,2023 ganap na alas-8:00 ng umaga ang Brgy. Beautification sa Brgy. Don Felipe Larrazabal. Ito ay pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Pinangungunahan ito ng mga g**o sa Departamento ng Filipino ng New Ormoc City National High School sa pamumunong bagong Coordineytor ni Gng. Betsy U. Coching at ng Beautification Organizer na si Gng. Judy B. Macion.
Layunin ng gawaing ito ay lalong maihanda ang nasabing komunidad sa nalalapit na pasukan kaya tulong tulong ang mga g**o ng NOCNHS na magdala ng halamang boombells na inihilira sa gilid ng sapa para maipagting pa ang kagandahan ng paligid.
Naging matagumpay ang gawain dahil sa kooperasyon ng lahat.
ULAT ni: Judy B. Macion

Tingnan:Ngayong araw na ito, isinasagawa ng mga g**o sa Departamento ng Filipino ng  paaralang New Ormoc City National H...
18/08/2023

Tingnan:
Ngayong araw na ito, isinasagawa ng mga g**o sa Departamento ng Filipino ng paaralang New Ormoc City National High School ang taonang programa nito para sa pagdiriwang ng buwan ng Wika . Ang tema ng ating pagdiriwang sa taong ito ay"Filipino at Mga Katutubong Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan". Kaugnay nito ,may mga programang ginagawa ang NOCNHS sa isang komunidad bilang katuwang na rin sa pagpapatupad ng Edukasyon ng mga kabataan sa nasabing paaralan.Isa na dito ang "Handog sa Kabataan".Dalawampung bilang ng mga kabataan na pawang mga residente ng Brgy. don felipe Larrazabal, Ormoc City ang napiling mabigyan ng mga kagamitan tulad ng bag,bolpen ,papel at kuwaderno na kanilang magagamit sa kanilang pag-aaral sa taong ito. Naisasakatuparan ang programang ito sa pagbabayanihan ng mga g**o ng Departamentong Filipino na pinangungunahan ni Gng. Betsy U. Coching . Malaking pasalamat rin kay Gng. Mary Grace D. Yu na siyang naging sponsor sa mga kagamitan ng mga napiling kabataan.

Isinulat ni: MAY M. DURANO

Tignan:Alay Walis-Linis IsinagawaSa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may tema " Filipino at mga katutubong Wika: Wika ng ...
18/08/2023

Tignan:
Alay Walis-Linis Isinagawa

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may tema " Filipino at mga katutubong Wika: Wika ng kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan." Isinagawa ng mga G**o sa Filipino ng New Ormoc City National High School ang isang makabuluhang aktibidad na tinawag na "Alay Walis-Linis." Layunin ng aktibidad na ito na hindi lamang ipakita ang kahalagahan ng wikang Filipino at mga katutubong wika, kundi pati na rin ang pagtutulungan upang mapanatili ang kalinisan sa loob at labas ng kampus.

Sa pangunguna ng mga Dalubg**o sa Filipino. Nagtipon-tipon sila upang magsagawa ng paglilinis sa loob at labas ng kampus. Binigyan nila ng pansin ang mga pasilyo, at iba pang mga pampublikong lugar. Hindi lamang ito naging pagkakataon para sa mga G**o na makiisa sa pagdiriwang, kundi pati na rin para sa kanilang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa sariling wika at kultura.

Ni. Domilyn Joy T. Calipayan

Pasiklaban ng Talento sa Ginoo at Binibining NOCNHS, Idinaos.     Ginanap sa New Ormoc City National High School Covered...
04/11/2022

Pasiklaban ng Talento sa Ginoo at Binibining NOCNHS, Idinaos.

Ginanap sa New Ormoc City National High School Covered Court sa ala una ng hapon araw ng Biyernes, ikaapat ng Nobyembre taong 2022 ang Mr. And Ms. NOCNHS Talent Show 2022. Sinimulan ang programa sa pambungad na mensahe ng punong g**o na si Gnf. Rhoda V. Dinoy, Principal IV.May tig-dadalawang kinatawan sa bawat baitang mula grade 7 hanggang grade 10. Ang mga naimbitahang hurado ay sina Gng. Marina J. Dosdos, Master Teacher II, English Coordinator, Gn. Gideon L. De La Torre, Teacher II na Special Program in the Arts Coordinator àt ang chairman ng mga hurado na si Dr. Alejandro S. Almendras, Ed. D., Chief-Curriculum and Instruction Division.Nakuha ni Mr. Keefe Anthony Tamelin ang Mr. NOCNHS Best in Talent 2022 samantalang si Ms. Julia Monte Openiano naman ang nakakuha sa Ms. NOCNHS Best in Talent 2022.

