BFP R9 Zamboanga del Sur Provincial Office

BFP R9 Zamboanga del Sur Provincial Office BFP R9 Zamboanga del Sur Provincial Office - Public Information Unit

03/08/2026
Nakikiisa ang Bureau of Fire Protection Region 9 sa pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika!Sama-sama nating tangkilikin...
03/08/2026

Nakikiisa ang Bureau of Fire Protection Region 9 sa pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika!
Sama-sama nating tangkilikin, gamitin at ipagmalaki ang wikang Filipino—ang wikang sumasalamin sa ating kasaysayan, mayamang kultura at pagkakakilanlan.

Nakikiisa ang Bureau of Fire Protection Region 9 sa pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika!

Sama-sama nating tangkilikin, gamitin at ipagmalaki ang wikang Filipino—ang wikang sumasalamin sa ating kasaysayan, mayamang kultura at pagkakakilanlan.

03/08/2026
"Sa panahong mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya at globalisasyon, mahalagang yakapin natin ang pagbabago nang hindi ki...
03/08/2026

"Sa panahong mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya at globalisasyon, mahalagang yakapin natin ang pagbabago nang hindi kinakalimutan ang ating pinagmulan. Ang ating wika ay bahagi ng ating pambansang identidad. Habang pinahahalagahan natin ang iba't ibang wika sa bansa at ang paggamit ng mga pandaigdigang wika, nararapat lamang na patuloy nating itaguyod ang wikang Filipino bilang sagisag ng ating pagkakaisa, kultura, at pagmamahal sa bayan."
— SFO2 Jeffrey Q Catacutan
OIC, Administrative Branch, OPFM–ZDS

TRADISYUNAL NA SEREMONYA NG PAGTATAAS NG WATAWAT

SA MGA LARAWAN | 03 Agosto 2026 – Pormal na sinimulan ng Office of the Provincial Fire Marshal–Zamboanga del Sur, sa pamumuno ni FSUPT LUCIO P ALBARACIN, DSC, Acting Provincial Fire Marshal, ang unang linggo ng Agosto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Tradisyunal na Seremonya ng Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."

Nakiisa rin sa gawain ang mga lingkod-bayan mula sa PDRRMO–ZDS sa pangunguna ni Atty. Faro Antonio O. Olaguera, OIC, at mga kawani ng JES Security na ginanap sa PDRRMO Compound, Provincial Government Complex, Dao, Pagadian City. Pinangasiwaan ng Finance Section ang programa, kung saan nagsilbing Master of Ceremony si FO1 Jennifer A Arcillas, Clerk, Finance Section.

Naging Tagapagsalita sa Troop Information and Education Speaker si SFO2 Jeffrey Q Catacutan, OIC, Administrative Branch, OPFM–ZDS. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng Buwan ng Wikang Pambansa at ang temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon," na nagpapakita kung paano nagsisilbing tulay ang wikang Filipino sa pagpapalawak ng kaalaman, pananaliksik, at makabagong teknolohiya, habang pinagtitibay ang ating pambansang pagkakakilanlan, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa sariling kultura.

Matapos ang seremonya, personal na iginawad ni FSUPT ALBARACIN ang Certificate of Commendation kay SFO2 Catacutan bilang pagkilala sa kanyang makabuluhang mensahe at patuloy na dedikasyon sa paglilingkod sa bayan. Nagtapos ang gawain sa isang maikling pagpupulong kung saan tinalakay ang mahahalagang anunsyo at mga ulat mula sa iba't ibang seksyon.

03/08/2026
Happy 35th Anniversary to the Firefighters' Service, who continue to serve with integrity, courage, and compassion for t...
03/08/2026

Happy 35th Anniversary to the Firefighters' Service, who continue to serve with integrity, courage, and compassion for the safety of every Filipino.

Maligayang ika-35 Anibersaryo sa Kawanihan ng Pamatay Sunog, na patuloy na naglilingkod nang may katapatan, katapangan, at malasakit para sa kaligtasan ng bawat Pilipino.

29/07/2026

COURTESY CALL | PLTCOL WEMERRA JEAN D SALDIA, Provincial Superintendent of the Zamboanga del Sur Provincial Internal Affairs Service, Philippine National Police Regional Office IX (PNP R9), paid a courtesy call on FSSUPT KADIL T ACALUL, DSC, Acting Regional Director of the Bureau of Fire Protection Regional Office IX (BFP R9).

The meeting served as an opportunity to strengthen inter-agency collaboration and reinforce the commitment of both organizations to professionalism, accountability, and public service. The courtesy call also highlighted the importance of fostering stronger partnerships in promoting peace, public safety, and effective law enforcement throughout Region IX.

29/07/2026

Address

Office Of The Provincial Fire Marshal, PDRRMO Compound, Provincial Government Complex, Dao
Pagadian City
7016

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BFP R9 Zamboanga del Sur Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BFP R9 Zamboanga del Sur Provincial Office:

Shortcuts

Share