MENRO Paete

Directions

MENRO Paete Official page of MENRO Paete for public information, environmental awareness, announcements and activity updates in the Municipality.

𝑱𝒖𝒏𝒆 20, 2026 | 𝑭𝑰𝑹𝑬 𝑹𝑬𝑺𝑷𝑶𝑵𝑺𝑬 𝑶𝑷𝑬𝑹𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵Nakatanggap ng ulat ang 𝙈𝙀𝙉𝙍𝙊 𝙋𝙖𝙚𝙩𝙚 mula sa MDRRMO 𝙋𝙖𝙚𝙩𝙚 𝙍𝙚𝙨𝙥𝙤𝙣𝙨𝙚 hinggil sa insi...
20/06/2026

𝑱𝒖𝒏𝒆 20, 2026 | 𝑭𝑰𝑹𝑬 𝑹𝑬𝑺𝑷𝑶𝑵𝑺𝑬 𝑶𝑷𝑬𝑹𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵

Nakatanggap ng ulat ang 𝙈𝙀𝙉𝙍𝙊 𝙋𝙖𝙚𝙩𝙚 mula sa MDRRMO 𝙋𝙖𝙚𝙩𝙚 𝙍𝙚𝙨𝙥𝙤𝙣𝙨𝙚 hinggil sa insidente ng sunog sa kabundukang bahagi ng Brgy. Bagumbayan. Dahil dito, agad na tumugon ang 𝙈𝙀𝙉𝙍𝙊 𝙋𝙖𝙚𝙩𝙚 katuwang ang 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐁𝐚𝐠𝐮𝐦𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 sa pangunguna ng 𝐏𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝙈𝙞𝙜𝙪𝙚𝙡 𝘾𝙖𝙙𝙤𝙧𝙣𝙞𝙜𝙖𝙧𝙖, BFP R4A Paete Fire Station, at Paete Response upang mapigilan ang paglawak ng apoy at mabawasan ang pinsala sa kalikasan.

Napag-alamang ang insidente ay dulot ng 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐠𝐚 sa nasabing lugar.
𝑷𝒂𝒂𝒍𝒂𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕: Ang pagsisiga at pagsusunog ng basura ay mahigpit na ipinagbabawal alinsunod sa 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐥𝐮𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐁𝐥𝐠. 104, 𝐓. 2017 – 𝐎𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐧𝐬𝐚 𝐁𝐥𝐠. 2017-341, 𝐀𝐥𝐢𝐭𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐢𝐧 𝐁𝐥𝐠. 11.
Hinihikayat ang lahat na maging responsable at makiisa sa pangangalaga ng ating kapaligiran upang maiwasan ang mga insidenteng maaaring magdulot ng panganib sa buhay, ari-arian, at kalikasan.

Lubos na pasasalamat sa 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐁𝐚𝐠𝐮𝐦𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 sa pangunguna ng 𝐏𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝙈𝙞𝙜𝙪𝙚𝙡 𝘾𝙖𝙙𝙤𝙧𝙣𝙞𝙜𝙖𝙧𝙖, gayundin sa 𝐁𝐅𝐏 𝐏𝐚𝐞𝐭𝐞 at 𝐌𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎 𝐏𝐚𝐞𝐭𝐞 𝐑𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐞 sa kanilang agarang pag-aksyon at pakikiisa sa pagtugon sa insidente. Ang kanilang mabilis na responde ay naging mahalaga upang maagapan ang paglawak ng sunog at mabawasan ang posibleng pinsala sa kapaligiran.

Maging mapagmatyag at agad na iulat sa kinauukulan ang anumang insidente ng sunog upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon at mas malaking pinsala sa komunidad at kapaligiran.

17/06/2026
Hunyo 10, 2026🌿Nakiisa ang 𝐌𝐄𝐍𝐑𝐎 𝐏𝐚𝐞𝐭𝐞 sa isinagawang "𝑨𝒃𝒐𝒕 - 𝑲𝒂𝒎𝒂𝒚 𝑷𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑳𝒂𝒈𝒖𝒏𝒂 𝒅𝒆 𝑩𝒂𝒚:𝑴𝒊𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 𝒊𝒏 𝑨𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 - 𝑺𝒐𝒍𝒊𝒅 𝑾𝒂𝒔𝒕...
10/06/2026

