Bureau of Fire Protection Region IX

Bureau of Fire Protection Region IX The Bureau of Fire Protection Regional Office IX official page managed by the Public Information Service, BFP9.

The Bureau of Fire Protection Regional Office IX Public Information Unit is tasked to inform the general public and its personnel of the latest news, activities and other programs of BFP Region 9.

TINGNAN | Tinapos ng Internal Audit Team ng Bureau of Fire Protection (BFP) National Headquarters, sa pangunguna ni FSSU...
06/08/2026

TINGNAN | Tinapos ng Internal Audit Team ng Bureau of Fire Protection (BFP) National Headquarters, sa pangunguna ni FSSUPT JOANNE E VALLEJO, DSC, Chief, Internal Audit Office, ang Management Audit sa Recruitment and Selection Process para sa Fire Officer 1 ng BFP Region 9 sa pamamagitan ng isang Exit Conference na ginanap sa ika-3 palapag ng BFL Building, San Pedro District, Pagadian City.

Sa isinagawang Exit Conference, ibinahagi ng audit team ang kanilang mga obserbasyon, rekomendasyon, at mahahalagang findings na magsisilbing gabay ng BFP Region 9 sa higit pang pagpapalakas ng integridad, transparency, at kahusayan sa pagpapatupad ng recruitment process para sa Fire Officer 1.

Tatlong Prestihiyosong Pambansang Parangal ang Natanggap ng BFP Region IX! Ipinagmamalaki ng Bureau of Fire Protection (...
06/08/2026

Tatlong Prestihiyosong Pambansang Parangal ang Natanggap ng BFP Region IX!

Ipinagmamalaki ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region IX ang pagkakamit ng tatlong pambansang parangal sa ginanap na BFP Command Conference sa Bureau of Fire Protection National Headquarters noong Agosto 5–6, 2026.

Kinilala ang BFP Region IX dahil sa natatanging pagganap at walang sawang pagsusumikap tungo sa kahusayan, at ginawaran ng mga sumusunod na parangal:

- Excellence in Program Documentation
- Innovation Excellence
- Fourth Best Performing Region in the Observance of the 2026 Fire Prevention Month and Community Relations Week

Tinanggap ang mga parangal ni Acting Regional Director FSSUPT KADIL T ACALUL, DSC, sa ngalan ng buong BFP Region IX.

Ang mga natamong pagkilalang ito ay sumasalamin sa hindi matatawarang dedikasyon, inobasyon, at sama-samang pagsisikap ng bawat kawani ng BFP Region IX sa pagpapalaganap ng kamalayan sa kaligtasan laban sa sunog, pagpapatibay ng ugnayan sa komunidad, at paghahatid ng de-kalidad na serbisyong publiko.

Taos-pusong pagbati sa lahat ng kalalakihan at kababaihan ng BFP Region IX! Nawa'y magsilbing inspirasyon ang mga pagkilalang ito upang lalo pang paigtingin ang ating dedikasyon sa kahusayan at tapat na paglilingkod, habang nananatiling matatag sa ating misyon na pangalagaan ang buhay, ari-arian, at kapaligiran.

Isinagawa ang Psychological Assessment at Neuro-Evaluation para sa mga Aplikante ng Fire Officer 1Bilang bahagi ng prose...
06/08/2026

Isinagawa ang Psychological Assessment at Neuro-Evaluation para sa mga Aplikante ng Fire Officer 1

Bilang bahagi ng proseso ng recruitment ng Bureau of Fire Protection (BFP), isinagawa ngayong araw ang Psychological Assessment at Neuro-Evaluation para sa mga aplikante ng Fire Officer 1 (FO1) matapos makumpleto ang Complete Background Investigation (CBI).

Ang mga pagsusuri ay isinagawa sa Good Life Psychological Services at Dipolog Psychological Testing Center sa Pagadian City upang masuri ang kahandaan ng mga aplikante sa aspetong sikolohikal, ang kanilang emosyonal na katatagan, at ang kanilang kakayahang pangkaisipan na gampanan ang mga tungkulin at responsibilidad ng serbisyo publiko.

Ang bahaging ito ng proseso ng recruitment ay sumasalamin sa patuloy na hangarin ng Bureau na matiyak na tanging mga kuwalipikado, may kakayahan, at may sapat na kahandaang pangkaisipan ang magiging bahagi ng Bureau of Fire Protection sa pagtupad sa misyon nitong pangalagaan ang buhay, ari-arian, at kapaligiran.

🎉 Sama-sama nating ipagdiwang ang kaarawan ng mga nagdiriwang ngayong Agosto sa BFP Regional Office IX! 🎂Ngayong buwan n...
04/08/2026

🎉 Sama-sama nating ipagdiwang ang kaarawan ng mga nagdiriwang ngayong Agosto sa BFP Regional Office IX! 🎂

Ngayong buwan ng Agosto, ating binibigyang-pugay ang ating mga kasamahan sa BFP Regional Office IX na ipinagdiriwang ang isa na namang biyaya ng panibagong taon ng buhay. Ang inyong katapatan, dedikasyon, at buong pusong paglilingkod ay patuloy na nagpapatatag sa ating organisasyon at nagsisilbing huwaran ng tunay na paglilingkod-bayan.

