31/08/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Martes ng Ikadalawamput-dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
๐๐๐ญ๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐ ๐๐, ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐ ๐๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ญ๐จ ๐:๐๐๐-๐๐
๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐ข๐๐ ๐ ๐ ๐ข๐๐๐๐ ๐ ๐ข๐๐๐ก ๐๐ ๐ด๐๐๐ ๐ก๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐ ๐ก๐๐๐-๐ถ๐๐๐๐๐ก๐
Mga kapatid, nasasaliksik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang pinakamalalim na panukala ng Diyos. Walang nakaaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu. Gayun din naman, walang nakaaalam sa mga iniisip ng Diyos maliban sa Espiritu ng Diyos. Hindi ang espiritu ng sanlibutan kundi ang espiritu ng Diyos ang tinanggap natin upang ating maunawaan ang mga kaloob niya sa atin.
Sa mga nagtataglay ng Espiritu, ang ipinaliliwanag namiโy mga katotohanang espirituwal; mga pananalitang turo ng Espiritu at hindi ayon sa karunungan ng tao ang ginagamit namin. Sapagkat ang taong di nagtataglay ng Espiritu ay ayaw tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila mauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal. Nauunawaan ng taong nagtataglay ng Espiritu ang kahalagahan ng bawat bagay, ngunit walang nakauunawa sa kanya. Ganito ang nasasaad sa Kasulatan,
โSino ang nakaaalam ng pag-iisip ng Panginoon?
Sino ang makapagpapayo sa kanya?โ Ngunit ang pag-iisip ni Kristoโy taglay natin.
๐ด๐๐ ๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐ ๐ท๐๐ฆ๐๐ .
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ฅ๐ฆ๐จ ๐๐๐:๐-๐. ๐๐-๐๐. ๐๐-๐๐๐๐. ๐๐๐ค๐-๐๐
๐๐๐๐๐: ๐ด๐๐'๐๐๐
๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐.
Ang Panginoong Dโyos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag, banayad magalit, ang pag-ibig niyaโy hindi kumukupas.
Siya ay mabuti at kahit kaninoโy hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi.
๐๐๐๐๐: ๐ด๐๐'๐๐๐
๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐.
Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalang; lahat mong nilikha ay pupurihin kaโt pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang โyong kaharian, at ibabalitang tunay kang dakilaโt makapangyarihan.
๐๐๐๐๐: ๐ด๐๐'๐๐๐
๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐.
Dakila mong gawaโy upang matalastas ng lahat ng tao, mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo.
Ang paghahari moโy sadyang walang hanggan, hindi magbabago.
๐๐๐๐๐: ๐ด๐๐'๐๐๐
๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐.
Di ka bibiguin sa mga pangako pagkat ang Diyos ay tapat, ang kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting lahat,
Siyaโy tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin; yaong inaapiโy inaalis niya sa pagkagupiling.
๐๐๐๐๐: ๐ด๐๐'๐๐๐
๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐.
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ฎ๐๐๐ฌ ๐:๐๐
๐ด๐๐๐๐ข๐ฆ๐! ๐ด๐๐๐๐ข๐ฆ๐!
Narito at dumating na isang dakilang propeta sugo ng Diyos sa bayan nโya
๐ด๐๐๐๐ข๐ฆ๐! ๐ด๐๐๐๐ข๐ฆ๐!
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ฎ๐๐๐ฌ ๐:๐๐-๐๐
+ ๐ด๐๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐๐๐ ๐ต๐๐๐๐ก๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐๐ ๐๐๐ฆ ๐๐๐ ๐ฟ๐ข๐๐๐
Noong panahong iyon, nagpunta si Hesus sa Capernaum, Galilea. Nagturo siya sa mga tao nang Araw ng Pamamahinga at nagtaka sila sa kanyang pagtuturo, sapagkat may kapangyarihan kung siyaโy magsalita. Naroon sa sinagoga ang isang lalaking inaalihan ng demonyo o isang masamang espiritu. Sumigaw siya nang malakas: โAno ang pakialam mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami? Alam ko kung sino ka ikaw ang Banal ng Diyos.โ Subalit pinagwikaan siya ni Hesus, โTumahimik ka! Lumayas ka sa taong iyan!โ At sa harapan ng lahat, ang taoโy inilugmok ng demonyo at iniwan nang hindi man lamang sinaktan. Nanggilalas silang lahat at nasabi sa isaโt isa, โAnong uri ng pangungusap ito? Makapangyarihan at mabisa! Pinalalayas niya ang masasamang espiritu, at sumusunod naman sila!โ At kumalat ang balita tungkol kay Hesus sa buong lupaing iyon.
๐ด๐๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐๐๐ ๐ต๐๐๐๐ก๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐.