PCEDO Nueva Ecija

PCEDO Nueva Ecija Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PCEDO Nueva Ecija, Government Website, 2nd Floor, Provincial Capitol Building, Palayan City.

The Provincial Cooperative and Entrepreneurship Development Office of Nueva Ecija plans, implements, and coordinates programs that strengthen cooperatives and NGOs, expanding access to essential services and community facilities.

29/08/2026
 #๐‹๐Ž๐Ž๐Š | ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐€๐๐‚๐„ ๐€๐“ ๐Œ๐€๐๐€๐†๐„๐Œ๐„๐๐“ ๐’๐€ ๐Š๐Ž๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐€, ๐“๐ˆ๐๐€๐“๐€๐‹๐€๐Š๐€๐˜ ๐’๐€ ๐Ž๐๐‹๐ˆ๐๐„ ๐“๐‘๐€๐ˆ๐๐ˆ๐๐†Isinagawa nitong Huwebes, Agosto 27, 202...
28/08/2026

#๐‹๐Ž๐Ž๐Š | ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐€๐๐‚๐„ ๐€๐“ ๐Œ๐€๐๐€๐†๐„๐Œ๐„๐๐“ ๐’๐€ ๐Š๐Ž๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐€, ๐“๐ˆ๐๐€๐“๐€๐‹๐€๐Š๐€๐˜ ๐’๐€ ๐Ž๐๐‹๐ˆ๐๐„ ๐“๐‘๐€๐ˆ๐๐ˆ๐๐†

Isinagawa nitong Huwebes, Agosto 27, 2026 ang unang araw ng Online Training on Governance and Management of Cooperatives sa pamamagitan ng Zoom, bilang pagpapatuloy ng mga capacity-building program para sa mga cooperative leaders at officers sa lalawigan.

Kasunod ito ng matagumpay na 2-Day Fundamentals of Cooperatives Training at bahagi ng pagdiriwang ng Ika-130 Unang Sigaw ng Nueva Ecija. Isinusulong ang programa sa ilalim ng pamumuno nina Governor Aurelio Oyie Matias Umali at Vice Governor Lemon Umali, bilang bahagi ng mga hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija upang higit na mapalakas at mapaunlad ang sektor ng kooperatiba.

Sa unang araw ng pagsasanay, tinalakay ang mahahalagang konsepto at kasanayan sa governance at management, kabilang ang epektibong pagpapasya, pananagutan, at pagtutulungan sa loob ng mga kooperatiba. Layunin nitong higit na mapaunlad ang kakayahan ng mga lider at opisyal sa pagganap ng kanilang mga tungkulin at sa pagpapatupad ng mga polisiya at programa alinsunod sa mga prinsipyo ng kooperatiba.

Inaasahang makatutulong ang pagsasanay sa pagpapalakas ng good governance, transparency, accountability, at sound management practices sa mga kooperatiba, na mahalaga sa pagpapanatili ng kanilang katatagan, paglago, at pangmatagalang serbisyo para sa kanilang mga miyembro.

 #๐‹๐Ž๐Ž๐Š | ๐Š๐€๐๐€๐’๐ˆ๐ƒ๐€๐ƒ ๐๐† ๐’๐„๐Š๐“๐Ž๐‘ ๐๐† ๐Š๐Ž๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐€, ๐Œ๐€๐’  ๐๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐’๐€ ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐”๐๐€๐๐† ๐’๐ˆ๐†๐€๐– ๐๐† ๐๐”๐„๐•๐€ ๐„๐‚๐ˆ๐‰๐€Matagumpay na isinagawa...
26/08/2026

#๐‹๐Ž๐Ž๐Š | ๐Š๐€๐๐€๐’๐ˆ๐ƒ๐€๐ƒ ๐๐† ๐’๐„๐Š๐“๐Ž๐‘ ๐๐† ๐Š๐Ž๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐€, ๐Œ๐€๐’ ๐๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐’๐€ ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐”๐๐€๐๐† ๐’๐ˆ๐†๐€๐– ๐๐† ๐๐”๐„๐•๐€ ๐„๐‚๐ˆ๐‰๐€

Matagumpay na isinagawa nitong August 25, 2026 ang Day 1 ng Online Training on Fundamentals of Cooperatives sa pamamagitan ng Zoom, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-130 Unang Sigaw ng Nueva Ecija.

Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija (PGNE), sa pamumuno nina Governor Aurelio Oyie Matias Umali at Vice Governor Lemon Umali, sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Entrepreneurship Development Office (PCEDO), ang pagsasanay na naglalayong palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga kooperatiba sa lalawigan.

Umabot sa 171 participants ang nakibahagi sa unang araw ng training, kabilang ang mga kinatawan mula sa 26 na natatanging kooperatiba sa buong Nueva Ecija.

Tinalakay sa pagsasanay ang mga batayan, prinsipyo, pagpapahalaga, at kahalagahan ng mga kooperatiba. Layunin nitong bigyang-kakayahan ang mga kalahok na higit na mapahusay ang pamamahala, pagpapatakbo ng organisasyon, at paghahatid ng serbisyo at benepisyo sa kanilang mga miyembro at komunidad.

Bahagi rin ng programa ang patuloy na pagpapalakas ng kapasidad ng sektor ng kooperatiba upang magkaroon ng mas matatag, produktibo, at responsableng mga kooperatiba sa lalawigan. Inaasahang makatutulong ito sa paglikha ng kabuhayan, pagpapalago ng mga negosyo, at pagsusulong ng inclusive at sustainable economic development sa Nueva Ecija.

Lakas ng Kooperatiba, Lakas ng Nueva Ecija! ๐Ÿค

๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š ๐‚๐ซ๐ž๐๐ข๐ญ ๐’๐ฎ๐ซ๐ž๐ญ๐ฒ ๐…๐ฎ๐ง๐ ๐‚๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐”๐ง๐๐ž๐ซ๐ ๐จ๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐‚๐ƒ๐€ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐งThe Nueva Ecija Credit Surety Fund Cooperative (N...
25/08/2026

๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š ๐‚๐ซ๐ž๐๐ข๐ญ ๐’๐ฎ๐ซ๐ž๐ญ๐ฒ ๐…๐ฎ๐ง๐ ๐‚๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐”๐ง๐๐ž๐ซ๐ ๐จ๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐‚๐ƒ๐€ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง

The Nueva Ecija Credit Surety Fund Cooperative (NECSFC) successfully underwent its first inspection conducted by the Cooperative Development Authority (CDA) as part of the Authority's regulatory mandate to ensure cooperatives' compliance with existing laws, rules, and regulations.

NECSFC is a special cooperative established with the support of the Provincial Government of Nueva Ecija under the leadership of Gov. Aurelio M. Umali, in partnership with the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Land Bank of the Philippines (LANDBANK), and the Development Bank of the Philippines (DBP). The cooperative aims to enhance the creditworthiness of micro, small, and medium enterprises (MSMEs) and cooperatives by providing credit surety support and improving their access to formal financing.

The officers and management of NECSFC expressed their gratitude to the CDA inspection team for their valuable guidance and technical assistance in ensuring the cooperative's compliance with existing laws, rules and regulations.





๐๐‚๐„๐ƒ๐Ž, ๐๐ฎ๐ฆ๐š๐ฅ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ ๐ค๐š๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐“๐š๐ฅ๐š๐ฏ๐ž๐ซ๐š ๐Œ๐‚๐ƒ๐‚ ๐š๐ญ ๐‚๐Ž๐”๐๐“-๐๐„ Dumalo ang mga kinatawan ng Provincial Cooperati...
21/08/2026

๐๐‚๐„๐ƒ๐Ž, ๐๐ฎ๐ฆ๐š๐ฅ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ ๐ค๐š๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐“๐š๐ฅ๐š๐ฏ๐ž๐ซ๐š ๐Œ๐‚๐ƒ๐‚ ๐š๐ญ ๐‚๐Ž๐”๐๐“-๐๐„

Dumalo ang mga kinatawan ng Provincial Cooperative and Entrepreneurship Development Office (PCEDO) sa 3rd Quarterly Meeting ng Talavera Municipal Cooperative Development Council (MCDC) noong ika-20 ng Agosto 2026, na ginanap sa Mayorโ€™s Hall, Municipal Compound, Talavera, Nueva Ecija.

