Municipal Agriculture Office of Padre Garcia

Municipal Agriculture Office of Padre Garcia Hi! Welcome to the Official page of the Municipal Agriculture Office of Padre Garcia.

17/07/2026

OMA staff rendering technical assistance to LAWA at BINHI participants in harvesting corn- Red Velvet and White Pearl Varieties, a production trial in cooperation with Allied Botanicals Corporation🌽

𝐀𝐒𝐅-𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐏𝐀𝐃𝐑𝐄 π†π€π‘π‚πˆπ€ πŸ–Muling ginawaran ng Department of Agriculture ng Recognition of Active Surveillance on African Sw...
14/07/2026

𝐀𝐒𝐅-𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐏𝐀𝐃𝐑𝐄 π†π€π‘π‚πˆπ€ πŸ–
Muling ginawaran ng Department of Agriculture ng Recognition of Active Surveillance on African Swine Fever (ASF) ang bayan ng Padre Garcia nitong buwan ng Hunyo matapos mag-negatibo ang mga alagang baboy ng mga Garciano sa isinagawang blood collection and testing ng mga miyembro ng Community-Based Animal Technician (CBAT) sa pangunguna ng Municipal Agricultural Technologist na si Doktora Evelyn-Mamiit Diokno.
Ipinaabot naman ni Doktora Belen ang kaniyang taus-pusong pasasalamat sa lokal na pamahalaan ng Padre Garcia sa pangunguna nina Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, mga miyembro ng Sangguniang Bayan lalo't higit ay kay Committee Chair on Agriculture, Kgg. Ferdie Villar, gayundin sa dating Municipal Agricultural Officer, Dr. Ohmie Diaz, at sa lahat ng mga naging sponsors sa nasabing gawain.

SM FOUNDATION KABALIKAT SA KABUHAYAN (KSK) LINKAGE PROGRAM PARA SA MAGSASAKANG GARCIANOMuling nakipag-ugnayan ang SM Fou...
10/07/2026

SM FOUNDATION KABALIKAT SA KABUHAYAN (KSK) LINKAGE PROGRAM PARA SA MAGSASAKANG GARCIANO

Muling nakipag-ugnayan ang SM Foundation sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor para sa panibagong aktibidad ukol sa mga magsasakang Garciano na nakapagtapos sa kanilang programang KABALIKAT SA KABUHAYAN (KSK) FARMERS TRAINING PROGRAM noong taong 2021 at 2023. Idinaos ngayong araw ang pagpupulong at survey ukol sa KSK LINKAGE PROGRAM na naglalayong ilapit sa merkado, partikular sa SM Malls at affiliates nito ang mga ani ng ating mga magsasaka. Sa pamamagitan ng survey ay masusuri kung ang mga nagsipagtapos sa naunang programa ay aktibong nagtatanim at may kakayahang magsuplay ng produktong gulay. Bago matapos ang buwan ng Hulyo ay magkakaroon pa nang pormal na online presentation ng mga requirements ang SM Foundation sa mga Municipal at City Agriculturists Office Focal person sa iba’t ibang bayan, kasama ang mga na-survey na magsasaka.

Samantala, iminungkahi naman ni Municipal Agriculturist, Ms. Leonilyn Ladao na magkaroon ng panibagong pagsasanay ang SM foundation tungkol sa pagpapalago ng kaalaman at kakayahan ng magsasakang Garciano pagdating sa pagsasapamilihan ng kanilang mga produktong agrikultura sa mas mataas na halaga. πŸ’š

π“πˆπ‹π€ππˆπ€ π…π€π‘πŒπˆππ† 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐃𝐑𝐄 π†π€π‘π‚πˆπ€ 🎣Nagpakawala ng sampung libong (10,000) pira*o ng mga maliliit na tilapia ang Lokal na P...
03/07/2026

π“πˆπ‹π€ππˆπ€ π…π€π‘πŒπˆππ† 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐃𝐑𝐄 π†π€π‘π‚πˆπ€ 🎣
Nagpakawala ng sampung libong (10,000) pira*o ng mga maliliit na tilapia ang Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia sa Salang Buhangin Dam sa Brgy. Poblacion at Salang Jose Dam sa Brgy. Cawongan bilang bahagi ng pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa munisipalidad.
Kasama sina Mayor Celsa Braga-Rivera, Konsehala Molly Rivera-Gutierrez, at mga kawani ng Municipal Agriculture Office, pinangunahan ng bagong Municipal Agriculturist, Ma'am Leonilyn Ladao, ang isinagawang Tilapia Fingerlings Releasing Program ngayong Biyernes, Hulyo 3.
Bagama't hindi nabiyayaan ang Padre Garcia ng lawa o karagatan, layunin ng pamahalaang lokal na mapagyaman ang mga man-made fish ponds sa bayan kung saan libreng makapamimingwit ng isda ang mga mamamayan sa oras ng pangangailangan.

06/08/2025

Pagpupugay at pasasalamat sa lahat ng magsasakang patuloy na naglalagay ng pagkain sa mga hapag natin.

16/02/2024
18/05/2023

JOB HIRING❗ JOB HIRING❗

Soon to open McDonald's Padre Garcia is looking for the following:

β€’SERVICE CREW
β€’GUEST EXPERIENCE LEADER
β€’MAINTENANCE PERSON

Here are the general qualifications:
β€’Atleast Senior High School Graduate/College Level
β€’Average Communication Skills
β€’Customer Oriented

For those interested, see you this May 18, 2023 (Thursday) between 9:00AM-3:00PM at Sangguniang Bayan Building.

See you there, mga Garcianos! πŸ™ŒπŸ€©

HALINA AT MAKIDALO!Kaugnay sa Rabies Awareness Month, iniimbitahan ang lahat ng Garciano's na Dog and Cat Lovers! para s...
31/03/2023

HALINA AT MAKIDALO!

Kaugnay sa Rabies Awareness Month, iniimbitahan ang lahat ng Garciano's na Dog and Cat Lovers! para sumali at makidalo sa gaganaping "DOG & Cat Show and Parade" sa ika-12 ng Abril 2023, sa Municipal Gymnasium ng Padre Garcia.

Dito ay maipapakita ang mga angking talino at galing ng inyong mga alagang a*o at pusa, at may pagkakataon rin manalo ng ibat-ibang premyo.

Kung may katanungan tungkol sa gaganaping programa maaring kontakin ang mga numerong ito:

Evelyn M. Diokno: 0910-677-2361
Agriculture Office: (043) 515-9623

Inaasahan namin ang inyong pagdalo!

"LAKBAY BULILIT 2023"Mainit na tinanggap ng Lokal na Pamahalan ng Padre Garcia katuwang ang Lingkod-bayan Mayor Celsa B....
20/03/2023

"LAKBAY BULILIT 2023"

Mainit na tinanggap ng Lokal na Pamahalan ng Padre Garcia katuwang ang Lingkod-bayan Mayor Celsa B. Rivera ang mga Day Care Kids ng ibat-ibang Barangay ng Padre Garcia kasama ang kanilang mga magulang at g**o upang mag sagawa ng Lakbay Aral sa Pick n' Go Farm.

Dito ay may bawat istasyon kung saan itinuturo sa mga bata ang mga tamang pagtatanim ng halaman at gulay, farm tools at tamang pagaalaga ng mga hayop sa bukid para maimulat ang mga bata sa buhay pagsasaka.

Address

V6J7+285, Batangas
Padre Garcia
4224

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Agriculture Office of Padre Garcia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share