16/08/2026
๐๐๐๐๐๐ || ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด, ๐ญ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐น๐ฒ๐ โ Bilang tugon sa epekto ng Southwest Monsoon o Habagat, nagsagawa ng magkahiwalay na clearing operations ang Bravo Company, 69th Infantry (COUGAR) Battalion, 7th Infantry (KAUGNAY) Division, Philippine Army, katuwang ang mga lokal na disaster response agencies at barangay officials sa Castillejos at San Marcelino, Zambales.
Noong 10 Agosto 2026, sa pangunguna ni 1LT Rynmar A. Aglipa (Inf) PA, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP), nagsagawa ang Bravo Company ng clearing operation sa Kanaynayan, Barangay San Pablo, Castillejos, Zambales. Nilinis at inalis ng grupo ang mga natumbang puno at iba pang sagabal sa kalsada upang matiyak ang ligtas na pagdaan ng mga residente at motorista.
Samantala, noong 13 Agosto 2026, nagsagawa rin ng road-clearing activity ang Bravo Company sa Sitio Camalca, Barangay Buhawen, San Marcelino, Zambales, sa pangunguna ni SSg Carlito Villo (CE) PA, katuwang ang mga opisyal ng barangay na pinamunuan ni Barangay Captain Edgardo S. Dueรฑas. Inalis ang mga sagabal sa daanan upang mapanatili ang ligtas at maayos na pagbiyahe ng mga residente at iba pang gumagamit ng kalsada.
Ang mga clearing operations ay nagpapakita ng bayanihan at mabilis na pagtutulungan ng kasundaluhan, lokal na pamahalaan, disaster response agencies, at mga barangay officials sa pagtugon sa mga epekto ng masamang panahon.
Patuloy na nakahanda ang Bravo Company, 69IB na tumugon sa pangangailangan ng mga komunidad, lalo na sa panahon ng kalamidad at emergency, bilang katuwang sa pagpapanatili ng kaligtasan, kahandaan, at katatagan ng mga mamamayan.
โSerbisyong May Puso, Handa sa Anumang Hamon.โ