Hunyo 10, 2026

🌿Nakiisa ang 𝐌𝐄𝐍𝐑𝐎 𝐏𝐚𝐞𝐭𝐞 sa isinagawang "𝑨𝒃𝒐𝒕 - 𝑲𝒂𝒎𝒂𝒚 𝑷𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑳𝒂𝒈𝒖𝒏𝒂 𝒅𝒆 𝑩𝒂𝒚:𝑴𝒊𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 𝒊𝒏 𝑨𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 - 𝑺𝒐𝒍𝒊𝒅 𝑾𝒂𝒔𝒕𝒆 𝑹𝒆𝒄𝒐𝒗𝒆𝒓𝒚" na pinangunahan ng 𝑳𝒂𝒈𝒖𝒏𝒂 𝑳𝒂𝒌𝒆 𝑫𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑨𝒖𝒕𝒉𝒐𝒓𝒊𝒕𝒚 (𝑳𝑳𝑫𝑨) sa 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒊𝒍 𝑹𝒊𝒗𝒆𝒓, 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒊𝒍,𝑳𝒂𝒈𝒖𝒏𝒂.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng ating mga daluyan ng tubig sa pamamagitan ng waste recovery at clean-up operations, kasabay ng pagtatanim ng mga puno upang higit pang mapangalagaan ang ating kalikasan. ♻️

Patuloy na nakikiisa ang 𝐌𝐄𝐍𝐑𝐎 𝐏𝐚𝐞𝐭𝐞 sa mga programang nagsusulong ng wastong pamamahala ng basura, pangangalaga sa kapiligiran at pagpapanatili ng malinis at ligtas na 𝑳𝒂𝒈𝒖𝒏𝒂 𝒅𝒆 𝑩𝒂𝒚 para sa susunod na henerasyon.

Sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month 2026 na may temang "Inspired by Nature, For Climate, For Our Future."  At...
04/06/2026

Sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month 2026 na may temang "Inspired by Nature, For Climate, For Our Future." Ating muling pagtibayin ang ating pangako sa pangangalaga at pagprotekta sa kalikasan. Sama-sama nating isulong ang mga gawaing makakalikasan upang mapanatili ang malinis, luntian, at ligtas na kapaligiran para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon ng ating bayan.

Ang bawat maliit na hakbang tulad ng pagse-segregate ng ating basura at pagtatanim ng puno ay may malaking ambag sa pagbuo ng isang mas maayos at mas napapanatiling kinabukasan.

Sama sama po tayo! Kalikasan ay Alagaan, Kinabukasan ay Ingatan !

Philippine Environment Month 2026






MAKAKALIKASANG ARAW, MGA SOFT-PLASTIC CONTRIBUTORS! 🌱❓GARDENIA COLLECTION DRIVE📆MAY 28, 2026🕑2:00 PM onwards📍LYDO Buildi...
25/05/2026

MAKAKALIKASANG ARAW, MGA SOFT-PLASTIC CONTRIBUTORS! 🌱

❓GARDENIA COLLECTION DRIVE
📆MAY 28, 2026
🕑2:00 PM onwards
📍LYDO Building Ground Floor, MENRO, F. Sario St., Maytoong (Tapat ng RHU/Center)

Magkakaroon na po ulit ng Gardenia Collection Drive kung saan mapapalitan na ng Gardenia Philippines ang bahagi ng naipong plastic sa darating na May 28, 2026. Maaari pong magtungo sa tanggapan ng MENRO mula 2pm ng hapon hanggang 5pm ng hapon sa nasabing petsa (May 28, 2026) at 8am to 12nn, 1pm to 5pm naman para sa araw ng Biyernes (May 29, 2026).

Nais pong ipaalam sa lahat na 2,000 kilograms lamang ang kayang palitan sa collection drive na ito. Dahil dito, ang mga kontribusyong natanggap ng opisina mula March 3 hanggang April 30 lamang muna ang mapapalitan, na may katumbas ng kabuuang 400 loaves. Habang ang mga kontribusyon naman mula May 1 ay mananatiling nasa record at mapapalitan sa mga susunod pang iskedyul ng collection drive.

Para makita ang listahan ng mga kontribusyon mula sa nakaraang collection drive hanggang April 30, i-check lamang ang link na nasa ibaba:

🔗 https://docs.google.com/spreadsheets/d/1sqcZ-utN9n__zwf6lrTCrYdB4MxaQy-_XNIy9b4J6mA/edit?usp=sharing

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, pag-unawa at pakikilahok! 💚

May 20, 2026 - Bandang 8:20 ng umaga, nakatanggap ng ulat mula sa MDRRMO hinggil sa nagaganap na pagsisiga sa paanan ng ...
20/05/2026

May 20, 2026 - Bandang 8:20 ng umaga, nakatanggap ng ulat mula sa MDRRMO hinggil sa nagaganap na pagsisiga sa paanan ng bundok sa nasasakupan ng Barangay Ilaya del Norte. Kaugnay nito, agad na rumesponde ang MENRO sa pamamagitan ng pagkilos ng mga deputized enforcer upang makipag-ugnayan sa BFP R4A Paete Fire Station at Sangguniang Barangay ng Ilaya del Norte at agad na magtungo sa lugar ng insidente.

