LGU-Paglat Maguindanao Del Sur

LGU-Paglat Maguindanao Del Sur Official Page of Paglat Maguindanao del Sur

๐Ÿ“ฃ
04/09/2026

๐Ÿ“ฃ

๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‘๐€๐ˆ๐’๐€ ๐‹๐€๐๐†๐Š๐”๐๐Ž ๐‰๐Ž๐ˆ๐๐’ ๐“๐‡๐„ ๐‹๐„๐€๐ ๐Ž๐๐„๐ ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐Œ๐„๐๐“ ๐…๐„๐‹๐‹๐Ž๐–๐’๐‡๐ˆ๐ ๐ˆ๐ ๐๐€๐†๐”๐ˆ๐Ž ๐‚๐ˆ๐“๐˜, ๐’๐“๐‘๐„๐๐†๐“๐‡๐„๐๐ˆ๐๐† ๐๐€๐†๐‹๐€๐“โ€™๐’ ๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐ˆ๐“๐Œ๐„๐๐“ ๐“๐Ž ๐†๐Ž๐Ž๐ƒ...
01/09/2026

๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‘๐€๐ˆ๐’๐€ ๐‹๐€๐๐†๐Š๐”๐๐Ž ๐‰๐Ž๐ˆ๐๐’ ๐“๐‡๐„ ๐‹๐„๐€๐ ๐Ž๐๐„๐ ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐Œ๐„๐๐“ ๐…๐„๐‹๐‹๐Ž๐–๐’๐‡๐ˆ๐ ๐ˆ๐ ๐๐€๐†๐”๐ˆ๐Ž ๐‚๐ˆ๐“๐˜, ๐’๐“๐‘๐„๐๐†๐“๐‡๐„๐๐ˆ๐๐† ๐๐€๐†๐‹๐€๐“โ€™๐’ ๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐ˆ๐“๐Œ๐„๐๐“ ๐“๐Ž ๐†๐Ž๐Ž๐ƒ ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐€๐๐‚๐„

LGU Paglat proudly shares another meaningful milestone in the continuing journey toward excellence in public service and good governance.

Noong August 27โ€“29, 2026, dala ni Mayor Raisa Pendatun Langkuno ang Municipality of Paglat, na isa sa mga Mayor Fellows ng Leaders for Excellence and Public Service (LEAP) Open Government Fellowship Program โ€“ Module 4 and Convocation Ceremony, kasama ang mga lokal na lider sa ilalim ng Mayors for Good Governance (M4GG).

Sa tatlong-araw na fellowship sa Baguio City, naging bahagi si Mayor Raisa ng ibaโ€™t ibang learning activities, leadership dialogue, benchmarking, at capstone project presentations na nakatuon sa pagpapalakas ng open, transparent, accountable, at people-centered governance.

Higit sa isang learning program, naging pagkakataon din ito para makapagpalitan ng ideas, experiences, at best practices kasama ang mga kapwa LEAP Fellows at mga miyembro ng M4GG community mga lokal na lider na patuloy na nagsusulong ng mas mahusay at mas makabuluhang pamamahala sa kani-kanilang mga komunidad.

Sa Convocation Ceremony noong August 29, pormal na kinilala ang pagkumpleto ng mga Mayor Fellows sa LEAP Open Government Fellowship Program sa pamamagitan ng pagbibigay ng Certificates of Completion.

Naging makabuluhan din ang pagkakataon na makilala ni Mayor Raisa si Mr. Andrew Powles ng British Embassy Manila, kasama ang kanyang mga kapwa LEAP Fellows at iba pang participants ng fellowship.

Para sa LGU Paglat, ang ganitong pagkakataon ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng isang certificate o pagkilala. Ito ay tungkol sa pagkatuto, pakikipag-ugnayan, at pagdadala ng mga bagong kaalaman at pananaw pabalik sa ating komunidad.

Ang pakikilahok ni Mayor Raisa sa LEAP at M4GG ay sumasalamin sa patuloy na commitment ng LGU Paglat na isulong ang isang pamahalaang bukas sa mga bagong ideya, transparent sa mga proseso, accountable sa serbisyo, at higit na nakikinig sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Isang karangalan para sa Municipality of Paglat na maging bahagi ng isang fellowship community na nag-uugnay sa mga lokal na lider na may iisang layunin ang patuloy na pag-angat ng kalidad ng public service at good governance.

Mula sa Baguio, pabalik sa Paglat dala ang mga aral, at inspirasyon para sa mas mahusay na paglilingkod.

Sulong Paglat! Sulong sa Mabuting Pamamahala!









25/08/2026

๐Ÿ“ข PUBLIC ADVISORY

The LGU Paglat informs the public that Wednesday, August 26, 2026 is the observance of 1448 Hijrah Maulidin Nabi (Birthday of Prophet Muhammad S.A.W.), a recognized Muslim holiday.

