05/10/2026
Ania ang mga importante nga detalye sa gipahigayon nga Press Briefing karong adlawa, sa pagpanguna ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro, Oktubre 5.
Narito ang mga mahalagang detalye mula sa naganap na Press Briefing ngayong Oktubre 5, 2026 kasama sina Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng Department of Agriculture (DA), Secretary Edwin Mercado ng Department of Health (DOH), Secretary Juan Miguel Cuna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Secretary Renato Solidum Jr. ng Department of Science and Technology (DOST), Civil Defense PH Administrator Undersecretary Harold Cabreros, at DOST-PAGASA Administrator Nathaniel Servando:.
- Itinatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang permanenteng sistema ng pamahalaan ang Compass Portal ng Department of Budget and Management (DBM), na magsisilbing government-wide transparency system sa ilalim ng Executive Order No. 126. Saklaw nito ang buong budget cycle—mula budget allocation, fund releases, procurement, pagpapatupad at pagkumpleto ng mga proyekto, hanggang sa performance ng mga programa ng pamahalaan.
- Layunin nitong pag-ugnayin ang government financial systems upang maging mas transparent, accessible, at accountable ang paggamit ng pampublikong pondo, habang pinangangalagaan ang sensitibong impormasyon gaya ng national security at personal data.
- Pinaigting ng Department of Trade and Industry (DTI) ang consumer protection campaign alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na palakasin ang kaalaman ng publiko sa kanilang mga karapatan at sa pagpili ng ligtas at de-kalidad na produkto.
- Isinasagawa ngayong Oktubre ang Consumer Welfare Month 2026 na may temang “Safe Products, Confident Consumers.” Kabilang sa mga aktibidad ang Consumer Fun Run, Consumer Assemblies, Certified Products Expo, National Standards Week, Bagwis Award and Seal of Legitimacy, at Consumer Advocacy Making Challenge.
- Magsasagawa rin ang DTI regional at provincial offices ng mga seminar, community activities, youth programs, at mas pinaigting na pagbabantay sa mga pamilihan.Layunin ng mga programa na maging mas maalam, mapanuri, at kumpiyansa ang mga mamimili sa pagpili ng produkto.
- Patuloy ang koordinasyon ng DA, DOH, DENR, DOST, OCD, at PAGASA sa paghahanda sa epekto ng Strong El Niño, kabilang ang panganib sa tubig, agrikultura, kalusugan, suplay ng pagkain, at posibilidad ng sunog.
- Inaasahang magpapatuloy ang epekto ng El Niño hanggang unang bahagi ng 2027, kung kaya't pinaigting ang mga hakbang sa pagtitipid ng tubig, food security, agricultural assistance, health preparedness, at disaster response.
- Tiniyak ng Department of Agriculture na sapat ang suplay ng pangunahing pagkain at walang dahilan para sa panic buying, habang inihahanda ang mga intervention para sa mga magsasaka at mangingisda.
- Patuloy naman ang Department of Health sa pagbibigay ng health advisories laban sa dehydration at heat-related illnesses, lalo na para sa mga vulnerable sector.
- Binabantayan din ng Office of Civil Defense ang epekto ng tagtuyot sa mga komunidad, agrikultura, at panganib ng forest at residential fires.
- Patuloy na nagbibigay ng weather at climate monitoring ang PAGASA upang makatulong sa maagap na pagpaplano at paghahanda ng mga ahensya at lokal na pamahalaan.