MSWDO Padre Garcia

MSWDO Padre Garcia Kalingang Garciano, Makataong Serbisyo.

24/02/2026
24/02/2026
Ang paggunita ng Safer Internet Day 2026 sa Municipality of Padre Garcia, na may temang “Ako, Ikaw, Tayo: Konektado at P...
10/02/2026

Ang paggunita ng Safer Internet Day 2026 sa Municipality of Padre Garcia, na may temang “Ako, Ikaw, Tayo: Konektado at Protektado Laban sa OSAEC at CSAEM,” ay nagpapakita ng matibay na paninindigan ng lokal na pamahalaan at ng buong komunidad sa pangangalaga at proteksyon ng mga bata laban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM). Sa panahon ngayon kung saan ang internet ay mahalagang bahagi ng edukasyon, komunikasyon, at pang-araw-araw na pamumuhay, mahalagang matiyak na ang mga bata ay ligtas mula sa anumang uri ng online na pang-aabuso at pagsasamantala.

Ang temang ito ay nagbibigay-diin sa papel ng bawat isa sa komunidad. Ang “Ako” ay sumisimbolo sa personal na responsibilidad ng bawat bata, kabataan, magulang, at mamamayan na gamitin ang internet nang may pag-iingat, disiplina, at kamalayan sa mga panganib. Ang “Ikaw” ay kumakatawan sa mahalagang papel ng mga magulang, guro, child development workers, at iba pang tagapag-alaga sa paggabay, pagtuturo, at pagbabantay sa mga bata upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa digital na kapaligiran. Ang “Tayo” naman ay sumasalamin sa kolektibong pagkilos ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia, sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Council for the Protection of Children (MCPC), DepEd, Barangay Council for the Protection of Children (BCPC), Philippine National Police (PNP), at iba pang katuwang na ahensya at organisasyon, upang magpatupad ng mga programa, kampanya, at mekanismo para sa child online protection.

Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, layunin ng lokal na pamahalaan na mapataas ang kamalayan ng komunidad tungkol sa OSAEC at CSAEM, mapalakas ang kakayahan ng mga magulang at tagapag-alaga sa pagprotekta sa mga bata, at mahikayat ang aktibong pakikilahok ng lahat sa pagtataguyod ng isang ligtas, protektado, at child-friendly na digital environment. Ang sama-samang pagkilos ng bawat sektor ay mahalaga upang matiyak na ang internet ay magiging isang ligtas na espasyo para sa pagkatuto, paglinang ng kakayahan, at maayos na pag-unlad ng bawat batang Batangueño sa Municipalidad ng bayan ng Padre Garcia.

Muling binuo at pinalakas ang samahan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng KALIPI upang bigyang boses, lakas, at tiwala a...
05/02/2026

Muling binuo at pinalakas ang samahan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng KALIPI upang bigyang boses, lakas, at tiwala ang mga kababaihan ng Padre Garcia. Layunin ng samhan na i-empower, patatagin at palakasin ang mga kababaihan lalo na ang mga nananatiling may takot at pangamba, mahina at walang lakas ng loob na magpahayag ng kanilang saloobin. Sa pamamagitan ng KALIPI, sila ay tutulungan upang maipakita, matutunan at maramdaman ang tunay na kahalagahan at kapangyarihan ng isang babae.

❗ANUNSYO PUBLIKO❗Muling maghahandog ng Lingkod Pag-IBIG Service Caravan ang Pag-IBIG Fund Lipa Branch at ang lokal na pa...
03/01/2026

❗ANUNSYO PUBLIKO❗

Muling maghahandog ng Lingkod Pag-IBIG Service Caravan ang Pag-IBIG Fund Lipa Branch at ang lokal na pamahalaan ng Padre Garcia sa ika-6 ng Enero, na isasagawa sa ikalawang palapag ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Para sa mga mamamayang Garciano na nagnanais magsagawa ng member registration, membership reactivation, Multi-Purpose Loan (MPL) application, at employer/business registration, mangyaring basahin ang poster sa ibaba para sa listahan ng mga requirements.

28/12/2025

❗PAG-IBIG LOYALTY CARD❗

Sa darating na Sabado, ika-3 ng Enero, ay magaganap ang pagdadala sa bayan ng Padre Garcia ng serbisyo ng pagkuha ng Pag-IBIG Loyalty Card. Narito ang talaan ng pangalan ng mga Garciano na kabilang sa ikatatlong batch ng mga benepisyaryo alinsunod sa pre-registration na isinagawa.

Para sa mga nasa listahan, mangyaring magtungo sa MUNICIPAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE (MSWDO) sa petsang nabanggit mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon at magdala ng dalawang valid IDs at ng halagang isang daan at dalawampu't limang piso (Php 125.00)

Samantala, para sa mga nakapagpa-register na ngunit wala pa ang pangalan sa listahan, manatiling nakaabang sa mga susunod na anunsiyo tungkol sa iskedyul ng pag-proseso ng Pag-IBIG Loyalty Card.

Maraming salamat po.