Please be informed that the Municipal Hall of Paglat will be CLOSED and regular government transactions will not be available on this day.

Regular office transactions will resume on the next working day.

Please be guided accordingly.

Thank you.

During the 2nd Commencement Exercise of Paglat Municipal College (PMC) batch 2026. Congrats everyone.
24/08/2026

During the 2nd Commencement Exercise of Paglat Municipal College (PMC) batch 2026.

Congrats everyone.

Uplift Assistance payout was successfully conducted this August 22, 2026 at the Municipal Gymnasium, Poblacion, Paglat, ...
22/08/2026

Uplift Assistance payout was successfully conducted this August 22, 2026 at the Municipal Gymnasium, Poblacion, Paglat, Maguindanao del Sur, with eligible beneficiaries receiving their assistance through the Department of Social Welfare and Development (DSWD).

The LGU Paglat remains committed to supporting and serving its constituents, ensuring that government assistance reaches those who are eligible and in need.

20/08/2026

A LASTING LEGACY

Isang pagpupugay at taos-pusong pasasalamat kay Former Mayor Engr. Abdulkarrim T. Langkunoโ€”isang lider na naglaan ng kanyang buhay, panahon, at serbisyo para sa minamahal niyang Municipality of Paglat.

Ang kanyang pamumuno ay naging bahagi ng pundasyon ng ating bayan. Ang mga programang kanyang sinimulan, mga pangarap na kanyang isinulong, at higit sa lahat, ang kanyang malasakit sa mga Paglateneo ay patuloy na mabubuhay sa puso ng ating komunidad.

Sa paglipas ng panahon, maaaring magbago ang mga pangalan at panahon, ngunit ang mabuting pamumuno at serbisyong tapat ay hindi kailanman malilimutan.

Ang tribute video na ito ay alay ng buong LGU Paglat bilang pagkilala sa kanyang buhay, serbisyo, at pamana.

Maraming salamat, Former Mayor Engr. Abdulkarrim T. Langkuno.
Ang iyong pamana ay mananatiling bahagi ng kuwento ng Paglat.
Your legacy lives on. ๐Ÿ•Š๏ธ



credits to:
Fahad Dimapalao singer/song writer
Nur Manzon video editor

๐‹๐†๐” ๐๐€๐†๐‹๐€๐“ ๐Œ๐ƒ๐’ | ๐‡๐€๐๐ƒ-๐“๐Ž-๐‡๐€๐๐ƒ ๐‘๐„๐‹๐ˆ๐„๐… ๐€๐’๐’๐ˆ๐’๐“๐€๐๐‚๐„ ๐’๐€ ๐’๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž ๐”๐๐Ž ๐“๐‘๐„๐’, ๐“๐”๐€๐‹, ๐๐€๐†๐‹๐€๐“ ๐Œ๐€๐†๐”๐ˆ๐๐ƒ๐€๐๐€๐Ž ๐ƒ๐„๐‹ ๐’๐”๐‘๐๐€๐†๐‹๐€๐“, ๐Œ๐ƒ๐’ โ€” ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ...
19/08/2026

๐‹๐†๐” ๐๐€๐†๐‹๐€๐“ ๐Œ๐ƒ๐’ | ๐‡๐€๐๐ƒ-๐“๐Ž-๐‡๐€๐๐ƒ ๐‘๐„๐‹๐ˆ๐„๐… ๐€๐’๐’๐ˆ๐’๐“๐€๐๐‚๐„ ๐’๐€ ๐’๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž ๐”๐๐Ž ๐“๐‘๐„๐’, ๐“๐”๐€๐‹, ๐๐€๐†๐‹๐€๐“ ๐Œ๐€๐†๐”๐ˆ๐๐ƒ๐€๐๐€๐Ž ๐ƒ๐„๐‹ ๐’๐”๐‘

๐๐€๐†๐‹๐€๐“, ๐Œ๐ƒ๐’ โ€” ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, Patuloy ang pagtugon ng LGU Paglat sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng pagbaha at kalamidad sa mga far-flung areas ng ating bayan.

Personal na nagtungo sina Mayor Raisa Pendatun Langkuno at Vice Mayor Sagandingan Gumonsang sa Sitio Uno Tres, Tual, Paglat, upang dalhin mismo sa mga residente ang Family Hygiene Kits at Bagong Pilipinas Food Packs. Layunin nitong maihatid ang agarang tulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan at nasa mahirap na lugar na maabot.

Kasama sa full-force operation ang Office of MDRRMO, sa pangunguna ni Mr. Albassir Ampuan, kasama ang SAR Team Paglat, na nagsikap na maihatid ang mga relief supplies hand-to-hand sa ating mga kababayan.

