People’s Law Enforcement Board-Pakil

People’s Law Enforcement Board-Pakil Ang PLEB ay itinatag sa bisa ng Republic Act No. 6975 at pinalakas pa ng Republic Act No. 8551. Proseso ng Paghahain ng Reklamo
1.

Official page of the People’s Law Enforcement Board of Pakil, Laguna

Ang PLEB ay isang ahensya na itinatag upang maglingkod bilang pangunahing tagatanggap ng mga reklamo ng mga mamamayan laban sa mga unipormadong miyembro ng Philippine National Police. Ang People's Law Enforcement Board (PLEB) ay isang ahensya na itinatag upang maglingkod bilang pangunahing tagatanggap ng mga reklamo ng mga mamam

ayan laban sa mga unipormadong miyembro ng Philippine National Police (PNP). Mga Detalye ng PLEB
● Layunin: Ang PLEB ay naglalayong magbigay ng mabilis at patas na pagdinig sa mga reklamo ng mga mamamayan laban sa mga pulis na nag-abuso ng kanilang kapangyarihan.
● Komposisyon: Ang PLEB ay binubuo ng mga sumusunod:
○ Isang miyembro ng Sangguniang Panlungsod/Bayan na pinili ng Sanggunian.
○ Isang Punong Barangay mula sa lungsod o munisipalidad na pinili ng Liga ng mga Barangay.
○ Tatlong iba pang miyembro na kinabibilangan ng isang babae, isang miyembro ng Bar (abogado) o kung wala, isang nagtapos ng kolehiyo, at ang punong-guro ng pangunahing paaralang elementarya sa lugar. Pagsusumite ng Reklamo: Maaaring magsumite ng reklamo ang sinumang tao o grupo sa mga tanggapan ng PLEB sa MLGOO Office, 2nd Floor, Pakil NGC, Pakil, Laguna o sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected]
2. Mga Kailangan: Ang reklamo ay dapat na may kasamang:
○ Nakasaad na sinumpaang salaysay sa Ingles o Filipino.
○ Mga affidavit ng mga saksi, kung mayroon.
○ Sertipiko ng non-forum shopping na pinirmahan at sinumpaan ng nagrereklamo.
○ Iba pang ebidensya na sumusuporta sa reklamo2. Mga Impormasyon sa Reklamo
● Buong pangalan, address, at contact information ng nagrereklamo.
● Buong pangalan, ranggo, at istasyon o assignment ng inirereklamo.
● Isang detalyadong salaysay ng mga pangyayari na nagpapakita ng partikular na aksyon o pagkukulang ng inirereklamo, kasama ang lugar, petsa, at oras ng insidente2. Ang PLEB ay isang mahalagang mekanismo upang masiguro na ang mga pulis ay mananatiling tapat sa kanilang tungkulin na maglingkod at protektahan ang publiko. Kung may iba ka pang katanungan o nais malaman, huwag mag-atubiling magtanong, magmensahe lamang sa amin.

Ang People’s Law Enforcement Board ng Pakil (PLEB - Pakil) sa pamumuno ni Chairman Restito Laderas Barcebal ay nagsagawa...
30/03/2026

Ang People’s Law Enforcement Board ng Pakil (PLEB - Pakil) sa pamumuno ni Chairman Restito Laderas Barcebal ay nagsagawa ng Information Dissemination sa iba’t ibang baranggay ng Kanluran at Silangang Pakil sa loob ng dalawang araw kasabay ng iba’t ibang Baranggay Assemblies nitong Marso 28 at 29, 2026.

Layunin ng Information Dissemination Campaign na ito na ipakilala ang PLEB sa mga mamayan at ipaalam sa kanila na sa ano mang oras na sila ay naagrabyado ng kapulisan, sila ay may malalapitan ng libre, hindi kailangan ng abogado, at bukas kahit kanino.

Ipinabatid din sa mga mamamayan na ang PLEB ay binubuo ng mga pribadong individual representing different sectors at hindi bahagi ng PNP, pero ito ay hindi rin naman kalaban mga Kapulisan, bagkus ito ay tumutulong para sa kaayusan ng Kapulisan para mapanatili ang tiwala ng mamayan sa Kapulisan. Kaya’s hinikayat din ang mga mamayan na kapag may mga Pulis na gumawa naman ng kabutihan above and beyond their regular duties, sila ay i-report din upang mabigyan naman nag kaukulang recognition.

