07/08/2026
Magandang araw po sa lahat. Ipinababatid po namin ang abiso mula sa Manila Water tungkol sa pansamantalang pagkawala ng tubig sa ating lugar.
ANO: Pansamantalang Paghinto ng Suplay ng Tubig
Dahilan: Pagkukumpuni sa Tumagas na Tubo (Emergency Leak Repair)
KAILAN:
Agosto 7 hanggang 8, 2026
Ganap na 10:00 ng Gabi hanggang 4:00 ng Madaling Araw
MAAPEKTUHAN:
Kasama po ang Barangay 819 at iba pang barangay sa ilalim ng Distrito 5 at Distrito 6 ng Maynila.
MGA DAPAT GAWIN:
Mag-imbak na po ng sapat na tubig bago magsimula ang abiso. Asahan po na babalik ang suplay pagkatapos ng nakatakdang oras, ngunit maaaring lumabo muna ang tubig sa unang pagbabalik nito.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa Manila Water Hotline 1627.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
CHAIRMAN JAY & COUNCIL