MENRO Pagbilao

MENRO Pagbilao Official page of Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) of Pagbilao, Quezon

Matagumpay na isinagawa nitong May 28, 2026 ang Community Drill sa Barangay Iba. Polo sa pangunguna ng MDRRMO Pagbilao, ...
30/05/2026

Matagumpay na isinagawa nitong May 28, 2026 ang Community Drill sa Barangay Iba. Polo sa pangunguna ng MDRRMO Pagbilao, sa ilalim ng mahusay na pamumuno ng ating masipag at butihing MDRRMC Chairperson Mayor Ate Gigi Portes at OIC-MDRRMO Jane M. Luce.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, nabigyan ng sapat na kaalaman at praktikal na pagsasanay ang mga kalahok kung paano tumugon sa iba’t ibang sitwasyon tulad ng paglikas, pagresponde sa emerhensiya, at tamang pagbibigay ng paunang lunas upang makatulong sa pagligtas ng buhay. Ang bawat pagsasanay ay mahalagang hakbang upang mapanatili ang kaligtasan at kahandaan ng bawat mamamayan.

Ipinakita rin ng aktibidad na ito ang kahalagahan ng pagkakaisa, disiplina, at bayanihan sa gitna ng anumang hamon. Sa sama-samang pagtutulungan ng mga opisyal, volunteers, responders, at mga residente, mas nagiging matatag at handa ang ating komunidad laban sa anumang sakuna.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at naging bahagi ng matagumpay na programang ito. Nawa’y patuloy nating isabuhay ang kahandaan at malasakit para sa kapakanan ng bawat isa.

“Ang kahandaan ay susi sa kaligtasan.”




Bayanihan para sa malinis at maayos na daluyan ng tubig! 💚🌊Isinagawa ang Unclogging of Canals sa pangunguna ng MENRO, ka...
30/05/2026

Bayanihan para sa malinis at maayos na daluyan ng tubig! 💚🌊

Isinagawa ang Unclogging of Canals sa pangunguna ng MENRO, katuwang ang LGU, KALIPI, 4Ps, RIC, LGBTQIA+, SK, BJMP, BFP, at iba pang mga volunteer. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, napapanatili nating malinis ang ating kapaligiran at naiiwasan ang pagbaha sa ating komunidad.

Bilang pakikiisa sa pangangalaga ng ating kapaligiran, matagumpay na naisagawa ang Bayanihan sa Kalikasan at Unclogging ...
30/05/2026

Bilang pakikiisa sa pangangalaga ng ating kapaligiran, matagumpay na naisagawa ang Bayanihan sa Kalikasan at Unclogging of Canals sa Brgy. Del Carmen at Brgy. Daungan.

Sa pagtutulungan ng mga mamamayan at iba't ibang sektor kabilang ang KALIPI, 4Ps, RIC, LGBTQIA+ Community, SK, BJMP, at BFP, naging matagumpay ang gawaing naglalayong mapanatiling malinis ang ating mga kanal at kapaligiran upang maiwasan ang pagbaha at mapangalagaan ang kalusugan ng komunidad.

Ang sama-samang pagkilos ay patunay na sa bayanihan, mas marami tayong magagawa para sa kalikasan at sa kapakanan ng bawat mamamayan. 🌱🤝

Malinis na kapaligiran, ligtas na pamayanan! 💚🌿

📚♻️ "Bote Mo, Premyo Ko” – Plastic Palit School Supplies ♻️📚Ginanap sa Brgy. Hall ng Barangay Silangang Malicboy ang pro...
26/05/2026

📚♻️ "Bote Mo, Premyo Ko” – Plastic Palit School Supplies ♻️📚

Ginanap sa Brgy. Hall ng Barangay Silangang Malicboy ang programang “Bote Mo, Premyo Ko” kung saan mahigit 50 na bata ang nakibahagi at nabigyan ng mga school supplies kapalit ng kanilang naipong plastik na bote.

Isang pagbati rin sa Barangay Silangang Malicboy bilang may isang kalahok na nakapag-ipon ng humigit-kumulang 40 kilos ng plastik na bote! 🎉

Lubos ang aming pasasalamat kay Hon. Jovito Sotalbo, Barangay Captain ng Barangay Silangang Malicboy sa patuloy na suporta sa mga programa ng MENRO.