Binigyang-diin sa pagpupulong ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, sa pamumuno ni Governor Aurelio โ€œOyieโ€ Umali, kasama si Vice Governor Gil Raymond "Lemon โ€ Umali, sa pagpapalakas ng mga kooperatiba at pagtataguyod ng cooperative development bilang mahalagang bahagi ng lokal na pag-unlad.

Matapos ang MCDC Meeting, isinagawa naman ang pagpupulong kasama ang Cooperative Union of Talavera โ€“ Nueva Ecija (COUNT-NE) upang talakayin ang mga usaping may kinalaman sa kalagayan, programa, at mga susunod na hakbang para sa mga kooperatiba sa Lalawigan at mga gawain kaugnay ng Provincial Cooperative Month Celebration sa darating na Oktubre.




๐๐‚๐„๐ƒ๐Ž ๐Š๐š๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐‘๐ž๐ฌ๐จ๐ฎ๐ซ๐œ๐ž ๐’๐ฉ๐ž๐š๐ค๐ž๐ซ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ง๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐›๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐š๐งBilang patuloy na ...
20/08/2026

๐๐‚๐„๐ƒ๐Ž ๐Š๐š๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐‘๐ž๐ฌ๐จ๐ฎ๐ซ๐œ๐ž ๐’๐ฉ๐ž๐š๐ค๐ž๐ซ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ง๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐›๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐š๐ง

Bilang patuloy na pagsuporta sa pagpapaunlad ng mga katutubong pamayanan, naging bahagi ang Provincial Cooperative and Entrepreneurship Development Office (PCEDO) bilang isa sa mga resource speakers sa isinagawang "Empowering Indigenous Communities: A Practical Bookkeeping Workshop and Digital Safety Training" para sa Josefa's Small Enterprise and Farmers Association noong Agosto 20, 2026 sa Barangay Hall, Doรฑa Josefa, Palayan City.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng City Cooperative and CSO Development Office ng LGU Palayan City sa pamumuno ng kanilang hepe ng tanggapan na si Mr. Christopher Ryan Banaag, sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Viandrei Nicole J. Cuevas.

Nagbahagi ang PCEDO ng kaalaman sa Basic Bookkeeping upang mapalakas ang kakayahan ng mga kalahok sa wastong pagtatala ng kanilang mga transaksyon at mahusay na pangangasiwa ng pananalapi. Samantala, tinalakay naman ng ICT Division ng LGU Palayan City ang Digital Safety, na naglalayong maprotektahan ang personal at pinansyal na impormasyon at makaiwas sa mga scam.

Ang pakikibahagi ng PCEDO sa nasabing aktibidad ay alinsunod sa inspirasyon at tagubilin nina Governor Aurelio M. Umali at Vice Governor Gil Raymond M. Umali na patuloy na maghatid ng serbisyong may kalidad, malasakit, at ngiti para sa lahat, lalo na sa mga sektor na higit na nangangailangan ng suporta at pag-unlad.




Halinaโ€™t makiisa sa pagdiriwang ng makasaysayang ๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐’๐ข๐ ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š!Tampok sa selebrasyon ngayong Agosto 25 hang...
20/08/2026

Halinaโ€™t makiisa sa pagdiriwang ng makasaysayang ๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐’๐ข๐ ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š!

Tampok sa selebrasyon ngayong Agosto 25 hanggang Setyembre 2, 2026 ang ibaโ€™t ibang programa tulad ng Kadiwa ng Pangulo, USNE Trade Fair, libreng serbisyong legal, symposium, medical mission, marathon, at iba pang aktibidad para sa mga Novo Ecijano.