1. Liezel Calbayar
2. Princess Laroza
3. Alma De Torres
4. Lennie Losito
5. Donaldo Roxas
6. Rossel Roxas
7. Myra Velasquez.
8. Josephine Mantuano
9. Felisa Mojica
10. May Perez
11. Karen Tabon
12. Abegail Lacurenta
13. Redielerm Cuevas
14. Je-Ann Marie Garcia
15. Reyman Tapay
16. Mary Ann K. Semira
17. Angelyn Carino
18. Mark Jerickson Ramirez
19. Rochelle Punzalan
20. Beverly Rocafor
21. Jay-R Rocafor
22. Jessie Cundiman
23. Sheryl De Leon
24. Mary Ruth Calingasan
25. Lourdes Cuevas
26. Lorna DeLa Roca
27. Joseph Banico
28. Jessie Angelo Albino
29. Mary Joy Agripa
30. Johnel Castro
31. Mary Ann Cuevas
32. Erica Mei Mendroz
33. John Arnelli Ibanez
34. Michael Pacia
35. Kobe Neil Emmanuel Abante
36. Ma.April Macasaet
37. Jezzel Abdon
38. Ma. Victoria Jamon
39. Miguel Rocafort
40. John Rocafort
41. Maribel Tibayan
42. Erika Galicia
43. Kurt Kevin Galicia
44. Cora Ferrera
45. John Ferrera
46. Catherine Limbo
47. Eduardo Melendrez
48. Myziel May Magpantay
49. Jessica Magpantay
50. Bernard Coronel
51. Aiko Coronel
52. Arvin Palaras
53. Ronalyn Balat
54. Via Vidal
55. Kimberly Panaligan
56. Clint Antonie Panaligan
57. Avegail Cuenca
58. Jazer Pasigan
59. Jerixon Mendoza
60. Jenny Rose Faa
61. Ma.Veronica Mendaña
62. Analiza Maala
63. Jasmin Malijan
64. Elaine Lambio
65. Glenda Mortañez
66. Jessy Lambio
67. Cathleen Joy Cordial
68. Gerald Lasi
69. Jezza Dimawala
70. Eunice Fontanilla

Noong November 27 at 28 2025, naisakatuparan ang pamimigay ng ₱1,000 Social Aide para sa lahat ng rehistradong Senior Ci...
08/12/2025

Noong November 27 at 28 2025, naisakatuparan ang pamimigay ng ₱1,000 Social Aide para sa lahat ng rehistradong Senior Citizen ng Bayan ng Padre Garcia. Umabot sa 5,526 na benepisyaryo mula sa 18 Barangay ang nakatanggap ng tulong mula sa LGU Padre Garcia sa pangunguna ng butihing ina ng Bayan ng Padre Garcia, Mayor Celsa B. Rivera.

Ang payout na ito ay naging posible sa tulong ng maayos na koordinasyon, dedikasyon ng mga staff, at kooperasyon ng ating mga Senior Citizen.

👴💗👵

✨ Pinaglayo ng panahon, pinaglapit ng pagkakataon.✨Matapos ang 30 taon mula nang umalis sa kanyang bayan upang maghanap-...
22/11/2025

✨ Pinaglayo ng panahon, pinaglapit ng pagkakataon.✨

Matapos ang 30 taon mula nang umalis sa kanyang bayan upang maghanap-buhay, kahapon (Nobyembre 21, 2025) muling nagtagpo ang magkapatid na si Tatay Edgardo M. Dela Cruz, 63 taong gulang, at Sammy Marquez. Sa kabila ng malakas na ulan at mahabang biyahe, ligtas na naihatid si Tatay Edgardo sa Bayan ng Atimonan, Quezon at muli niyang nakapiling ang kanyang kapatid at mga kaanak.

Si Tatay Edgardo ay higit limang taon nang naninirahan sa Padre Garcia, kung saan siya unang nagtrabaho bilang "boy" sa isang tindahan sa palengke. Samantala, dalawang taon na siyang nagtitinda ng lobo at madalas na makikita sa labas ng Jollibee Padre Garcia. Siya ay naninirahan sa ipinahiram na matutuluyan ng mag-asawang Henry Banawa, na malaki ang naitulong sa kanya.

Habang siya ay pansamantalang nananatili sa RHU upang kahit papaano ay maibsan ang kanyang hirap na nararamdaman, wala siyang maipakitang valid ID at dahil sa mahina ang kanyang kalusugan, kailangan niya ng wastong paggabay at pag-asiste upang makauwi.

Sa tulong at suporta ng Pamahalaan ng Padre Garcia, sa pamamagitan ng MSWDO, sa pangunguna ng Social Worker na si Jasmine L. Tapalla at Driver na si Gaspar De Castro, ligtas at maayos siyang naihatid at na-endorse sa MSWDO ng Atimonan, Quezon.

Nakipag-coordinate ang Social Worker na si Jasmine Tapalla sa MSWDO Atimonan sa pamamagitan ni Ms. Shannen Tierra, upang matiyak ang proper turnover at tuloy-tuloy na assistance para kay Tatay Edgardo sa kanyang pagbabalik-bayan.

Patunay na sa kabila ng panahon, distansya, at mga pagsubok, nagiging posible ang pag-uwi kapag may malasakit, suporta, at pagtutulungan.

👴💗👵

📣 Schedule ng Social Aide para sa mga  Senior Citizen!Inaanyayahan po ang ating mga mahal na lolo at lola na nagSenior h...
20/11/2025

📣 Schedule ng Social Aide para sa mga Senior Citizen!

Inaanyayahan po ang ating mga mahal na lolo at lola na nagSenior hanggang SEPTEMBER 30 mula sa 18 Barangay na dumalo sa Social Aide Payout sa November 27 at 28, 7:30 AM – 5:00 PM, sa Cultural Center – Barangay Quilo-Quilo North, Padre Garcia, Batangas.

📌 Makikita po sa larawan ang iskedyul ng oras at araw para sa bawat Barangay.

Huwag kalimutan dalhin ang photocopy ng ID na may tatlong pirma at Senior Citizen ID para sa validation. Samantala, para naman po sa mag-a-authorization, idagdag po ang photocopy ng ID na may tatlong pirma ng pinahintulutang tumanggap.

Maraming salamat po!

👴💗👵

20/11/2025

Address

Poblacion
Padre Garcia
4224

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSWDO Padre Garcia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share