MSWDO Padre Burgos

Call Directions

MSWDO Padre Burgos Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MSWDO Padre Burgos, Public & Government Service, Padre Burgos.

CAPABILITY BUILDING ON BCPC ASSESSMENT INDICATORSIsinagawa ang Capability Building on BCPC Assessment Indicators noong M...
18/06/2026

CAPABILITY BUILDING ON BCPC ASSESSMENT INDICATORS

Isinagawa ang Capability Building on BCPC Assessment Indicators noong Mayo 25, 2026 sa Duyanan, Brgy. Danlagan.

Layunin ng gawaing ito na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga miyembro ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) hinggil sa mga pamantayan at indikador na ginagamit sa pagtatasa ng kanilang pagganap sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga bata.

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, higit na mapagtitibay ang pagpapatupad ng mga programa at serbisyong nakatuon sa proteksyon, pag-unlad, at kapakanan ng bawat batang mamamayan sa ating komunidad.









Parent Effectiveness Session (PES)Bilang bahagi ng mga programa ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), ...
18/06/2026

Parent Effectiveness Session (PES)

Bilang bahagi ng mga programa ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), matagumpay na isinagawa ang Parent Effectiveness Session (PES) sa Padre Burgos, Quezon noong Hunyo 5, 2026.

Layunin ng gawaing ito na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga magulang sa responsableng pagpapalaki ng anak, pagpapatibay ng positibong relasyon sa loob ng pamilya, at pagtataguyod ng ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga bata.

Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga magulang at katuwang na nakiisa sa aktibidad. Sa sama-samang pagkilos, mas mapapalakas natin ang bawat pamilyang Pilipino at masisiguro ang kapakanan at proteksyon ng ating mga anak.

May 27,2026Learning Session ukol sa OSAECBilang bahagi ng programa ng Local Council for the Protection of Children (LCPC...
18/06/2026

May 27,2026
Learning Session ukol sa OSAEC

Bilang bahagi ng programa ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), matagumpay na isinagawa ang Learning Session on Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) na dinaluhan ng mga residente ng Barangay Danlagan.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng komunidad tungkol sa OSAEC, maprotektahan ang mga bata laban sa online na pang-aabuso at pagsasamantala, at mahikayat ang bawat pamilya na maging katuwang sa pagtataguyod ng ligtas na kapaligiran para sa mga kabataan.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa gawaing ito. Sa sama-samang pagkilos ng komunidad, mas mapapalakas natin ang proteksyon at kapakanan ng bawat bata.

π‚πšπ¬π‘-𝐟𝐨𝐫-𝐖𝐨𝐫𝐀 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 π‘πžπ‘π’π¬π­π«πšππ¨π§π  𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐬 𝐰𝐒𝐭𝐑 πƒπ’π¬πšπ›π’π₯𝐒𝐭𝐒𝐞𝐬 (𝐏𝐖𝐃)Sa ilalim ng programang DSWD Kalahi-CIDSS,...
18/06/2026

π‚πšπ¬π‘-𝐟𝐨𝐫-𝐖𝐨𝐫𝐀 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 π‘πžπ‘π’π¬π­π«πšππ¨π§π  𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐬 𝐰𝐒𝐭𝐑 πƒπ’π¬πšπ›π’π₯𝐒𝐭𝐒𝐞𝐬 (𝐏𝐖𝐃)

Sa ilalim ng programang DSWD Kalahi-CIDSS, sa pangunguna nina Social Welfare Officer III Mrs. Nilda Tabi at Angela Pamela Segui, katuwang ang tanggapan ng MSWDO – Office of the PWDs, Focal Person Dhema Verano matagumpay na isinagawa ang Community Gardening Project bilang bahagi ng Cash-for-Work Program para sa mga rehistradong Persons with Disabilities (PWD) sa bayan at kanilang mga tagapag-alaga.

Umabot sa 135 regular na PWD beneficiaries ang lumahok sa isinagawang 10 araw na community gardening activities, habang 15 tagapag-alaga naman ng mga PWD na may total disability at may high support needs ang naging bahagi ng pilot implementation ng PWD Thera Fee Project sa loob ng 20 araw.

Bilang suporta at pagkilala sa kanilang partisipasyon at pagsisikap, bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng halagang β‚±6,000 bilang financial assistance.

Lubos ang pasasalamat ng Punong Bayan, Kgg. Ruben B. Uy Diokno sa DSWD Kalahi-CIDSS sa patuloy nitong pagbibigay ng mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga PWD at kanilang pamilya, tungo sa pagtataguyod ng isang mas inklusibo, maalaga, at makataong komunidad para sa lahat.


@

October 10, 2025 Seminar on Child Protection Laws *CHILDRENS RIGHTS UNCRC*RA 7610*RA 9344
15/11/2025

October 10, 2025
Seminar on Child Protection Laws
*CHILDRENS RIGHTS UNCRC
*RA 7610
*RA 9344

Home Care Support Service for Senior Citizens TrainingOct 20-23,2025
15/11/2025

Home Care Support Service for Senior Citizens Training

Oct 20-23,2025

Address

Padre Burgos
4303

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+639467252294

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSWDO Padre Burgos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share