01/08/2025
"The woman who beat a dictator."
Ganyan siya tinawag ng mundo.
Pero sa'tin, siya si Tita Cory — tahimik, simple, pero matatag. Hindi siya pulitiko. Pero noong kailangan ng bayan ng tapang, hindi siya umatras. Hindi siya perpekto, pero totoo. At sa kanyang pamumuno, muli nating naramdaman ang salitang “malayang Pilipinas.”
Ngayon, anibersaryo ng kanyang pagpanaw. At habang inaalala natin siya, hindi maiiwasang maalala rin ang 2022 — noong muli tayong kumapit sa isang babae, laban sa anak ng dating diktador. Hindi na bago ang ganitong laban. Minsan na tayong pinangunahan ng isang ina ng bayan. At minsan na rin nating nakita ang liwanag.
Kahit hindi tayo nanalo noon, alam nating hindi pa tapos ang laban.
Salamat, Tita Cory. Dahil sa'yo, natutunan naming maniwala — na kahit tahimik, pwedeng maging matapang.
Na kahit babae, pwedeng manguna.
At na kahit ilang ulit matalo, ang paninindigan, kailanman, hindi naluluma.