Sa nagdaang dalawang araw, walong Baranggay ang napuntahan ng PLEB at nabahaginan ng kaunting kaalaman hinggil dito. Iba’t ibang kinatawan ng Board ang nabigyan ng pagkakataong magsalita kada baranggay upang maging familiar ang mga tao sa kanila at malaman mg mga tao kung sino ang kanilang lalapitan.

Ang Information Dissemination Campaign na ito ay tuloy tuloy nangaawin ng PLEB Pakil lalo na tuwing magkakaroon ng Baranggay Assembly.

Nagpapasalamat ang PLEB Pakil sa mga iba’t ibag baranggay para sa opportunity naibingay nila para makapagsalita ang PLEB.

PLEB PAKIL

Chairman Resty Laderas Barcebal - representing the Professional sector

Members:
Kgg Elmer Cotoner - representing Sangguniang Bayan
Kgg Rey Alad - representing Liga ng mga Baranggay ng Pakil
Sir Almir Flores Enriques - representing Education sector
Maam Doris Cabahug - representing the Women’s sector
Engr Lairene Chicote of the Pakil LGU, PLEB Secretary
MLGOO Jinkee Castro Advento, PLEB Adviser

“PLEB ang Sumbungan: Karapatan ng Mamamayan, Karangalan ng Kapulisan, Ating Pangalagaan!”

29/01/2026
28/01/2026
28/01/2026

OATH-TAKING OF NEW ATTORNEY V OF NAPOLCOM CALABARZON

NAPOLCOM CALABARZON Regional Director Julieta P. Rañeses, MNSA, CESO IV, administered the oath of office to the newly appointed Attorney V, Atty. Rose Ann A. Tecio of NAPOLCOM CALABARZON, and was witnessed by Assistant Regional Director Atty. Mia Antonette M. Quijano, Chief of the Administrative Division, Ms. Ma. Mitos M. Dator, and Chief of the Technical Services Division, Atty. Joicel C. Sopeña held on January 28, 2026, at the Regional Office Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna.

28/01/2026
26/01/2026

PNP CODE OF ETHICS – PAALALA
“Pananagutan at pagsunod sa batas”

Ang bawat pulis ay may pananagutan sa bawat kilos na ginagawa niya sa tungkulin. Ang pagsunod sa batas, alituntunin, at tamang proseso ay hindi kahinaan kundi proteksyon — para sa pulis, sa organisasyon, at sa publiko.

“Doing what is right and following the police operational procedures is the simplest formula in getting the job done.”

Ang tamang gawain at pagsunod sa proseso ang pinakamadaling paraan para matapos ang trabaho nang walang problema.

Batayan:
PNP Code of Professional Conduct and Ethical Standards – Responsibility and Accountability of PNP Members

---

LATEST PNP OPERATIONAL PROCEDURE – “Legal at maayos na police action”

Sa ilalim ng PNP Operational Procedures, malinaw na ang lahat ng police action ay dapat:

• may malinaw na legal na basehan
• sumusunod sa tamang proseso
• maayos na dokumentado
• dumadaan sa chain of command

Hindi sapat ang “sabi-sabi” o “tip lang.” Kailangang dumaan sa tamang proseso para maging legal, maipagtanggol, at hindi mauwi sa problema ang police action.

Batayan:
Revised PNP Operational Procedures Manual (2021) – General Guidelines on Police Operations

---

SENARYO

May natanggap na impormasyon ang isang pulis tungkol sa hinihinalang ilegal na aktibidad sa isang tindahan. Dahil gusto niyang maagapan agad ang sitwasyon, pumasok siya sa lugar at kinausap ang may-ari nang walang malinaw na pagpapakilala, walang koordinasyon sa himpilan, at walang dokumentadong police action.

Kalaunan, nagreklamo ang may-ari dahil sa umano’y panggigipit at hindi malinaw na police procedure.

---

ANO ANG POSIBLENG MANGYARI AT BAKIT

• Maaaring kuwestiyunin ang legalidad ng police action dahil walang malinaw na basehan
• Puwedeng magsampa ng reklamo ang sibilyan dahil sa hindi wastong proseso
• Maaaring maharap ang pulis sa administrative case kahit wala siyang masamang intensyon
• Puwedeng madamay ang buong yunit dahil sa kakulangan sa documentation at coordination
• Nawawala ang tiwala ng publiko kapag hindi malinaw ang kilos ng pulis

Ito ay malinaw na epekto ng hindi pagsunod sa:

• PNP Code of Ethics – Responsibility at Accountability
• PNP Operational Procedures – Legal at maayos na police action

Ang batas at proseso ang unang depensa ng pulis laban sa reklamo at kaso.
---

PAALALA SA LAHAT NG PULIS

Hindi kailangang magmadali kung kapalit ay problema.
Ang tamang proseso ang nagpoprotekta sa pulis at sa mamamayan.
Gawin ang tama. Sundin ang alituntunin.

