Sangguniang Kabataan ng Brgy. Gonzales

Sangguniang Kabataan ng Brgy. Gonzales The official page of Sangguniang Kabataan ng Brgy. Gonzales, Pakil, Laguna

SK GONZALES LNK 2026 | IT’S A WRAP! 🎉And that’s a wrap! ✨ Matagumpay nating naisagawa ang Linggo ng Kabataan 2026, fille...
31/08/2026

SK GONZALES LNK 2026 | IT’S A WRAP! 🎉

And that’s a wrap! ✨ Matagumpay nating naisagawa ang Linggo ng Kabataan 2026, filled with learning, challenges, teamwork, creativity, and unforgettable memories!

Maraming salamat sa lahat ng participants na naglaan ng oras, effort, at panahon upang maging bahagi ng mga programa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Gonzales ngayong taon. Ang inyong energy, enthusiasm, at active participation ang tunay na nagbigay-buhay sa bawat activity! 🙌🔥

Mula sa bawat challenge hanggang sa bawat tawanan at bagong pagkakaibigan—kayo ang puso ng LNK 2026.

Hanggang sa susunod na programa, mga kabataan! Patuloy tayong makilahok, matuto, makiisa, at maging boses ng kabataan.

SK GONZALES LNK 2026 — DONE, BUT THE MEMORIES WILL LAST! 🏆✨

SK GONZALES LNK 2026 | AMAZING RACE! 🏃‍♂️💨Tatakbo, mag-iisip, at makikipagtulungan! 💪Isang adventure na puno ng challeng...
31/08/2026

SK GONZALES LNK 2026 | AMAZING RACE! 🏃‍♂️💨

Tatakbo, mag-iisip, at makikipagtulungan! 💪

Isang adventure na puno ng challenge, teamwork, at saya—dahil sa Amazing Race, bawat segundo, bawat hakbang, at bawat kasama ay mahalaga!

Ready, set, RACE! 🚩

29/08/2026

SK GONZALES LNK 2026 | DAY 1 🌟

Unang araw pa lang, puno na agad ng kaalaman, talento, at saya!

Binigyang-sigla ng kabataang Gonzaleño ang Day 1 ng LNK 2026 sa pamamagitan ng mga makabuluhang aktibidad—Disaster Preparedness Symposium, Poster Making, Quiz Bee, at Junior SK Officials.

Mula sa pagkatuto ng kahalagahan ng pagiging handa sa sakuna, pagpapakita ng talento at creativity, pagsubok sa talas ng isip, hanggang sa paghubog ng leadership skills ng ating kabataan—tunay na naging makabuluhan ang unang araw!

Isang araw ng pagkatuto. Isang araw ng talento. Isang araw ng pamumuno.

At kung Day 1 pa lang ang ganito na… mas marami pang kwento at saya ang naghihintay!

SK GONZALES LNK 2026 | QUIZ BEETalino, bilis ng pag-iisip, at kaalamang baon ng kabataan—nasubok! 💡✨Mula sa mga tanong t...
29/08/2026

SK GONZALES LNK 2026 | QUIZ BEE

Talino, bilis ng pag-iisip, at kaalamang baon ng kabataan—nasubok! 💡✨

Mula sa mga tanong tungkol sa General Knowledge hanggang sa mga mahahalagang kaalamang napag-usapan sa Disaster Preparedness Symposium, naging hamon sa ating mga kabataan ang bawat tanong sa Quiz Bee!

Hindi lang ito tungkol sa tamang sagot—ito rin ay pagkakataon upang masukat ang kanilang memorya, critical thinking, focus, at kakayahang gamitin ang mga bagong kaalaman sa isang masaya at makabuluhang kompetisyon.

Sa bawat tanong, may bagong kaalaman. Sa bawat sagot, may bagong hamon. At sa bawat kalahok, ipinakita ang galing at potensyal ng kabataang Gonzaleño!

Congratulations sa lahat ng participants! Ang tunay na panalo ay ang kaalamang natutunan at karanasang hindi basta-basta makakalimutan.

Kabataan na matalino, handa, at aktibong nakikilahok—iyan ang kabataang Gonzaleño!

SK GONZALES LNK 2026 | DISASTER PREPAREDNESS SYMPOSIUM Isang makabuluhan at puno ng kaalaman na aktibidad ang isinagawa ...
29/08/2026

SK GONZALES LNK 2026 | DISASTER PREPAREDNESS SYMPOSIUM

Isang makabuluhan at puno ng kaalaman na aktibidad ang isinagawa para sa mga kabataan ng Barangay Gonzales bilang bahagi ng LNK 2026 – Disaster Preparedness Symposium.

Sa pamamagitan ng talakayan, nabigyan ang mga kabataan ng mahahalagang kaalaman tungkol sa kahandaan, tamang pagtugon, at pagiging responsable sa oras ng sakuna at emergency.

Lubos ang pasasalamat ng SK Gonzales sa MDRRMO–Pakil sa pagbabahagi ng kanilang oras, kaalaman, at karanasan bilang ating guest speakers. Maraming salamat kina Sir Denish, Ma’am Xa, at Ma’am Liza sa isang makabuluhan, engaging, at puno ng learning na discussion!

Dahil ang pagiging handa ay hindi lamang responsibilidad ng iilan—lahat tayo ay may bahagi sa pagpapanatiling ligtas ng ating komunidad.

Kaalaman ang unang hakbang tungo sa kahandaan.
Kahandaan ang susi sa kaligtasan.
Kabataang handa, komunidad na ligtas!

SK GONZALES LNK 2026 | JUNIOR SK OFFICIALSHindi lang kabataan ang kinabukasan—sila rin ay bahagi ng pagbuo ng kinabukasa...
29/08/2026

SK GONZALES LNK 2026 | JUNIOR SK OFFICIALS

Hindi lang kabataan ang kinabukasan—sila rin ay bahagi ng pagbuo ng kinabukasang gusto nating makamit.

Sa Junior SK Officials, binigyan ng pagkakataon ang mga kabataan ng Barangay Gonzales na maranasan kung paano mag-isip, magplano, at bumuo ng mga proyektong tunay na makatutulong sa kapwa kabataan.

Bawat grupo ay bumunot mula sa 9 Centers of Youth Participation o 9-Point Agenda ng Sangguniang Kabataan, at mula rito, kailangan nilang mag-isip ng isang makabuluhan, napapanahon, at youth-centered na proyekto na maaaring ipatupad sa ating barangay.

Sa simpleng aktibidad na ito, natututo silang hindi lamang maging lider, kundi maging tagapakinig, tagaplano, problem-solver, at katuwang sa pag-unlad ng komunidad.

Dahil sa SK Gonzales, naniniwala tayo na mas magiging makabuluhan ang mga programa kapag kasama mismo ang kabataan sa pagbuo ng mga ito.

Mula sa ideya, tungo sa proyekto.
Mula sa kabataan, para sa kabataan.
Junior SK Officials—mga batang lider na may boses, ideya, at malasakit para sa Barangay Gonzales!

POSTER MAKING | SK GONZALES LNK 2026 Sino ang may pinakamalikhain, makabuluhan, at pinakagandang poster? Ngayon, kayo na...
29/08/2026

POSTER MAKING | SK GONZALES LNK 2026

Sino ang may pinakamalikhain, makabuluhan, at pinakagandang poster?

Ngayon, kayo naman ang magiging bahagi ng pagpili!

Ipakita ang suporta sa inyong paboritong grupo sa pamamagitan ng HEART REACT ❤️ sa kanilang poster!

📌 PAANO?
1️⃣ I-FOLLOW muna ang official page ng SK Gonzales.
2️⃣ Tingnan ang mga poster na ginawa ng bawat grupo.
3️⃣ Piliin ang poster na pinakanagustuhan ninyo.
4️⃣ I-HEART ❤️ ang mismong picture ng poster na inyong napupusuan.
5️⃣ Paramihan ng HEART REACTS! Ang poster na makakakuha ng pinakamaraming ❤️ ay makakauha ng mataas na puntos sa pagpili ng mananalo sa Poster Making Contest.

THE COMPETING TEAMS:
TEAM WHITE
TEAM RED
TEAM BLUE
TEAM GREEN

Bawat poster ay bunga ng pagkamalikhain, teamwork, at boses ng kabataan. Kaya huwag lang tumingin—makibahagi at ipakita kung sino ang inyong sinusuportahan! 🙌

Sino ang aangat? Sino ang mananaig?
Ikaw ang bumoto gamit ang ❤️! 1,2,3 Kanya kanya na tooo!

React. Support. Share the creativity!

HAPPENING NOW | QUIZ BEE - SK GONZALES LNK 2026
29/08/2026

HAPPENING NOW | QUIZ BEE - SK GONZALES LNK 2026

HAPPENING NOW | POSTER MAKING - SK GONZALES LNK 2026
29/08/2026

HAPPENING NOW | POSTER MAKING - SK GONZALES LNK 2026

📣 TRIBU TAVGON IS LOOKING FOR FOOD SPONSORS 📣Ang Tribu TavGon ay buong pusong naghahanda para sa nalalapit na Turumba Fe...
20/03/2026

📣 TRIBU TAVGON IS LOOKING FOR FOOD SPONSORS 📣

Ang Tribu TavGon ay buong pusong naghahanda para sa nalalapit na Turumba Festival Streetdancing Competition—isang makulay at makabuluhang pagdiriwang bilang pagpupugay sa ating mahal na tradisyon at pananampalataya. 💃🕺

Kaugnay nito, kami po ay kumakatok sa inyong mabubuting puso upang maging Food Sponsors ng aming mga masisipag at dedikadong mananayaw. Ang inyong tulong ay malaking ambag upang mapanatili ang kanilang lakas, sigla, at determinasyon sa bawat ng tulong, maaari po kayong mag-message sa aming page o makipag-ugnayan sa mga SK Officials ng Brgy Gonzales at Brgy Tavera.

Maraming salamat po sa inyong kabutihan at suporta! 💙

Sama-sama tayong umindak, magkaisa, at magtagumpay! 🫶

Address

Gonzales
Pakil
4017

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Brgy. Gonzales posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share