Pagsapit ng 8:35 ng umaga sa Sitio Paho, lugar ng insidente, inabutan na nauna na nagtungo ang Kapitan ng Barangay at nakumpirma ang nagpapatuloy na sunog. Gayunpaman, walang naabutang taong responsable sa naturang pagsusunog. Kaagad namang nagtulungan ang mga tauhan ng MENRO, Kapitan, mga Bantay Bayan ng Barangay Ilaya del Norte, katuwang ang mga taga BFP R4A Paete Fire Station upang apulahin ang sunog.

Bandang 9:30 ng umaga ay tuluyan nang naapula at nakontrol ang sunog.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa MDRRMO Paete Response, Kapitan at mga Bantay Bayan ng Barangay Ilaya del Norte, BFP R4A Paete Fire Station, at sa lahat ng iba pang tumulong sa agarang pagtugon sa insidenteng ito.

Paalala po sa lahat na ang pagsisiga at pagsusunog ng basura ay mahigpit na ipinagbabawal alinsunod sa Resosyon Blg. 104, T. 2017 – Ordinansa Blg. 2017-341, Alituntunin Blg. 11.

Patuloy po nating pangalagaan ang ating kalikasan at maging responsable sa wastong pamamahala ng basura.

MAKAKALIKASANG ARAW, MGA SOFT-PLASTIC CONTRIBUTORS! 🌱Magkakaroon na po ng Gardenia Collection Drive kung saan mapapalita...
19/05/2026

MAKAKALIKASANG ARAW, MGA SOFT-PLASTIC CONTRIBUTORS! 🌱

Magkakaroon na po ng Gardenia Collection Drive kung saan mapapalitan na ng Gardenia Philippines ang bahagi ng naipong plastic sa darating na May 21, 2026. Maaari pong magtungo sa tanggapan ng MENRO mula 3:00 ng hapon hanggang 6:00 ng hapon sa nasabing petsa.

Sarado po ang tanggapan ngayong darating na Biyernes at magbabalik sa darating na Lunes. Ang pangunahing concern po ay ang BEST BEFORE DATE ng produkto kaya hinihikayat na makuha ito agad o maipakuha.

Nais din pong ipaalam sa lahat na 1,000 kilograms lamang ang kayang palitan sa collection drive na ito. Dahil dito, ang mga kontribusyong natanggap ng opisina mula February 25 hanggang March 2 lamang muna ang mapapalitan, na may katumbas ng kabuuang 200 loaves. Habang ang mga kontribusyon naman mula March 3 ay mananatiling nasa record at mapapalitan sa mga susunod pang iskedyul ng collection drive.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, pag-unawa at pakikilahok! 💚

Para makita ang listahan ng mga kontribusyon mula sa nakaraang collection drive hanggang March 2, i-check lamang ang link na nasa ibaba:

🔗 https://docs.google.com/spreadsheets/d/1sqcZ-utN9n__zwf6lrTCrYdB4MxaQy-_XNIy9b4J6mA/edit?gid=0 =0

May 13, 2026 - Taos-pusong pasasalamat mula sa Municipal Environment and Natural Resources Office sa Municipal Children ...
13/05/2026

May 13, 2026 - Taos-pusong pasasalamat mula sa Municipal Environment and Natural Resources Office sa Municipal Children Association at Barangay Children Association sa pangunguna sa isinagawang Clean-up Drive sa Wawa Park, Paete, Laguna.

Lubos ding kinikilala at pinapasalamatan ang gabay at pangangasiwa nina MSWD Children Coordinators Ms. Kath Umali at Ms. Karylle Valdecantos na naging mahalagang bahagi sa tagumpay ng gawaing ito.

Maraming salamat sa lahat ng volunteers, youth leaders, kawani ng pamahalaan at iba pang nakiisa sa pagbibigay ng oras at pagtutulungan para sa pangangalaga ng ating kapaligiran. Ang inyong pakikiisa ay patunay ng malasakit at pagkakaisa ng kabataan at komunidad para sa mas malinis at mas maayos na kapaligiran.

Tamang segregasyon ng basura, responsibilidad ng bawat isa: sambahayan, barangay, at munisipalidad.Sama-sama tayo para s...
12/05/2026

Tamang segregasyon ng basura, responsibilidad ng bawat isa: sambahayan, barangay, at munisipalidad.

Sama-sama tayo para sa mas malinis at mas maayos na komunidad!

Address

Ground Level, LYDO Building F. Sario Street , Maytoong
Paete
4016

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MENRO Paete posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share