BCA Singko Ilaya Del Sur

BCA Singko Ilaya Del Sur “KABATAAN KASAMA TAYO PARA SA MAS MAAYOS NA BARANGAY”

BCA O BARANGAY CHILDREN’S ASSOCIATION SINGKO ILAYA DEL SUR OFFICIAL PAGE

16/06/2026
14/06/2026

𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐞𝐒𝐊𝐰𝐞𝐥𝐚 𝐘𝐄𝐀𝐑 𝟑 📚

Isang makabuluhang hakbang para sa pagsusulong ng edukasyon ang matagumpay na pamamahagi ng karagdagang kagamitan sa paaralan sa mga mag-aaral ng Brgy. Ilaya del Sur.

Sa kabuuan, 𝟐𝟖𝟑 na mag-aaral ang nabigyan ng suporta upang makatulong sa kanilang pag-aaral at maging inspirasyon sa kanilang patuloy na pagsisikap na makamit ang kanilang mga pangarap.

Sa naturang bilang, 𝟏𝟑𝟓 na mag-aaral mula sa antas ng 𝐄𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲𝐚, 𝟖𝟒 na mag-aaral mula sa 𝐒𝐞𝐤𝐨𝐧𝐝𝐚𝐫𝐲𝐚, at 𝟔𝟒 na mag-aaral mula sa 𝐊𝐨𝐥𝐞𝐡𝐢𝐲𝐨 ang tumanggap ng mga kagamitang pang-edukasyon na makatutulong sa kanilang araw-araw na pagpasok at pag-aaral. Ang mga kagamitang ito ay magsisilbing mahalagang kasangkapan upang higit nilang mapagtuunan ng pansin ang kanilang pag-aaral at mapagaan ang ilan sa mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

Ang kabuuang bilang ng mga benepisyaryo ay sumasalamin sa ating sama-samang adhikain na walang mag-aaral ang maiiwan pagdating sa pagkakataong makapag-aral nang maayos. Mula elementarya hanggang kolehiyo, patuloy nating pinagtitibay ang ating paniniwala na ang edukasyon ang susi sa pag-unlad ng bawat indibidwal at ng buong komunidad.



MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN!Nakikiisa ang Barangay Children Association Ilaya Del Sur sa pagdidiwang ng Araw ng Kalayaan...
12/06/2026

MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN!

Nakikiisa ang Barangay Children Association Ilaya Del Sur sa pagdidiwang ng Araw ng Kalayaan o Independence Day ngayon Hunyo 12 2026.

Sama-sama nating ipagdiwang ang diwa ng kalayaan, katapangan, at pagmamahal sa bayan. Mabuhay ang Pilipinas!

12/06/2026

Maligayang ika-128 na taon ng Kalayaan.✊🏻

Tamasahin at ipaglaban ang bansang ipinaglaban ng ating mga bayaning ninuno.🇵🇭

22/05/2026

Address

Brgy Singko (5) Ilaya Del Sur
Paete

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BCA Singko Ilaya Del Sur posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category