Sa pangunguna nina Governor Aurelio Oyie Matias Umali at Vice Governor Lemon Umali, sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija (PGNE) at Nueva Ecija Tourism, sama-sama nating gunitain at ipagdiwang ang makasaysayang Unang Sigaw ng Nueva Ecija.

Makilahok at makiisa sa makabuluhang paggunita sa kasaysayan,
kultura, at pagkakaisa ng mga Novo Ecijano! ๐Ÿ’™

๐Ÿ“ฃ ๐ƒ๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐‹๐ˆ๐๐‘๐„๐๐† ๐Ž๐๐‹๐ˆ๐๐„ ๐“๐‘๐€๐ˆ๐๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐Ž๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐€ ๐๐† ๐๐”๐„๐•๐€ ๐„๐‚๐ˆ๐‰๐€! ๐ŸŒพ๐ŸคโœจBilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-130 Un...
20/08/2026

๐Ÿ“ฃ ๐ƒ๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐‹๐ˆ๐๐‘๐„๐๐† ๐Ž๐๐‹๐ˆ๐๐„ ๐“๐‘๐€๐ˆ๐๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐Ž๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐€ ๐๐† ๐๐”๐„๐•๐€ ๐„๐‚๐ˆ๐‰๐€! ๐ŸŒพ๐Ÿคโœจ

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-130 Unang Sigaw ng Nueva Ecija, sa pamamagitan ng Provincial Government of Nueva Ecija(PGNE), sa pangunguna ni Governor Aurelio Oyie Matias Umali at Vice Governor Lemon Umali, hatid ng Provincial Cooperative and Entrepreneurship Development Office (PCEDO) ang dalawang libreng online training na naglalayong palawakin ang kaalaman at kakayahan ng ating mga kooperatiba.

๐ŸŽ“ TRAINING 1: FUNDAMENTALS OF COOPERATIVES
๐Ÿ“… Agosto 25โ€“26, 2026
๐Ÿ’ป Via Zoom | PCEDO Office
โ›“๏ธ TRAINING LINK: https://tinyurl.com/USNEFOC2026
๐Ÿชช MEETING ID: 871 9760 1146
๐Ÿ”‘ PASSCODE: F08252626

๐ŸŽ“ TRAINING 2: GOVERNANCE AND MANAGEMENT OF COOPERATIVES
๐Ÿ“… Agosto 27โ€“28, 2026
๐Ÿ’ป Via Zoom | PCEDO Office
โ›“๏ธTRAINING LINK: https://tinyurl.com/USNEGMC2026
๐Ÿชช MEETING ID: 826 3337 7278
๐Ÿ”‘ PASSCODE: G08272826

๐Ÿ†“ LIBRENG TRAINING!

๐Ÿšจ LIMITED TO THE FIRST 250 PARTICIPANTS!

๐Ÿ“ฒ Paano makikilahok?
I-scan ang QR Code ng kaukulang training na makikita sa mga larawan upang direktang ma-access ang Zoom session sa itinakdang petsa.

Para sa karagdagang gabay, maaari ring gamitin ang Zoom details na nakasaad sa bawat training poster.

๐ŸŒฑ Huwag palampasin ang pagkakataong matuto at mas mapalakas pa ang inyong kaalaman sa cooperative development, governance, at management!

๐Ÿค Lakas ng Kooperatiba, Lakas ng Nueva Ecija!




Ngayong taon, buong pagmamalaking ipinagdiriwang ng ating lalawigan ang I๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐’๐ข๐ ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐šโ€”isang makasay...
20/08/2026

Ngayong taon, buong pagmamalaking ipinagdiriwang ng ating lalawigan ang I๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐’๐ข๐ ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐šโ€”isang makasaysayang paggunita sa tapang, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat henerasyon ng Novo Ecijano.

