29/05/2026
Taos pusong pasasalamat po ang ipinaaabot ng Pamahalaang Barangay 4 Quinale, sa pangunguna ni LnB Fed. Pres./Punong Barangay Robert Q. Bagabaldo, sa ating butihing Gobernador Kgg. SOL ARAGONES, sa paghahatid ng paunang tulong sa mga pamilya na naapektuhan sa naganap na sunog, noong Mayo 28, 2026, sa C. S. Umali St. Barangay 4 Quinale, Paete, Laguna.
Ipinaabot din po namin ang taos pusong pasasalamat sa mga masisipag na staff ng ating butihing Gobernadora, Sir Marlon Vendiveil at Ma'am KC Judith Fabillar at sa ating dating Ikalawang Punong Bayan Kidd Paraiso na siyang agarang nakipag-ugnayan sa Tanggapan ng ating Gobernador upang agarang mabigyan ng paunang tulong ang mga pamilya na naapektuhan ng nasabing sunog.
Muli po maraming salamat po!