Balita ni : Nenita S. Codog
Larawan kuha ni : Maria Pamela M. Valdez

Tingnan: Ipinagdiriwang ang World Teacher's Day mula Setyembre 5- Oktubre 5 taon-taon sa iba't ibang paaralan sa kanya -...
05/10/2022

Tingnan:
Ipinagdiriwang ang World Teacher's Day mula Setyembre 5- Oktubre 5 taon-taon sa iba't ibang paaralan sa kanya -kanyang lugar. Ang New Ormoc City National High School ay hindi nagpahuli sa pagdiriwang nito.Sa ganap na alas 10:00 ng umaga ay pormal na sinimulan ang programa. Binuksan ang programa sa pagkanta ng pambansang awiting "Akoy Isang Pinoy" na sinundan naman ng panalangin.Nagkaroon ng pambungad na pagbati para sa mga g**o si Gng. Rhoda V. Dinoy ang punong g**o ng nasabing paaralan.Sinundan ito ng pagsayaw sa 'Galaw Pilipinas'. Nagkaroon din ng patimpalak sa Spoken Word Poetry. Isa rin sa pinakainaabangan ng mga g**o at ng lahat ng mga nagsipagdalo ay ang pakulong handog ng SSG na kung saan naging mas masaya ang araw nila.Nagpamudmod din ang punongg**o ng sampung unit ng mga SMART TV at Electric Fan sa mga piling g**o mula Grado 7 hanggang 10. Nagpapakitang gilas din ang mga kabataan sa Glee club at mga panauhing mga dating estudyante at miyembro pa rin ng nasabing grupo sa mga handog na awit at sayaw para sa kani-kanilang mga g**o . Hindi naman nagpapahuli sa larangan ng pagsasayaw ang mga piling g**o sa ibat ibang asignatura . Nagkaroon din ng paraffle na handog ng SSG at ng mga stakeholders sa mga g**o .Naging matagumpay ang programang ito dahil na rin sa pangunguna ng punongg**o na si Gng.Rhoda V.Dinoy kaakibat niya ang pangalawang punongg**o na si Dr.Ethel B.Goron sa kooperasyon naman ng mga dalubg**o at mga g**o sa ibat ibang asignatura .Ito ay naisasakatuparan nang dahil sa pagsisikap ng butihing dalub-g**o ng asignaturang Araling Panlipunan na si Ginoong Cristelino U. Apas ang tagpapayo ng SSG at ng mga opisyales ng nabanggit na grupo na pinangungunahan nina Faye Isabella Arones -Pangulo at Devorah Love Paton-og -Pangalawang Pangulo at nagsisilbi ring tagapagdaloy ng palatuntunan. Ang nabanggit na palatuntunan ay dinaluhan ng mga g**o , mga estudyante at mga panauhin.

Tingnan:Ngayon Oktubre 5,2022 ,sa Superdome , mula alas 2:00 ng hapon. Sinimulan  ang palatuntunan  sa pamamagitan ng is...
05/10/2022

Tingnan:Ngayon Oktubre 5,2022 ,sa Superdome , mula alas 2:00 ng hapon. Sinimulan ang palatuntunan sa pamamagitan ng isang misa. Pagkatapos niyo ay agad na sinimulan ang palatuntunan. Ang nabanggit na handog ay may kaugnayan sa pagdiriwang ng Araw ng mga G**o 2022. Ang nasabing programa ay handog ng LGU Ormoc para sa mga g**o ng siyudad .Ito ay sa pangunguna ni Hon.Mayor Lucy Marie T. Gomez at ng mga kagawad ng siyudad .Itinuon din ng LGU ang programa kaugnay sa pagdiriwang ng ika-75th Anibersaryo-adlaw sa Ormoc Diamond Jubilee 2022. Inimbitahan din ng siyudad ang Madrigal singers mula sa Maynila at kasama din nilang magperform sa tanghalan ang mga piling g**o sa ibat ibang paaralan sa Sangay ng Ormoc.Nasaksihan din ng mga g**o at ng mga panauhin ang pagsasayaw ng Bayanihan dancers .Mayroon ding sorpresa ang DepEd , Sangay ng Ormoc sa pamamagitan ng paraffle para sa mga g**o .Ito ay sa pangunguna ng Pansangay na Pamanihala na si Dr.Marilyn B.Siao,PhD,CESO VI kaakibat niya ang mga mahahalagang personalidad ng DepEd,Sangay ng Ormoc.

ni :Idah M.Sayre

TATLONG ARAW NA PAGSASANAY UKOL SA  PAGBASA ,ISINAGAWA         Ngayon, ika-23, ng Setyembre 2022 ,alas 8:00 ng umaga han...
24/09/2022

TATLONG ARAW NA PAGSASANAY UKOL SA PAGBASA ,ISINAGAWA
Ngayon, ika-23, ng Setyembre 2022 ,alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng Hapon sa New Ormoc City National High School,RTR idinaraos ang unang araw sa Tatlong Araw na Pagsasanay Para sa mga G**o sa nasabing paaralan.Ang tatlong araw na pagsasanay ay pinamagatang “ Three Day Training on Different Approaches in Teaching Reading “. Mayroong 73 na mga g**o sa asignaturang Ingles at Filipino na lumahok sa nabanggit na pagsasanay kasama din ang mga dalubg**o sa ibat ibang asignatura.Ang mga tagapagdaloy ay kinabibilangan nina G.Van G.Gaspang ,tagapangasiwa sa asignaturang Ingles Sangay ng Ormoc na masusing ibinabahagi ang tungkol sa Project ROADMAP
( Revitalizing Reading to Optimize the Advancement Driving Towards Maximum Academic Performance), Gng.Alama Concepcion R.Noval, M.T.II ng Curva ES na tumatalakay ukol sa MARUNGKO Approach, Gng.Marisa O. Paton-og,M.T I ng Macabug ES na nagbabahagi naman ukol sa Metodong Two-track sa pagtuturo ng panimulang pagbasa at pagsulat.

Ni: Gng JUDY B. MACION

Mga larawan kuha ni: Judy B. Macion

General PTA Assembly, Isinagawa       Setyembre 10, 2022, araw ng Sabado, ganap na 8:30 ng umaga sinimulan ang pagpupulo...
13/09/2022

General PTA Assembly, Isinagawa

Setyembre 10, 2022, araw ng Sabado, ganap na 8:30 ng umaga sinimulan ang pagpupulong sa loob mismo ng NOCNHS covered court. Dinaluhan ito ng mga magulang, g**o, at iba pang mga stakeholders. Pormal na binuksan ng Punongg**o, na si Gng. Rhoda V. Dinoy sa pamamagitan ng kaniyang paunang mensahe. Nagpasalamat siya sa pagdalo ng mga magulang sa kabila ng pagiging abala ng mga ito. Binahagi ng SDRRM Koordineytor na si G. Johannes Paulus E. Yu ang mga paghahanda na dapat gawin ng bawat pamilya sa oras nang mga hindi inaasahang kalamidad upang maiwasan ang mga posibleng sakuna. Mga proyektong naisakatuparan na sa loob ng paaralan ang balitang hatid ng dating Pangulo ng samahan na si Gng. Hideliza Y. Makabenta. Pinansiyal na estado ang binahagi ng dating Ingat-yaman ng samahan na si Gng. Gemma Flor C. Corbo. Pinakita naman ng kasalukuyang Ingat-yman na si Gng. Rosemarie Advincula ang mga Miscellaneous Fee sa kasalukuyang taong-panuruan.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga magulang na magbahagi ng kani-kanilang mga komento, saloobin at problema kaugnay sa kanilang mga estudyante at nasagot naman ito ng paaralan. Problema sa basura sa loob ng paaralan ay nabigyan din nang agarang solusyon ng lahat. Napagkasunduan na ang mga estudyante ay magdadala ng sarili nilang tumbler o lalagyan ng tubig upang mabawasan ang problema sa basura at upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng paaralan.
Sa huling bahagi ay nagbigay ng pasasalamat ang bagong halal na Pangulo ng samahan na si Gng. Gemma Flor C. Corbo sa mga magulang na dumalo at sa positibong tugon ng mga magulang sa lahat ng mga pinag-usapan sa nasabing pagpupulong.

Balita ni: Jona Dincol
Mga Kuha ni: April Congson

Sa ngalan ng Departamento Ng Filipino at nang aming Tagasangguni na si Gng. Idah M. Sayre, aming ipinararating ang isang...
28/08/2022

Sa ngalan ng Departamento Ng Filipino at nang aming Tagasangguni na si Gng. Idah M. Sayre, aming ipinararating ang isang mapagpalang araw sa mahigit limang libo na pinagsama-samang bilang ng mga g**o, kawani, estudyante at mga magulang ng Mataas na Paaralan ng New Ormoc City! Maraming Salamat sa inyong patuloy na pakikipag-ugnayan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2022.

