DepEd Tayo Palsabangon ES - Quezon Province

DepEd Tayo Palsabangon ES - Quezon Province Ang opisyal na pahina sa mga anunsyo, impormasyon at pabatid ng Paaralang Elementary ng Palsabangon

09/11/2025



Ayon na inilabas na MEMORANDUM CIRCULAR NO. 106 ng Office of the President Malacañang, kaugnay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at dahil sa inaasahang matinding epekto ng Super Typhoon “Uwan,” SUSPENDIDO na ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, at Region I, II, III, IV-A, IV-B, V, at VIII bukas Nobyembre 10, 2025 (MONDAY).

Dagdag pa rito, ang mga klase sa lahat ng antas sa mga nabanggit na rehiyon, gayundin sa Region VI, Region VII, at Negros Island Region, ay suspendido rin sa LUNES at MARTES, Nobyembre 10-11, 2025.

Samantala, ang mga ahensyang responsable sa mga pangunahing serbisyo tulad ng kalusugan, kahandaan, at pagtugon sa sakuna ay mananatiling bukas at patuloy na magbibigay serbisyo.

Ang lokalisadong kanselasyon o suspensyon ng klase at/o trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa ibang mga rehiyon ay maaaring ipatupad ng kani-kanilang Local Chief Executives, alinsunod sa mga kaukulang batas, alituntunin, at regulasyon.

Ang suspensyon naman ng trabaho sa mga pribadong kompanya at tanggapan ay nakasalalay sa pagpapasya ng kani-kanilang mga pinuno.

Source: Office of the President Malacañang MEMORANDUM CIRCULAR NO. 106




15/10/2025

WALANG PASOK (ALL LEVELS) ‼️ October 16-17, 2025

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng flu at pneumonia sa ating lalawigan, suspendido ang mga klase (Public at Private) sa LAHAT NG LEVELS sa buong lalawigan.

PETSA: Oktubre 16–17, 2025 (Huwebes at Biyernes)

Hinihikayat ang bawat Quezonian na mag-ingat at sundin ang mga payo ng ating health authorities upang makaiwas sa sakit. Kalusugan at Kaligtasan ang ating prayoridad. ☝

13/10/2025

Let this week be a reminder to keep our eyes on the possibilities ahead and let positivity lead the way. Happy Monday, ka-DepEd! 🙏❤️

13/10/2025
30/09/2025
26/09/2025

PAGBILAO EMERGENCY HOTLINE NUMBERS 🚨📞

Sa oras ng pangangailangan, narito ang ating mga numerong dapat tandaan:

📍 MDRRMO (Disaster Response & Rescue): 0918 624 4564
📍 Bumbero (BFP): 0923 442 4945
📍 Pulis (PNP): 0998 598 5764

Maging handa, maging ligtas! 💛💙❤️

24/09/2025

WALANG PASOK‼️

Dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Bagyong Opong, suspendido ang mga klase sa lahat ng antas (PUBLIC & PRIVATE) mula SEPTEMBER 25-26 2025 (HUWEBES AT BIYERNES).

Ipinauubaya naman sa mga Punong Bayan ng nasabing mga bayan ang pagsuspinde sa opisina sa mga tanggapan ng Lokal na Pamahalaan at pribadong sektor bukas, September 25, 2025 (HUWEBES).

Samantala, suspendido rin ang pasok sa mga pampublikong tanggapan at pribadong sektor sa SEPTEMBER 26, 2025 (BIYERNES).

Mag-ingat at maging alerto po tayong lahat! 🙏☔

21/09/2025

‼️‼️‼️ PABATID SA PUBLIKO

Alinsunod sa inilabas na RED ALERT Advisory ng NDRRMC at bilang paghahanda sa Super Typhoon na maaaring magdulot ng matitinding pagbaha at malalakas na buhos ng ulan, ipinagpapabatid na SUSPENDIDO ang FACE-TO-FACE CLASSES mula KINDER to SENIOR HIGH, parehong pampubliko at pribadong paaralan bukas araw ng Lunes, Setyembre 22, 2025.