Taos-pusong pasasalamat din sa PNPโ€“Paglat at BFPโ€“Paglat sa kanilang kooperasyon sa pagbibigay ng seguridad at assistance sa distribution. Maraming salamat din sa Barangay Tual Officials, sa pangunguna ni Punong Barangay Nasrudin Sapi, gayundin sa ating mga Sangguniang Bayan Members at iba pang concerned individuals na buong-pwersang nakiisa sa distribution.

Sa bawat pag-abot ng tulong, ipinapakita natin na walang lugar na napakalayo at walang pamilyang maiiwan.

LGU Paglat โ€” Sama-sama sa Pagbangon, Sama-sama sa Paglilingkod.








๐‹๐†๐” ๐๐€๐†๐‹๐€๐“ ๐‚๐Ž๐๐ƒ๐”๐‚๐“๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐ƒ๐ˆ๐’๐€๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐“๐˜ ๐–๐„๐„๐Š ๐‚๐„๐‹๐„๐๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐๐€๐†๐‹๐€๐“, ๐Œ๐€๐†๐”๐ˆ๐๐ƒ๐€๐๐€๐Ž ๐ƒ๐„๐‹ ๐’๐”๐‘ | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“ ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”โ€” Isinagawa ng...
13/08/2026

๐‹๐†๐” ๐๐€๐†๐‹๐€๐“ ๐‚๐Ž๐๐ƒ๐”๐‚๐“๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐ƒ๐ˆ๐’๐€๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐“๐˜ ๐–๐„๐„๐Š ๐‚๐„๐‹๐„๐๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐

๐๐€๐†๐‹๐€๐“, ๐Œ๐€๐†๐”๐ˆ๐๐ƒ๐€๐๐€๐Ž ๐ƒ๐„๐‹ ๐’๐”๐‘ | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“ ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”โ€” Isinagawa ng Local Government Unit of Paglat, through the Persons with Disability Affairs Office (PDAO), ang pagdiriwang ng 2026 National Disability Week sa Training Center, Poblacion, Paglat, na may temang โ€œ๐‘๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฌ ๐…๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ: ๐‹๐ž๐ ๐ข๐ฌ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐…๐จ๐ซ๐ฐ๐š๐ซ๐ โ€“ ๐’๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐ข๐œ ๐€๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐„๐ช๐ฎ๐š๐ฅ ๐Ž๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ.โ€

Naging makabuluhan ang pagdiriwang dahil hindi lamang ito tungkol sa isang programa, kundi isang pagkakataon upang maipakita ang patuloy na suporta ng LGU sa mga karapatan, kabuhayan, at pag-unlad ng ating mga Persons with Disabilities (PWDs).

Kabilang sa mga isinagawang activities ang pamamahagi ng walkers sa PWD beneficiaries, kits, at school supplies like bags, para sa mga estudyanteng may disabilities, bilang bahagi ng konkretong tulong para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at pag-aaral.

Nagkaroon din ng hands-on demonstration sa paggawa ng dishwashing liquid, isang simpleng livelihood activity na maaaring matutunan at simulan bilang maliit na negosyo. Layunin nitong mabigyan ang mga PWDs at kanilang mga pamilya ng dagdag na kaalaman at oportunidad para sa self-reliance and livelihood development.

Kasama rin sa programa ang mga lectures at advocacy discussions on children's rights, particularly children with disabilities, upang higit na mapalawak ang kaalaman ng mga magulang, participants, at community members tungkol sa kanilang mga karapatan, proteksyon, at kapakanan.

Nakiisa sa pagdiriwang sina Municipal Administrator Jeddalyn C. Langkuno, JD, Municipal Councilor Hon. Cons JayHan Langkuno, at MLGOO Muhammad G. Nanding Jr., bilang pagpapakita ng suporta sa mga programang nagsusulong ng inclusive governance.
Aktibong tumulong at naging katuwang sa paghahanda ng programa ang MSSD Office at PDAO Office, in collaboration with LCPC Focal Person Ms. Myrna S. Andual, upang maging maayos at makabuluhan ang buong celebration.

Lubos ang pasasalamat ng LGU Paglat sa butihing Mayor Raisa Pendatun Langkuno at Vice Mayor Sagandingan Gumonsang sa kanilang buong suporta upang maisakatuparan ang programa at maipagpatuloy ang mga serbisyong nakatuon sa kapakanan ng PWD sector.