Nais Po naming magpaabot ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga sumusunod sa kanilang walang sawang pagsuporta at pagtulong upang maisakatuparan namin ang aming layunin sa buwang ito.
• Sa lahat ng g**o sa Filipino sa pangunguna ng aming Tagasangguni na si Gng. Idah M. Sayre. Sa mga dalubg**o, Gng. Betsy U. Coching, Gng. Florence S. Donayre, Gng. Ma. Jennifer C. Logronio, Gng. Teodora R. Santos at Gng. Nelia R. Montaño.
• Sa ating Pansangay na Tagamasid na si Dr. Mylane V. Barquera at sa ating PSDS ng Distrito 10 na si Gng. Marylyn S. Tagalog, sa kanilang pagbabahagi ng panahon at oras.
• Sa ating Punong g**o Gng. Rhoda V. Dinoy, sa kanyang walang sawang suporta.
• Sa lahat ng mga g**o sa iba't ibang Departamento at maging ang mga Head Teachers sa iba't ibang baitang, Gng. Aracelie A. Juntilla, G. Marvin S. Doldolia, Gng. Narcisa N. Batoon at Gng. Edisa B. Sevilla, na nagbabahagi ng panahon at oras sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
• Sa lahat ng mga opisyales ng Brgy. Don Felipe Larrazabal sa pangunguna ng kanilang Punong Barangay na si Hon. Nenito S. Anonat, sa kanilang walang sawang pakikipag-ugnayan at pagtanggap sa amin taon-taon.
• Sa dalawang aktibong Tagapagsanay Ng SPA Dance na sina G. Constantino Cañedo at G. Peter John Genobiagon.
• Kay G. Edwin Medalle sa kanyang walang sawang pagsuporta taon-taon.
• Sa ating ipinagmamalaking Banda ng NOCNHS, maging ang kanilang Tagapagsanay na sina G. Joey A. Quilantang at G. Romeo R. Gabisan.
• Kay G. Manuel Amo, sa kanyang pagbabahagi Ng kanyang talento sa pagdedekorasyon.
• At sa lahat ng mga Sponsors, estudyante at mga magulang.

Hindi man po namin kayang suklian Ang inyong ipinakitang kabutihan, naniniwala po kaming ang inyo pong ipinadamang suporta at pagtulong ay tunay na kalugud-lugod sa ating Panginoon.

Muli, maraming-maraming salamat po at Mabuhay Tayong Lahat!

Tingnan:Departamento ng Filipino: Nagdaos ng Panapos na Palatuntunan sa Buwan ng Wikang Pambansa  Idinaos  ang Panapos n...
26/08/2022

Tingnan:
Departamento ng Filipino: Nagdaos ng Panapos na Palatuntunan sa Buwan ng Wikang Pambansa

Idinaos ang Panapos na Palatuntunan para sa Buwan ng Wikang Pambansang ngayon araw, ika-26 ng Agosto, 2022 alas dos ng hapon sa New Ormoc City National High School.
Nagbigay ng kanyang Pambungad na mensahe si Dr. Mylane V. Barquera, Pansangay na Tagamasid sa Dibisyon ng Ormoc sa Departamento ng Filipino. Sinundan ito ng Pamukaw na mensahe mula sa kay Gng. Rhoda V. Dinoy punong- g**o. Dumalo rin ang aktibong PSDS ng Distrito 10 na si Gng. Marylyn Superino-Tagalog sa aktibidad sa hapong ito. Nagpakitang gilas rin ng isang katutubong sayaw ang mga mag-aaral na mananayaw mula sa Special Program in the Arts kasama ng kanilang tagapagsanay na sina G. Peter John Genobiagon at Constantino Caňedo Jr.
Pinarangalan ang mga nagwagi sa iba’t ibang patimpalak sa Paglikha ng Poster, Interpretatibong Pagbasa, Pagsulat ng Sanaysay at Malikhaing Paggawa ng Facemask at Photo Contest. Layunin nitong ipamalas ang angking husay at talento ng mga mag-aaral sa larangan ng sining at pagtuklas na siya ring isinusulong sa Buwan ng Wikang Pambansa.
Sa Paggawa ng Poster, ang mga nagwagi ay sina Clarence A. Lumacad (Unang gantimpala), Shannica Anthonni Y. Amo (Ikalawang gantimpala) at Dimples P. Valderama (Ikatlong gantimpala). Ang mga nanalo sa Pagsulat ng Sanaysay naman ay sina Joyce Carol A. Castillo (Unang gantimpala), Rey Vincent Y. Dayang ( Ikalawang gantimpala), at Mary Adelaide D. Pimentel (Ikatlong Gantimpala). Sina Franchezca Dianne D. Davocol (Unang gantimpala), Khristy Jean P. Gala (Ikalawang gantimpala) , Fionna Myrr T. Jayme at Gian Carlo Clarin (Ikatlong gantimpala) ang mga nanalo sa patimpalak sa Malikahaing Paggawa ng Face Mask. Nagwagi rin si Stacie Therese Sevialla sa Photo "Contest" samantalang sina Jechelle Mae A. Canque (Unang gantimpala) at Allaisa Langi (Ikalawang gantimpala) ang nakasungkit ng premyo sa patimpalak sa Interpretatibong Pagbasa.
Kahit umaambon ay matagumpay pa ring naipagdiwang ng mga g**o sa Filipino, mga mag-aaral at ng buong paaralan ang panapos na palatuntunan.