Sa pagsisimula ninyo ng panibagong yugto ng inyong buhay, nawa'y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, matatag na pangangatawan, kapayapaan ng isip, at mas marami pang tagumpay sa inyong personal at propesyonal na buhay. Nawa'y lalo pa kayong pagpalain at gabayan sa inyong marangal na tungkulin bilang mga lingkod-bayan.

Maligayang Kaarawan sa lahat ng ating mga nagdiriwang ngayong Agosto! Nawa'y mapuno ng pagmamahal, kasiyahan, pagpapala, at mahahalagang alaala ang inyong espesyal na araw kasama ang inyong pamilya, mga mahal sa buhay, at mga kasamahan sa Bureau of Fire Protection.

TINGNAN | Isinagawa ng Internal Audit Team ng Bureau of Fire Protection (BFP) National Headquarters, sa pangunguna ni FS...
03/08/2026

TINGNAN | Isinagawa ng Internal Audit Team ng Bureau of Fire Protection (BFP) National Headquarters, sa pangunguna ni FSSUPT JOANNE E VALLEJO, DSC, Chief, Internal Audit Office, ang Management Audit sa Recruitment and Selection Process para sa Fire Officer 1 ng BFP Region 9 na ginanap sa ika-3 palapag ng BFL Building, San Pedro District, Pagadian City.

Layunin ng audit na matiyak na ang proseso ng recruitment at pagpili ng mga aplikante ay sumusunod sa mga pinapatupad na patakaran at isinasagawa nang tapat, patas, malinis at walang katiwaliang recruitment process. Sinusuri rin nito ang bawat hakbang ng recruitment upang matiyak na ang lahat ng aplikante ay nabibigyan ng pantay na pagkakataon.

Bureau of Fire Protection

Nakikiisa ang Bureau of Fire Protection Region 9 sa pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika!Sama-sama nating tangkilikin...
03/08/2026

Nakikiisa ang Bureau of Fire Protection Region 9 sa pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika!

Sama-sama nating tangkilikin, gamitin at ipagmalaki ang wikang Filipino—ang wikang sumasalamin sa ating kasaysayan, mayamang kultura at pagkakakilanlan.

03 Agosto 2026 | Nagsagawa ang Bureau of Fire Protection (BFP) Regional Office IX, sa pangunguna ni Acting Regional Dire...
03/08/2026

03 Agosto 2026 | Nagsagawa ang Bureau of Fire Protection (BFP) Regional Office IX, sa pangunguna ni Acting Regional Director FSSUPT KADIL T ACALUL, DSC, ng Traditional Flag Raising Ceremony sa Regional Office Grounds.

Sa programa, nagsilbing Troop Information and Education (TI&E) Speaker si FO1 Zedrick L Nebab, Staff ng Regional Health Services, BFP RO IX. Sa kanyang mensahe, ibinahagi niya ang kanyang personal na karanasan at kung paano niya natuklasan ang kanyang layunin sa buhay. Ikinuwento rin niya kung paano niya ginagamit ang kanyang kaalaman sa psychology sa kanyang kasalukuyang tungkulin bilang bumbero upang mas mapabuti ang kanyang paglilingkod at makatulong sa kapakanan ng kanyang mga kapwa kawani at ng komunidad.

Tampok din sa programa ang mensahe ng pamamaalam ni FSSUPT MICHAEL MELCHOR S PONFERRADA, MPSA, bilang paghahanda sa kanyang paglipat sa BFP Region 11. Nagpasalamat siya sa lahat ng mga kawani ng BFP Region 9 sa kanilang buong pusong suporta at dedikasyon sa serbisyo. Hinikayat din niya ang lahat na ipagpatuloy ang kanilang mahusay, tapat, at makabuluhang paglilingkod sa bayan.

31/07/2026
LOOK | Representatives from the Bureau of Fire Protection (BFP) Region 9 participated in the two-day Human Resource Mana...
31/07/2026

LOOK | Representatives from the Bureau of Fire Protection (BFP) Region 9 participated in the two-day Human Resource Management System (HRMS) Seminar held at Linsangan Hall, BFP National Headquarters Annex Building, Sen. Miriam Defensor Santiago Avenue, Bagong Pag-asa, Quezon City.

The seminar serves as a significant venue for fostering collaboration and advancing the Bureau's human resource management initiatives. It aims to strengthen the implementation of the Human Resource Management System (HRMS), enhance personnel administration practices, and reinforce the core principles of transparency, accountability, fairness, and integrity in public service.

31/07/2026

Address

Fernan Street , Purok Palmera, San Pedro District
Pagadian City
7016

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bureau of Fire Protection Region IX posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Bureau of Fire Protection Region IX:

Shortcuts

Share