Noong Setyembre 2, 1896, pinangunahan nina Hen. Mariano Llanera at Cpt. Pantaleon Valmonte, kasama ang mga bayaning sina Hen. Mamerto Natividad at Hen. Manuel Tinio, ang libu-libong Novo Ecijano mula sa Cabiao at Gapan patungo sa San Isidro.

Suot ang kanilang pulang panyo, tangan ang watawat, at armado ng mga pamalong kahoy, sibat, at ilang rebolber, buong tapang nilang hinarap ang mga puwersang Kastilaโ€”isang pagkilos na naging mahalagang bahagi ng pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan.

Ang pag-aalsang ito ay nagbigay-dangal sa Nueva Ecija bilang isa sa walong lalawigang sinasagisag ng mga sinag ng araw sa ating Pambansang Watawatโ€”isang walang hanggang paalala ng tapang at kabayanihan ng mga Novo Ecijano.

Bilang pagpupugay sa makasaysayang pamana na ito, mula Agosto 25 hanggang Setyembre 2, 2026, tampok sa pagdiriwang ang ibaโ€™t ibang programa at aktibidad para sa ating mga kababayanโ€”mula sa kasaysayan at kultura, kalusugan, agrikultura, kabuhayan, kooperatiba, sining, serbisyong legal, at marami pang iba.

Sa pangunguna nina Governor Aurelio Oyie Matias Umali at Vice Governor Lemon Umali, inaanyayahan ang bawat Novo Ecijano na makiisa sa paggunita sa ating mga bayaning nag-alay ng tapang para sa kalayaan, habang sama-sama nating isinusulong ang mas maunlad na kinabukasan ng Nueva Ecija.

Isang kasaysayang ipinagmamalaki.
Isang lalawigang nagkakaisa.
Isang diwang Novo Ecijano na patuloy na buhay! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒพ

Ngayong taon, buong pagmamalaking ipinagdiriwang ng ating lalawigan ang ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐’๐ข๐ ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐šโ€”isang makasaysayang paggunita sa tapang, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat henerasyon ng Novo Ecijano.

Noong Setyembre 2, 1896, pinangunahan nina Hen. Mariano Llanera at Cpt. Pantaleon Valmonte, kasama ang mga bayaning sina Hen. Mamerto Natividad at Hen. Manuel Tinio, ang libu-libong Novo Ecijano mula sa Cabiao at Gapan patungo sa San Isidro.

Suot ang kanilang pulang panyo, tangan ang watawat, at armado ng mga pamalong kahoy, sibat, at ilang rebolber, buong tapang nilang hinarap ang mga puwersang Kastilaโ€”isang pagkilos na naging mahalagang bahagi ng pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan.

Ang pag-aalsang ito ay nagbigay-dangal sa Nueva Ecija bilang isa sa walong lalawigang sinasagisag ng mga sinag ng araw sa ating Pambansang Watawatโ€”isang walang hanggang paalala ng tapang at kabayanihan ng mga Novo Ecijano.

Bilang pagpupugay sa makasaysayang pamana na ito, mula Agosto 25 hanggang Setyembre 2, 2026, tampok sa pagdiriwang ang ibaโ€™t ibang programa at aktibidad para sa ating mga kababayanโ€”mula sa kasaysayan at kultura, kalusugan, agrikultura, kabuhayan, kooperatiba, sining, serbisyong legal, at marami pang iba.

Sa pangunguna nina Governor Aurelio Oyie Matias Umali at Vice Governor Lemon Umali, inaanyayahan ang bawat Novo Ecijano na makiisa sa paggunita sa ating mga bayaning nag-alay ng tapang para sa kalayaan, habang sama-sama nating isinusulong ang mas maunlad na kinabukasan ng Nueva Ecija.

Isang kasaysayang ipinagmamalaki.
Isang lalawigang nagkakaisa.
Isang diwang Novo Ecijano na patuloy na buhay! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒพ

Address

2nd Floor, Provincial Capitol Building
Palayan City
3132

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PCEDO Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share