Ulat ni: Bb.Nanette R. Jaramillo
Larawan kuha ni: Gng. Analyn B.Yu

Tingnan:Departamento ng Filipino nagsagawa ng Community Outreach Program sa Brgy. Don Felipe LarrazabalIsinagawa kaninan...
26/08/2022

Tingnan:
Departamento ng Filipino nagsagawa ng Community Outreach Program sa Brgy. Don Felipe Larrazabal

Isinagawa kaninang umaga August 26, 2022, Biyernes, ng mga g**o sa Departamento ng Filipino ang Community Outreach Program sa Brgy. Don Felipe Larrazabal, Ormoc City. Ngunit bago paman nagpunta ang mga g**o sa nasabing Brgy. Nagsagawa muna ng Alay Linis ang mga g**o sa paaralan sa pamumuno ni Gng. Florence Donayre. Ang nasabing Community Outreach Program ay nilahokan ng mga piling 60 mga mag-aaral sa baitang 7 hanggang baitang 10. Ang nasabing Community Outreach program ay bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa 2022-2023 na may temang "Filipino at mga katutubong Wika Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha". Sinimulan ang programa ng pangbungad na mensahe galing sa Filipino Club Adviser na si Gng. Gretchen Diaz, sinundan naman ito ng Kagawad in-charge ng Edukasyon na si Hon. Antonio Montederamos. Ibinahagi rin ni Gng. Analyn Yu ang orientasyon tungkol sa mga petsa at mga gawain pampaaralan kabilang ang enrollment, ang vaccination at ang buong gawain sa Buwan ng Wika kung saan inaaanyayahan niya ang mga mag-aaral na lumahok dito. Pinasalamatan rin ng Koordinator ng Filipino na si Gng. Idah Sayre ang mga g**o at ang lahat ng mga sumali sa nasabing programa. Sa tulong ng mga aktibong g**o ng Departamento ng Filipino, sinimulan na ang mga gawain na pinangunahan ni Gng. Neila Montaño sa Brigada sa Pagbasa, si Mary Grace D. Yu ang namuno para sa Handog sa Kabataan Libreng Notebook, si Gng. Judy Macion para sa Pagtatanim ng Namumulaklak na halaman at si Gng. Analyn Yu ang namuno sa Pamimigay ng Groceries. Pagkatapos isinagawa ang Brigada Pagbasa, isinigawa rin ang Feeding Program sa mga piling mag-aaral.
Layunin ng nasabing programa na paigtingin pa ang relasyon ng paaralan sa komunidad, bawat bata ay makabasa at magbigay galak sa mga kabataan sa Brgy. Don Felipe, Larrazabal kung saan sila ay nakatanggap ng mga supot ng groceries o school supplies.
Sa tulong ng mga opisyales ng nasabing barangay na sina Hon. Samsoden R. Ibra at Hon. Luisa A. Dejaño kasama rin ang Brgy. Secretary na si Mac Vincent L. Salazar naging matagumpay ang nasabing programa.

Ni: Mearry Jane T. Bojos

Address

Aunubing Street Brgy. Don Felipe Larrazabal
Ormoc City
6541

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NOCNHS Balangaw posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category