Sangguniang Kabataan ng Barangay Taft

Sangguniang Kabataan ng Barangay Taft Pakil, Laguna

ANNOUNCEMENT Amin pong ipinababatid na magkakaroon ng screening para sa mga dancers na nagpalista at sa mga nagnanais ma...
14/02/2026

ANNOUNCEMENT

Amin pong ipinababatid na magkakaroon ng screening para sa mga dancers na nagpalista at sa mga nagnanais maging miyembro ng Team Taft at Burgos (BURGTAFT).

Inaanyayahan po ang lahat ng interesado na makiisa at ipakita ang kanilang talento.

Maraming salamat at kita-kits! 💃🕺

Iindak sa Ritmo ng Turumba Festival!CALL FOR STREET DANCERS AND PROPSMENAng Barangay W.H. Taft, katuwang ang ating ka-TE...
09/02/2026

Iindak sa Ritmo ng Turumba Festival!

CALL FOR STREET DANCERS AND PROPSMEN

Ang Barangay W.H. Taft, katuwang ang ating ka-TEAM na Barangay Burgos, ay naghahanap ng masisigla, talented, at dedikadong street dancers at propsmen para sa nalalapit na Turumba Festival Street Dancing Competition ngayong taon.

Kung ikaw ay may hilig sa sayaw, may lakas ng loob na mag-perform, o may talento sa paghawak ng props, ito na ang pagkakataon mo!

Para sa mga interesadong sumali, mangyaring mag-message lamang sa bumubuo ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Taft upang makapag palista:

SK Chairman
• Jala Hidalgo

SK Kagawad
• Jomel Avellaneda
• Patricia Reign Pepe
• Alexis Marcial
• Xander Marcial Garin
• Minty Jharel Samson
• Gon Gatong

SK Secretary
• Arman Criligo

SK Treasurer
• Kej Lopez

~ Ilabas ang iyong galing, ipakita ang iyong husay, at maging bahagi ng makulay at masayang pagdiriwang!
~ Huwag palampasin ang pagkakataong magningning at maging bahagi ng Turumba Festival!

Maraming salamat po sa inyong lahat. Sana po ay napasaya namin kayo kahit sa munting regalong aming inihandog. Taos-puso...
26/12/2025

Maraming salamat po sa inyong lahat. Sana po ay napasaya namin kayo kahit sa munting regalong aming inihandog. Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakinig, nakiisa, at naglaan ng oras upang makibahagi sa aming mga layunin para sa ikabubuti at kasiyahan ng mga kabataan ng ating barangay. Ang inyong suporta at pakikiisa po ang nagsisilbing inspirasyon namin upang patuloy na makapaglingkod at makapaghatid ng mas makabuluhang programa para sa kabataan.

Nag papasalamat din po kami kay Mayor Ronald James Hidalgo sa mga ipinadala po nyang regalo, gayundin kina Konsehal Amie Delmoro, Konsehal Kirby Auditor, at Engr. Francis Hidalgo Rarela sa mga regalong ipinadala po nila para sa ating mga kabataan kay treas. Romeo V. Salem sa mabilis na action at sa supplier po lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong lahat. Nawa’y pagpalain po kayo ng Mahal na Panginoon.

Maraming salamat din po sa lahat ng naglaan ng oras at tumulong upang maisakatuparan ang aming aktibidad. Tunay po ang aming taos-pusong pasasalamat. 🙏 Merry Christmas po ulit everyone🎄🤍

24/12/2025
24/12/2025

Pag bati po mula sa Sk Taft. Magkita-kita po tayong lahat bukas sa itaas ng Barangay Hall ng Taft ng alas-9 ng umaga, para po sa aming munting ipapamahagi para sa mga kabataan ng Brgy. Taft, Pakil, Laguna. Merry Christmas po sa ating lahat! 🎄

Address

Barangay W. H. Taft
Pakil
4017

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Barangay Taft posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share