21/09/2026
Noong Setyembre 19, 2026 Sabado, matagumpay na nakiisa ang Bayan ng Padre Garcia sa pagdiriwang ng 2026 International Coastal Cleanup (ICC) sa pamamagitan ng sabayang paglilinis ng mga water bodies sa iba’t ibang bahagi ng ating bayan.
Sa Tubig ng Bayan River sa Barangay Banay Banay to San Felipe, sama-samang nagsagawa ng clean-up activity ang mga elected officials, 4Ps members ng Barangay Banay Banay at San Felipe, barangay officials and functionaries, iba pang volunteers mula sa Guardians, at mga kawani mula sa Office of the Provincial Veterinarian, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Office of the Municipal Mayor, Office of the Vice Mayor, at Office of the Sangguniang Bayan.
Bilang bahagi ng sabayang pagdiriwang, isinagawa rin ang paglilinis sa mga water bodies sa lahat ng 18 barangay ng bayan, kabilang ang mga ilog, creek, agbang, at iba pang daluyan ng tubig, bilang pagpapakita ng sama samang pagkilos para sa pangangalaga ng ating mga katubigan at kapaligiran.
Bagama’t walang baybaying dagat ang Bayan ng Padre Garcia, hindi ito naging hadlang upang makiisa sa mahalagang gawaing pangkalikasan. Sa halip, ipinakita ng mga Garciano na ang pangangalaga sa karagatan ay nagsisimula rin sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating mga ilog at iba pang inland water bodies, na bahagi ng daluyan patungo sa mas malaki pang water body.
Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng malinis na katubigan, responsableng pangangalaga sa kalikasan, at aktibong pakikilahok ng komunidad sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating mga ilog, sapa, agbang, at iba pang daluyan ng tubig.