Photo Courtesy: Gerard Ace J Pelare

---

Reference:
• Philippine National Police Code of Professional Conduct and Ethical Standards (PNP Ethical Doctrine)
• Revised Philippine National Police Operational Procedures Manual, 2021

Disclaimer:
Ang post na ito ay para sa paalala at edukasyon lamang. Ang mga senaryo ay halimbawa lamang at hindi tumutukoy sa anumang aktwal na tao o insidente.

Photo Courtesy: Gerard Ace J Pelare









Isa pong paalala sa ating mga Kapulisan na ang pagkakaroon natin ng uniporme ay hindi lisensya sa pag aabuso ng kapangya...
26/01/2026

Isa pong paalala sa ating mga Kapulisan na ang pagkakaroon natin ng uniporme ay hindi lisensya sa pag aabuso ng kapangyarihan at pagpapa-iral ng kayabangan lalo na sa mga sibilyan pati na rin sa ating mga kapwa lingkod bayan. Tayo po ay maging mahinahon at piliting maging mapagpakumbaba kung kinakailangan.

STATEMENT OF NAPOLCOM CHIEF RALPH CALINISAN"As soon as we became aware of the now-viral video showing Police Corporal Mi...
25/01/2026

STATEMENT OF NAPOLCOM CHIEF RALPH CALINISAN

"As soon as we became aware of the now-viral video showing Police Corporal Michel De La Paz berating a volunteer firefighter a few days ago, l immediately directed our Inspection, Monitoring, and Investigation Service (IMIS) to conduct a motu proprio investigation into the incident.
We were informed that the Marikina Police promptly relieved PCpl De La Paz from his post and placed him under the Holding Unit, officially known as the Marikina Police Headquarters Support Service (HSS). While this is a necessary initial step, administrative accountability does not end there.
The National Police Commission (NAPOLCOM), as the "police of the police," will ensure that only those who are truly fit to wear the uniform and the badge remain in the police service. Our investigation will therefore continue, independently and thoroughly.
In the course of our inquiry, we were also informed that the volunteer firefighter involved intends to formally file his complaint with NAPOLCOM on Monday. This is a welcome development, as it allows for a full and fair determination of accountability.
"Para malinaw: tutugisin, uusigin, at uubusin namin ang lahat ng abusadong pulis. Dapat igalang at igawad ang nararapat na respeto sa ordinaryong mamamayan—lalo na sa mga kapwa natin nagseserbisyo sa publiko, gaya ng mga volunteer firefighters.
Bilang mga lingkod-bayan, titiyakin ng NAPOLCOM na ang kapulisan ay mananatiling tapat sa kanilang mandato: maglingkod at magprotekta sa sambayanan, sa lahat ng oras."

“COURTESY VISIT TO THE MAYOR OF CAINTA, RIZALNAPOLCOM CALABARZON Regional Director Julieta P. Rañeses, MNSA, CESO IV, to...
23/01/2026

“COURTESY VISIT TO THE MAYOR OF CAINTA, RIZAL

NAPOLCOM CALABARZON Regional Director Julieta P. Rañeses, MNSA, CESO IV, together with Rizal Provincial Officer Atty. Maclord M. Talamayan conducted a courtesy visit to Mayor Atty. J. Keith P. Nieto, JD, of Cainta, Rizal, on January 22, 2026, at the Office of the Mayor in Cainta, Rizal Province.

Also present during the visit was the Legal Officer of the Municipality of Cainta, Atty. Sherwin Ferrer.

The courtesy visit aimed to strengthen coordination among NAPOLCOM, the PNP, and the Local Government of Cainta, Rizal, particularly in crime prevention and public safety. It also discussed the role of the Cainta LGU in supporting NAPOLCOM CALABARZON programs, including the “SALUDO Hotline,” as a show of their shared commitment to accountability and community safety. The importance of organizing the People’s Law Enforcement Board (PLEB) and its support to the PNP of Cainta, Rizal was likewise emphasized.”

Address

MLGOO Office, 2nd Floor, Pakil NGC
Pakil
2017

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when People’s Law Enforcement Board-Pakil posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share