Taos-pusong pasasalamat din kay Mayor Angelica "Ate Gigi" Portes sa walang sawang pagsuporta sa mga proyektong pangkalikasan at pang-edukasyon ng MENRO.

Sama-sama para sa kalinisan ng kapaligiran at kinabukasan ng kabataan! 💚🌍

Matagumpay na naisagawa ang Tree Planting Activity sa Iba Palsabangon Mangrove Swamp Experimental Forest sa pagtutulunga...
25/05/2026

Matagumpay na naisagawa ang Tree Planting Activity sa Iba Palsabangon Mangrove Swamp Experimental Forest sa pagtutulungan ng Joint Quezon kasama ang PAFC (Provincial Agriculture and Fishery Council), PAGBILAO MAFC, DENR, DA Pagbilao, MENRO, RIC ng Iba Palsabangon, LAWA at BINHI, Regional Agriculture and Fishery Council, Municipal Agriculture Office, at DENR CENRO Tayabas.
Sa pangunguna at aktibong pakikibahagi ng ating butihing Punongbayan, Mayor Ate Gigi Portes, matagumpay na naitanim ang 400 pirasong propagules na babaeng bakawan bilang bahagi ng ating adhikain na mapangalagaan at mapanatili ang kagandahan ng ating kalikasan.
Layunin ng gawaing ito na higit pang maprotektahan ang ating mga baybayin, maparami ang yamang-dagat at madagdagan ang bilang ng mga isda na isa sa mga pangunahing hanapbuhay ng mga kababayan nating Pagbilaoins. Sama-sama tayong kumikilos para sa mas luntiang kalikasan at mas maunlad na Pagbilao!



25/05/2026
Noong Mayo 16, muling naipakita ang tunay na diwa ng bayanihan sa ating Poblacion Barangay sa pamamagitan ng sama-samang...
20/05/2026

Noong Mayo 16, muling naipakita ang tunay na diwa ng bayanihan sa ating Poblacion Barangay sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang karatig-barangay. Sa pangunguna ng mga opisyal at boluntaryo, nagkaisa ang komunidad para sa paglilinis, pagsasaayos, at pagpapanatili ng kaayusan ng kapaligiran.

Kasama ang mga Barangay Castillo, Bukal, Tambak, Sta. Catalina, Mayhay tayo ay nagtipon-tipon upang magsagawa ng mga gawaing tulad ng: Paglilinis ng mga kalsada at kanal, Pagpupulot ng basura at Pag-aalis ng mga sagabal sa daluyan ng tubig.

Hindi alintana ang init ng panahon, buong sigasig na nakiisa ang bawat isa. Kitang-kita ang pagtutulungan, malasakit sa kapaligiran, at malasakit sa kapwa. Ang simpleng gawaing ito ay naging simbolo ng pagkakaisa at pagmamahal sa ating pamayanan.

Ang ganitong uri ng aktibidad ay hindi lamang nakatutulong sa kalinisan ng ating lugar, kundi nagpapalakas din ng samahan at ugnayan ng bawat barangay. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating isabuhay ang diwa ng bayanihan sa mga susunod pang gawain ng ating komunidad.

15/05/2026

🌊♻️ “Bote Mo, Premyo Ko” – Plastic Palit School Supplies ✏️📚

📍Brgy. Ilayang Polo

📚♻️ Bote Mo, Premyo Ko” – Plastic Palit School Supplies ♻️📚Ginanap sa Barangay Hall ng Barangay Ilayang Polo ang program...
14/05/2026

📚♻️ Bote Mo, Premyo Ko” – Plastic Palit School Supplies ♻️📚

Ginanap sa Barangay Hall ng Barangay Ilayang Polo ang programang Bote Mo, Premyo Ko kung saan mahigit 50 na bata ang nakibahagi at nabigyan ng mga school supplies kapalit ng kanilang naipong plastik na bote.

Lubos ang aming pasasalamat kay Kapitan Cynthia De Leon sa patuloy na suporta sa mga programa ng MENRO.

Taos-pusong pasasalamat din kay Mayor Angelica "Ate Gigi" Portes sa walang sawang pagsuporta sa mga proyektong pangkalikasan at pang-edukasyon ng MENRO.

Sama-sama para sa kalinisan ng kapaligiran at kinabukasan ng kabataan! 💚🌍

Address

Brgy. Bukal
Pagbilao
4302

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MENRO Pagbilao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share