๐‹๐†๐” ๐๐€๐†๐‹๐€๐“ ๐–๐„๐‹๐‚๐Ž๐Œ๐„๐’ ๐Œ๐ ๐€๐“๐“๐˜. ๐’๐ˆ๐“๐ˆ๐„ ๐…๐€๐‡๐€๐๐ˆ๐„ ๐”๐˜-O๐˜๐Ž๐ƒ ๐€๐๐ƒ ๐Œ๐ ๐„๐๐†๐‘. ๐๐€๐ˆ๐๐“๐€๐ ๐€๐ƒ๐ˆ๐‹-๐€๐Œ๐๐€๐“๐”๐€๐ ๐…๐Ž๐‘ ๐€ ๐Œ๐„๐€๐๐ˆ๐๐†๐…๐”๐‹ ๐ƒ๐ˆ๐€๐‹๐Ž๐†๐”๐„ ๐Ž๐ ๐‹๐Ž๐‚๐€๐‹...
12/08/2026

๐‹๐†๐” ๐๐€๐†๐‹๐€๐“ ๐–๐„๐‹๐‚๐Ž๐Œ๐„๐’ ๐Œ๐ ๐€๐“๐“๐˜. ๐’๐ˆ๐“๐ˆ๐„ ๐…๐€๐‡๐€๐๐ˆ๐„ ๐”๐˜-O๐˜๐Ž๐ƒ ๐€๐๐ƒ ๐Œ๐ ๐„๐๐†๐‘. ๐๐€๐ˆ๐๐“๐€๐ ๐€๐ƒ๐ˆ๐‹-๐€๐Œ๐๐€๐“๐”๐€๐ ๐…๐Ž๐‘ ๐€ ๐Œ๐„๐€๐๐ˆ๐๐†๐…๐”๐‹ ๐ƒ๐ˆ๐€๐‹๐Ž๐†๐”๐„ ๐Ž๐ ๐‹๐Ž๐‚๐€๐‹ ๐ƒ๐„๐•๐„๐‹๐Ž๐๐Œ๐„๐๐“

๐๐€๐†๐‹๐€๐“, ๐Œ๐€๐†๐”๐ˆ๐๐ƒ๐€๐๐€๐Ž ๐ƒ๐„๐‹ ๐’๐”๐‘ | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” โ€” Mainit na tinanggap ng Local Government Unit of Paglat sa pangunguna ni Mayor Raisa Pendatun Langkuno kasama si Councilor Cons JayHan Langkuno at MILGOO Muhammad G. Nanding Jr., ang unang pagbisita nina MP Atty. Sitie Fahanie Uy-Oyod at MP Engr. Baintan Adil-Ampatuan, mga miyembro ng Bangsamoro Parliament-BARMM, para sa isang mahalagang talakayan tungkol sa pagpapalakas ng ugnayan at partnership ng lokal na pamahalaan at ng Regional Parliament.

Layunin ng pagbisita na pag-usapan ang mga posibleng programa, suporta, at hakbang na maaaring pagtulungan ng LGU at Regional Government para sa patuloy na pag-unlad ng Paglat at mas maayos na paghahatid ng serbisyo sa ating mga kababayan.

Isa sa mga naging sentro ng talakayan ang posibleng tulong para sa operationalization at upgrading ng Paglat CARE Facility bilang isang Super Rural Health Unit (Super RHU)-type facility. Malaking hakbang ito upang mas mailapit sa ating mga kababayan ang mas kumpleto at accessible na serbisyong pangkalusugan.

Sa pamamagitan nito, nais ng LGU Paglat na mabigyan ng mas magandang health service ang ating mga pasyente, lalo na ang mga pamilyang nahihirapang bumiyahe pa sa labas ng munisipyo upang magpagamot. Mas malapit na serbisyo, mas komportableng pag-aalaga, at mas agarang access sa healthcare para sa bawat Paglatnon.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang LGU sa Regional Government upang matukoy ang mga konkretong paraan ng pagtutulungan para sa health, development, at iba pang pangunahing pangangailangan ng ating municipality.

Taos-pusong pasasalamat sa Office of MP Atty. Sitie Fahanie Uy-Oyod at Office of MP Engr. Baintan Adil-Ampatuan sa kanilang pagbisita, pakikinig sa mga pangangailangan ng Paglat, at pagbibigay ng pagkakataon upang mapag-usapan ang mga posibleng hakbang para sa ating mga kababayan.

Maraming salamat din sa Singh Law Office, sa pangunguna ni Atty. Mohammad Jameel Singh, sa inyong pakikiisa at suporta sa mahalagang pag-uusap na ito.

Ang tunay na development ay nagsisimula sa pagkakaisa, pakikipag-ugnayan, at sama-samang pagkilosโ€”para sa mas maayos na serbisyo at mas magandang kinabukasan ng bawat Paglatneos.










Address

Poblacion, Maguindanao, Del Sur
Paglat

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639263747185

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU-Paglat Maguindanao Del Sur posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LGU-Paglat Maguindanao Del Sur:

Share