BJMP Brookes Point District Jail

BJMP Brookes Point District Jail Brooke's Point DJ is one of the BJMP-manned jails in the province of Palawan located in Brookes Point
(1)

16/08/2026

Likhang Loob ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Ngayong linggo, Agosto 16โ€“22, 2026, ay ipinagdiriwang ang Made in the Philippines Week. Kaugnay nito, ating tampok ang mga likhang-loob o produktong gawa ng mga Taong Pansamantalang Pinagkaitan ng Kalayaan ng penolohiya o piitang ito.

Patunay lamang na ang mga Pilipino ay malikhain, masipag, at may kakayahang lumikha ng mga produktong may halaga at kalidad.

Sa likod ng rehas, may mga kamay na patuloy na lumilikha, natututo, at naghahanda para sa pagbabalik sa malayang lipunan.

Suportahan ang Likhang Loob, suportahan ang pagbabago!

#๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด๐—Ÿ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐˜€๐—•๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—”๐—ฆ๐—ฎ๐—ณ๐—ฒ๐—ฟ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

06/08/2026

Sa kabila ng mga pader ng Brooke's Point District Jail Facility, hindi naging hadlang ang pagkapiit o pagkakulong upang matigil ang pangarap ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL's).
Sa pamamagitan ng "BOOKLAT PAG-ASA" - isang inisyatibo ng Gov. Alfredo Abueg Sr. National Technology and Vocational Memorial High School, sa ilalim ng Flexible Learning Program (FLP -OHSP/ALS), patuloy na nabubuksan ang mga bagong pintuan ng oportunidad para sa kanila. Sa isang simpleng silid sa loob ng pasilidad, buong tiyaga silang nakikinig at nag-aaral upang makuha ang mga kasanayang teknikal at bokasyonal. Ang bunga ng kanilang pagsisikap ay makikita sa mga mag-aaral na nagsipagtapos at sa mga nagpapatuloy sa kabila ng pagsubok upang makamita nila ang tagumpay sa pag-aaral at magkaroon ng bagong pag-asa at bagong dangal.
Ang AKLAT ay sumisimbolo sa edukasyon bilang susi sa pagbabagong-buhay at pagbubukas ng mas maliwanag na hinaharap.

"Hindi nagtatapos ang pangarap sa loob ng piitan; sa bawat pagBOOKLAT ng aklat ng kaalaman, may bagong PAG-ASAng naghihintay"

Sa mga nais pong maging kabahagi ng BOOKLAT PAG-ASA maaari pong makipag-ugnayan sa Gov. Alfredo Abueg Sr. National Technology and Vocational Memorial High School, Barngay Barongbarong, Brooke's Point, palawan

PAG-ASA

05/08/2026
05/08/2026
04/08/2026

Matagumpay na naisagawa ng BJMP Brooke's Point District Jail, katuwang ang PDEA Palawan at Brooke's Point Fire Station, ang Joint Greyhound Operation at Drug Awareness Symposium para sa mga PDL at Jail Officers.

๐Ÿค Sama-sama para sa isang ligtas, maayos, at drug-free na jail facility.

Mas Pinalakas na Kampanya Kontra Ilegal na Droga sa Pamamagitan ng Joint Greyhound OperationBilang bahagi ng patuloy na ...
04/08/2026

Mas Pinalakas na Kampanya Kontra Ilegal na Droga sa Pamamagitan ng Joint Greyhound Operation

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at drug-free na pasilidad, nagsagawa ang BJMP Brooke's Point District Jail ng Joint Greyhound Operation katuwang ang Brooke's Point Fire Station at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan.

Layunin ng operasyon na matiyak na walang ipinagbabawal na gamit o kontrabando sa loob ng jail facility at mapanatili ang kaayusan at seguridad ng lahat.

Matapos ang operasyon, nagsagawa rin ang PDEA Palawan ng Drug Awareness Symposium para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) at mga Jail Officer. Tinalakay sa nasabing aktibidad ang masasamang epekto ng ilegal na droga, ang kahalagahan ng pag-iwas sa paggamit nito, at ang patuloy na pakikiisa ng bawat isa sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Ang BJMP Brooke's Point District Jail ay taos-pusong nagpapasalamat sa Brooke's Point Fire Station at PDEA Palawan sa kanilang suporta at pakikipagtulungan sa mga programang naglalayong mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at isang drug-free na jail facility.

Sa sama-samang pagkilos at pagtutulungan ng bawat ahensya, mas lalo nating napapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga at napapanatili ang isang ligtas at maayos na komunidad.

================
For more updates, information, and inquiries kindly like, follow, and share our FB official page Brookes Point District Jail




01/08/2026

๐Ÿ๐Ÿ” ๐๐ƒ๐‹๐ฌ ๐’๐€ ๐๐‘๐Ž๐Ž๐Š๐„โ€™๐’ ๐๐Ž๐ˆ๐๐“, ๐๐€๐Š๐€๐๐€๐†๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐๐† ๐‰๐”๐๐ˆ๐Ž๐‘ ๐‡๐ˆ๐†๐‡ ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐๐€๐‡๐€๐†๐ˆ ๐๐† ๐‘๐„๐‡๐€๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐“๐€๐’๐˜๐Ž๐

Nagtapos ang 26 na persons deprived of liberty o PDLs sa Brooke's Point District Jail ng kanilang junior high school education sa ilalim ng Department of Education's Alternative Learning System o ALS.

Dalawampu't apat na lalaki at dalawang babae ang lumahok sa moving-up ceremony matapos makumpleto ang ilang buwang classroom instruction sa loob mismo ng detention facility.

Binigyang-diin ni Brooke's Point Mayor Cesareo Benedito Jr. na mahalagang bahagi ng rehabilitasyon ang edukasyon dahil naghahanda ito sa mga PDL para sa kanilang pagbabalik sa komunidad sa pamamagitan ng paglinang ng kaalaman at kakayahan.

Pinangangasiwaan ang programa sa pagtutulungan ng BJMP, DepEd, at lokal na pamahalaan bilang bahagi ng patuloy na hakbang para mabawasan ang recidivism o ang muling pagkakasangkot sa krimen sa pamamagitan ng edukasyon at skills training.

Via Honey Ragot

This news update is brought to you by:
1.๐Œ๐ˆ๐†๐‡๐“๐˜ ๐‚๐„๐„ - The Alkaline Vitamin C.
2.๐ƒ๐Ÿ‘๐๐ˆ๐Ž - The Anti-Bacterial Specialist
3. ๐ƒ๐“๐—๐Ÿ“๐ŸŽ๐ŸŽ - The Superior Antioxidant
4. ๐ƒ๐“๐—๐‚๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ž๐Œ๐ข๐ฑ - Love & Wellness in every cup

Available sa Natures Healing Naturopathic Center, K5 News FM Palawan Compound, BM Road, Brgy. San Manuel, Puerto Princesa City

01/08/2026

Address

Barangay Tubtub, Brooke's Point
Palawan
5305

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BJMP Brookes Point District Jail posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BJMP Brookes Point District Jail:

Shortcuts

Share