15/05/2022
๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ก๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐๐จ๐๐ก๐๐ข๐๐ฉ! ๐ธ
Maraming salamat sa lahat ng taong nagpahatid ng tulong, nakibahagi, at nagpakita ng kanilang dedikasyon upang maipakilala sa ating kapwa Taytayano kung sino nga ba si VP Leni Robredo, Sen. Kiko Pangilinan, at ang Tropang Angat!๐๐ท
Maraming salamat sa ating masisipag na volunteers na hindi nagpatinag sa init ng araw, sa layo ng pupuntahan, at sa mga kritisismong kanilang natanggap maihatid lamang ang radikal na pagmamahal sa ating mga tahanan! ๐
Maraming salamat rin sa ating mga kababayan na taos-pusong tinanggap ang aming kampanya at may bukas na isipang nakinig sa aming nais iparating! Hindi namin ito maisasakatuparan kung hindi dahil sa inyong aktibong partisipasyon.๐๐ท
Natapos na ang eleksyon ngunit ang laban natin ay hindi rito nagwawakas! Patuloy tayong makikiisa para sa malawakang pagbabago at hindi tayo titigil sa paghahatid ng radikal na pagmamahal sa ating mga kababayan! ๐ธ๐ท
Sa muli maraming salamat sa inyong lahat! ๐ธ