MSWDO Pagbilao

Directions Contact the organization

MSWDO Pagbilao The official page of Municipal Social Welfare Office of Pagbilao

October 14, 2026 | Persons with Disability Meeting and Candle Making Demonstration
15/10/2026

October 14, 2026 | Persons with Disability Meeting and Candle Making Demonstration

September 23-25, 2026 | Basic Sign Language TrainingKaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao sa paniniwala na walang da...
28/09/2026

September 23-25, 2026 | Basic Sign Language Training

Kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao sa paniniwala na walang dapat naiiwan sa pag-unlad. Kaugnay nito, nagsagawa ng 3-Day Basic Sign Language Training ang tanggapang ng MSWD.

Sa pangunguna ng ating resource person Dr. Sarah Mendoza, sumailalim sa pagsasanay ang mga Day Care Workers, Barangay Secretaries, Barangay Councilors on PWD, pamilya ng mga PWDs, at MSWD staff. Layunin ng pagsasanay na ito na mas maging handa ang ating mga lingkod-bayan na umunawa at tumulong sa ating Deaf community.

Isang mahalagang paalala na ang bawat Pagbilaoin, anuman ang kalagayan, ay may karapatang matulungan at mapaglingkuran nang tapat.

September 11, 2026 | CAPACITY BUILDING WORKSHOPKaisa ang aming tanggapan sa paniniwala na ang mga Child Development Work...
11/09/2026

September 11, 2026 | CAPACITY BUILDING WORKSHOP

Kaisa ang aming tanggapan sa paniniwala na ang mga Child Development Workers ang haligi ng maagang edukasyon at gabay sa matatag na kinabukasan ng kabataan. Upang higit na mapaunlad ang likas na kakayahan ng ating mga CDW, patuloy na isinasagawa ang mga capacity-building workshop kaugnay sa classroom management at materials preparation.

❤️National Disability Rights Celebration - Cluster INakiisa ang Bayan ng Pagbilao sa pagdiriwang ng National Disability ...
04/09/2026

❤️National Disability Rights Celebration - Cluster I

Nakiisa ang Bayan ng Pagbilao sa pagdiriwang ng National Disability Rights Week, na nilahukan ng mga miyembro ng PWD mula sa iba't ibang barangay.

Patuloy ang pakikipagtulungan ng ating Punong-bayan, Mayor Ate Gigi Portes, at ng lokal na pamahalaan ng Pagbilao sa pagpapaunlad ng karapatan ng mga PWD. Kaugnay nito ay pakikipag-ugnayan sa mga pribadong establisimyento at organisasyon upang mabigyan sila ng pantay na oportunidad upang malinang ang kanilang kakayahan.

Upang bigyang-diin ang importansya ng edukasyon, ibinahagi ni Sir Dominique Derilo ang mga programa at serbisyo na maaring matamasa ng mga PWD sa larangan ng edukasyon at pangkabuhayan.

Bilang parte ng pagpapa-unlad sa kabuhayan ng mga myembro ng PWD, nagsagawa din ng demonstration for Candle Making at Dishwashing Making. Layunin nito na magkaroon ng dagdag na kaalaman ng mga myembro at kanilang pamilya sa aspeto ng pangkabuhayan.

Para sa mas ligtas at inklusibong komunidad 🤍💛Matagumpay na naisagawa ang Capacity Building Activity para sa Municipal C...
14/08/2026

Para sa mas ligtas at inklusibong komunidad 🤍💛

Matagumpay na naisagawa ang Capacity Building Activity para sa Municipal Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children o MCAT-VAWC at Barangay Violence Against Women o VAW Desk Officers noong Agosto 13, 2026 sa Senior Building, Brgy. Mapagong, Pagbilao Quezon.

Layunin ng pagsasanay na ito na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng ating mga lingkod-bayan sa tamang paghawak ng mga kaso, mabilis na pagbibigay ng tulong, at pagtiyak ng proteksyon para sa mga kababaihan at kabataan sa ating bayan.

Sa pamamagitan ng mas sapat na kaalaman sa batas at mas maayos na referral system, patuloy ang pagtugon laban sa karahasan at pang-aabuso.

📸MCAT VAWC-VAW Desk Capacity Building and Seminar

📸August 13, 2026: Child Development Center and Kitchen Garden Visit
14/08/2026

📸August 13, 2026: Child Development Center and Kitchen Garden Visit

🎂✨Isang mainit na pagbati ng maligayang kaarawan sa napakasipag at palangiting mangagawang panlipunan na si  Ms. Nimfa B...
29/07/2026

🎂✨Isang mainit na pagbati ng maligayang kaarawan sa napakasipag at palangiting mangagawang panlipunan na si Ms. Nimfa B. Orig, mula sa tanggapan ng MSWD Pagbilao. Nawa ay patuloy kang maging instrumento sa paghahatid ng serbisyo at inspirasyon para sa mga mamamayan ng Pagbilao. 💛🤍

📸UPLIFT Orientation kasama ang mga sekretarya ng bawat barangay.
29/07/2026

📸UPLIFT Orientation kasama ang mga sekretarya ng bawat barangay.

Address

JP Rizal Street Brgy. Sta. Catalina Pagbilao, Quezon
Pagbilao
4302

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSWDO Pagbilao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to MSWDO Pagbilao:

Shortcuts

Share