Nawa’y maging makabuluhan at ligtas ang araw kasama ang inyong pamilya, mga kababayan nating Pagbilaoins.

14/09/2025

𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞!

Mga minamahal kong Pagbilaoins, bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng LPA at dahil na rin sa pagtaas ng tubig sa iba’t ibang Barangay dito sa Bayan ng Pagbilao, SUSPENDIDO po bukas, SEPTEMBER 15, 2025, ang lahat ng FACE TO FACE classes mula KINDER hanggang SENIOR HIGH SCHOOL (Pagbilao District 1 & 2 at lahat ng private schools).

Paalala po na ito ay nakadepende pa rin sa
‼️ ACTUAL WEATHER CONDITIONS.‼️

Patuloy po tayong magbibigay ng updates batay sa pinakahuling abiso ng PAGASA at ng ating mga lokal na awtoridad.

Maaaring ipatupad ng mga paaralan ang asynchronous classes depende sa desisyon ng kanilang administrasyon.

Inuulit ko po, ang pinakamahalaga ay ang kaligtasan ng bawat isa. Ingat po tayo at manatiling ligtas. 🌧️

– 𝑨𝒕𝒆 𝑴𝒂𝒚𝒐𝒓 𝑮𝒊𝒈𝒊 𝑷𝒐𝒓𝒕𝒆𝒔



Mula sa Provincial Government of Quezon  PASOK !Classes in all levels and government work are suspended today September ...
31/08/2025

Mula sa Provincial Government of Quezon

PASOK !

Classes in all levels and government work are suspended today September 1, 2025 Monday as per DILG.

!

Alinsunod sa Department of Interior and Local Government Philippines dahil sa banta ng masamang panahon.

SUSPENDIDO ANG KLASE SA LAHAT NG ANTAS NG PUBLIC AT PRIVATE SCHOOLS SA LALAWIGAN NG QUEZON GAYUNDIN ANG MGA TANGGAPAN NG GOBYERNO NGAYONG ARAW, SEPTEMBER 1, 2025.

Ang lahat ay pinag-iingat.

Source: DILG Philippines
https://www.facebook.com/share/p/173jG2zZ4z/?mibextid=wwXIfr



WALANG PASOK‼️Dahil sa banta ng sama ng panahon, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa public at private schools, bu...
25/08/2025

WALANG PASOK‼️
Dahil sa banta ng sama ng panahon, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa public at private schools, bukas AUGUST 26, 2025 (MARTES). Samantala, suspendido rin ang pasok sa mga pampublikong tanggapan ng pamahalaan sa ating lalawigan.
Mag-ingat at maging alerto po tayong lahat! 🙏☔
Source: DILG Philippines

WALANG PASOK‼️

Dahil sa banta ng sama ng panahon, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa public at private schools, bukas AUGUST 26, 2025 (MARTES). Samantala, suspendido rin ang pasok sa mga pampublikong tanggapan ng pamahalaan sa ating lalawigan.

Mag-ingat at maging alerto po tayong lahat! 🙏☔

Source: DILG Philippines

25/08/2025

Maligayang Araw ng mga Bayani! 🇵🇭

Kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon ng sambayanan sa pagbibigay-pugay sa lahat ng mga bayaning Pilipino mula sa kasaysayan hanggang sa kasalukuyan.

Kinikilala rin natin sa pagdiriwang ngayong araw ang magigiting na bayani ng iba’t ibang sektor, kabilang ang mga g**o at kawani na katuwang natin sa pagsig**o ng maayos na kalidad ng edukasyon para sa mga Pilipinong mag-aaral.

Address

Ibabang Palsabangon
Pagbilao
4302

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Palsabangon ES - Quezon Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Tayo Palsabangon ES - Quezon Province:

Share

Category