03/09/2026
PROUD MOMENT FOR BARANGAY 350!
Isang malaking karangalan para sa Barangay 350, sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Efleda C. Dela Cruz, ang pagkakatanggap ng 1st Semi-Annual Award of 2026 bilang pagkilala sa aming 100% compliance at aktibong pakikilahok sa Weekly Community Cleanup and Declogging Drive Program ng Lungsod ng Maynila. ๐๐
Taos-puso po kaming nagpapasalamat kina Mayor Francisco โIsko Morenoโ Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza sa pagkakaloob ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pagsisikap ng aming barangay. โค๏ธ
Lubos din ang aming pasasalamat sa Manila Barangay Bureau sa patuloy na pagpapaalala, paggabay, pagmomonitor, at suporta sa pagpapatupad ng aming Weekly Community Cleanup and Declogging Drive Program. Ang inyong dedikasyon at walang sawang paalala na โClean-up drive guys, report and pictures!โ ay tunay na naging bahagi ng aming patuloy na pagsisikap. ๐๐ธ
Maraming salamat din sa DILG Manila at DEPS sa kanilang patnubay at suporta, lalo na sa maayos na paghahanda at pagsusumite ng aming mga accomplishment reports. ๐
Ang parangal na ito ay hindi lamang pagkilala sa Barangay 350, kundi simbolo rin ng pagkakaisa, sipag, disiplina, pakikipagtulungan, at patuloy na commitment sa paglilingkod ng aming mga opisyal, kawani, volunteers, at buong komunidad.
๐๐ Congratulations, Barangay 350!
100% COMPLIANCE.
100% COMMITMENT.
100% SERBISYO!
๐ Sama-sama tungo sa mas malinis, mas maayos, at mas ligtas na Barangay 350! ๐