Public Employment Service Office - Pagbilao

Public Employment Service Office - Pagbilao Public Employment Service Office - PESO Pagbilao 2nd Floor Admin building Municipality of Pagbilao

Matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang Job Fair sa Bayan ng Pagbilao na may temang: 'Alagang Handog Trabaho para sa M...
22/07/2026

Matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang Job Fair sa Bayan ng Pagbilao na may temang: 'Alagang Handog Trabaho para sa Mamamayan ng Pagbilao'. Ito ay sa ilalim ng pamumuno ng ating masipag at butihing Punong bayan Mayor Ate Gigi Portes at sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng PESO-Pagbilao headed by Ms. Magdalena A. Gloria at sa patnubay ng DOLE- Quezon Provincial Office na kinatawan ni Ms. Abigail P. Gilpo (Senior Labor and Employment Officer).

Ang Job Fair na ito ay isa lamang sa mga "Banner Programs" ng ating Mayor Ate Gigi Portes na naglalayong makapagbigay ng trabaho para sa ating mga mamamayan.

Walong ( 8 ) kumpanya ang dumalo sa nasabing aktibidad kung saan mahigit sa 200 na aplikante ang nakilahok at nagpasa ng kanilang mga aplikasyon.

May limampu’t walo (58) na aplikante ang agarang nakuha at natanggap sa trabaho o Hired on the Spot (HOTS) matapos ang nasabing programa.

Maraming salamat sa bawat isa na naging bahagi ng tagumpay na ito! Binabati namin ang lahat ng bagong natanggap — nawa’y maging daan ito sa mas maunlad at magandang kinabukasan.

Magandang araw, mga ka-PESO!Ang BTSMC Managing Solutions, Inc. ay kasalukuyang nagbubukas ng mga oportunidad sa trabaho ...
22/07/2026

Magandang araw, mga ka-PESO!

Ang BTSMC Managing Solutions, Inc. ay kasalukuyang nagbubukas ng mga oportunidad sa trabaho para sa mga sumusunod na posisyon.

Ang lahat ng interesado at kwalipikadong aplikante ay maaaring magpasa ng kanilang updated na resume sa kanilang email address: [email protected].

Kung mayroon kayong mga katanungan o nais linawin tungkol sa aplikasyon, maaaring makipag-ugnayan sa numerong ito :📞 093288978632.

Maraming salamat po!

Ikaw ba ay bagong tapos sa pag-aaral at handa nang simulan ang inyong career? O naghahanap ng panibagong simula sa traba...
13/07/2026

Ikaw ba ay bagong tapos sa pag-aaral at handa nang simulan ang inyong career? O naghahanap ng panibagong simula sa trabaho? Ito na ang pagkakataon ninyo, mga ka-Pagbilaoin!
Inihahandog ng ating lokal na pamahalaan sa pamumuno ng ating masipag at butihing Mayor Ate Gigi Portes at sa pakikipagtulungan ng ating PESO-Pagbilao at ng DOLE-Quezon Provincial Office, ang ALAGANG HANDOG TRABAHO PARA SA MAMAMAYANG PAGBILAOIN: LOCAL JOB FAIR 2026
Ihanda na ang inyong mga Resume at magtungo sa ating Local Job Fair upang makahanap ng trabahong para sa inyo!
📅 Kailan: July 21, 2026 (Martes)
🕗 Oras: 9:00 AM onwards
📍 Saan: Municipal Covered Court
Samu't saring oportunidad ang naghihintay para sa inyo, huwag palampasin ang pagkakataong ito na simulan ang inyong professional career. Magkita-kita po tayo! 🤝✨
I-tag na ang inyong mga batchmates at kaibigan na naghahanap din ng trabaho! 👇

Magandang araw, mga ka-PESO!Ang SANFORD MARKETING CORP. ay magkakaroon ng Local Recruitment Activity sa darating na Mart...
11/04/2026

Magandang araw, mga ka-PESO!

Ang SANFORD MARKETING CORP. ay magkakaroon ng Local Recruitment Activity sa darating na Martes, April 14, 2026 mula alas nuwebe ng umaga na gaganapin sa HR Office ng ating munisipyo.

Ang lahat po ng interesadong aplikante ay inaabisuhang magdala ng kanilang updated resume. Deretsong i-interview-hin ng recruiter mula sa SANFORD MARKETING CORP., ang mga interesadong aplikante.

Maraming salamat po!

08/04/2026
Magandang araw, mga ka- PESO!Ang Aboitiz Construction, Inc. ay magkakaroon ng Local Recruitment Activity sa darating na ...
27/03/2026

Magandang araw, mga ka- PESO!

Ang Aboitiz Construction, Inc. ay magkakaroon ng Local Recruitment Activity sa darating na April 8, 2026, mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon. Gaganapin ito sa Municipal Covered Court.

Ang lahat po ng interesadong aplikante ay inaabisuhang magdala ng kanilang updated na resume. Ang mga interesadong aplikante ay deretso nang iinterbyuhin ng mga recruiter mula sa Aboitiz Construction, Inc.

Maraming salamat po!

Magandang araw, mga ka-PESO!Ang UNLISOLUTIONS MANPOWER SERVICES AND EVENTS MANAGEMENT INC. ay magkakaroon ng Local Recru...
23/03/2026

Magandang araw, mga ka-PESO!

Ang UNLISOLUTIONS MANPOWER SERVICES AND EVENTS MANAGEMENT INC. ay magkakaroon ng Local Recruitment Activity sa darating na Miyerkules, March 25, 2026 mula alas nuwebe ng umaga na gaganapin sa HR Office ng ating munisipyo.

Ang lahat po ng interesadong aplikante ay inaabisuhang magdala ng kanilang updated resume. Deretsong i-interview-hin ng recruiter mula sa UNLISOLUTIONS MANPOWER SERVICES AND EVENTS MANAGEMENT INC. ang mga interesadong aplikante.

Salamat!

Magandang araw, mga ka-PESO!Ang Omniworx, Inc. ay kasalukuyang naghahanap ng mga aplikante para sa iba't ibang posisyon....
04/03/2026

Magandang araw, mga ka-PESO!

Ang Omniworx, Inc. ay kasalukuyang naghahanap ng mga aplikante para sa iba't ibang posisyon. Ang lahat ng interesadong aplikante ay inaanyayahang magsumite ng kanilang updated na resume sa kanilang tanggapan 2nd floor, Lai Sun Bldg., Km.53. Maharlika highway, Brgy. Tulo, Calamba City, Laguna. Para sa mabilis na pag-access sa aplikasyon, i-scan lamang ang QR code na makikita sa bawat larawan o mag-email sa [email protected] o [email protected] .

Maraming salamat po!

Magandang araw, mga ka-PESO!Ang Republic Gas Corporation ay kasalukuyang naghahanap ng isang (1) Welder para punuan ang ...
12/02/2026

Magandang araw, mga ka-PESO!

Ang Republic Gas Corporation ay kasalukuyang naghahanap ng isang (1) Welder para punuan ang bakanteng posisyon. Ang lahat ng interesadong aplikante ay malugod na inaanyayahan na magsumite ng kanilang updated na resume sa Sitio Aurora, Barangay Binahaan Pagbilao, Quezon, o sa pamamagitan ng email sa [email protected]

Maraming salamat po.

Address

Rizal Street Brgy Sta. Catalina
Pagbilao
4302

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Employment Service Office - Pagbilao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Public Employment Service Office - Pagbilao:

Shortcuts

Share