Boses ng Brgy Militar

Boses ng Brgy Militar Official community information page dedicated to public announcements, government programs

πŸ“’ ANNOUNCEMENT TO ALL RESIDENTS OF BRGY. MILITAR πŸ“’In line with our commitment to a healthier and stronger community, we ...
14/05/2026

πŸ“’ ANNOUNCEMENT TO ALL RESIDENTS OF BRGY. MILITAR πŸ“’

In line with our commitment to a healthier and stronger community, we warmly invite everyone to avail of our FREE HEALTHCARE OUTREACH 🩺❀️

βœ… Eye Check-Up (Vision Screening, Eye Examination & Consultation)
βœ… Internal Check-Up (Physical Examination, Vital Signs Check & Consultation)

πŸ“… Date: May 23, 2026
⏰ Time: 8:00 AM
πŸ“ Venue: NEUST-FMC Covered Court

Libre pong check-up para sa lahat! Let us take care of our health because Healthy Today, Better Tomorrow. πŸ’™
Tayo ay magkaisa para sa mas malusog na komunidad! See you there! πŸ™

πŸ™β€οΈ TAOS-PUSONG PASASALAMAT kay Gov. Aurelio Oyie Matias Umali SA TAGUMPAY NG LINGKOD-LINGAP PROGRAM SA BRGY. MILITAR ❀️...
14/05/2026

πŸ™β€οΈ TAOS-PUSONG PASASALAMAT kay Gov. Aurelio Oyie Matias Umali SA TAGUMPAY NG LINGKOD-LINGAP PROGRAM SA BRGY. MILITAR β€οΈπŸ™

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at dumalo sa matagumpay na Lingkod-Lingap Program na ginanap noong May 11, 2026 dito sa Brgy. Militar, kung saan maraming miyembro at lider ng Alagang Umali ang nabigyan ng pinansyal na tulong upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa gitna ng patuloy na hamon at hirap ng buhay sa panahon ng krisis.

Lubos po naming ikinagagalak at ikinararangal ang pagdalo ng minamahal na first lady ni Gov. Aurelio Oyie Umali , walang iba kundi si Ma'am Cherry Umali, dating Kongresista at dating Gobernadora ng Nueva Ecija, kasama rin si Ms Vianne Viandrei Nicole Cuevas, City Mayor ng Palayan City, at ang mga Barangay Chairmen mula sa iba’t ibang barangay ng Palayan City na nagbigay suporta sa makabuluhang programang ito.

Dahil sa maikling panahon ng pangangalap ng requirements at pagsusumite ng ID copies, amin pong nauunawaan na hindi lahat ng nais makasama ay agad na na-accommodate.

Bilang inyong lingkod at Head ng Alagang Umali Program sa Brgy. Militar, ako po ay buong pagpapakumbabang nagsumite ng request para sa 2nd batch ng Lingkod-Lingap, upang mabigyan pa ng pagkakataon ang mga nahuling makapagsumite ng kanilang requirements.

At ikinatutuwa kong ibahagi na naaprubahan ang ating kahilingan! πŸ™
πŸ“Œ Kaya naman ngayong araw, May 14, 2026, ang HULING ARAW ng pagsusumite ng requirements para sa 2nd batch ng mga benepisyaryo ng Lingkod-Lingap.

Sa lahat ng hindi pa nakakapagsumite, hinihikayat ko kayong makipag-ugnayan agad sa inyong leaders upang hindi mapag-iwanan ang pagkakataong ito.

Maraming salamat sa patuloy na pagtitiwala at suporta. Tuloy-tuloy po tayong maglilingkod nang may malasakit at pagkakaisa para sa kapakanan ng bawat pamilya sa Brgy. Militar. ❀️




πŸ’™ ISANG TAOS-PUSONG PASASALAMAT, BRGY. MILITAR! πŸ’™Isang matagumpay na araw po para sa ating mga kabarangay matapos ang ma...
14/05/2026

πŸ’™ ISANG TAOS-PUSONG PASASALAMAT, BRGY. MILITAR!
πŸ’™

Isang matagumpay na araw po para sa ating mga kabarangay matapos ang matagumpay na pagsasagawa ng programang β€œMurang β‚±20 na Bigas para sa Masa” sa ilalim ng Alagang Umali Program dito sa ating Brgy. Militar.

Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, gasolina, kuryente, at iba pang gastusin sa araw-araw, ang programang ito ay tunay na naging malaking tulong at ginhawa para sa ating mga pamilya. Sa halagang β‚±20 kada kilo, maraming residente ng Brgy. Militar ang nabigyan ng pagkakataong makabili ng abot-kayang bigas para sa kanilang tahanan.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating minamahal na Gobernador ng Nueva Ecija, Hon. Aurelio β€œOyie” Matias Umali, sa kanyang patuloy na malasakit at walang sawang pagbibigay ng mga programang tunay na ramdam ng masa. Maraming salamat din kay Mam Cherry Umali sa patuloy na suporta sa mga programang nagbibigay pag-asa at tulong sa mamamayan.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa Provincial Food Council, sa ating mga masisipag na magsasaka, at sa buong team na naging katuwang upang maisakatuparan ang programang ito, lalo na sa leadership ni Mrs Elvie Ronquillo, Head Coordinator sa Palaya City ni Gov. Umali at Mam Cherry Umali.

Isang espesyal na pagpupugay rin sa lahat ng ating Alagang Umali Leaders ng Brgy. Militar, sa bawat purok, na nagsikap sa information drive, organisasyon, at facilitation upang maging maayos, organisado, at matagumpay ang aktibidad na ito. Dahil sa inyong malasakit, pagtutulungan, at dedikasyon β€” naging smooth at successful ang buong programa. πŸ‘
Sa lahat ng residente ng Brgy. Militar na nakiisa at nakibahagi β€” maraming salamat po sa inyong tiwala at kooperasyon.
Kapag sama-sama, may malasakit, at may layuning tumulong β€” mas marami pa tayong magagawang mabuti para sa ating komunidad. πŸ’™

Mabuhay ang Brgy. Militar!
Mabuhay ang Alagang Umali!
Maraming salamat, Gov. Oyie Umali! πŸ™πŸ’™



Address

Brgy Militar Fort Magsaysay
Palayan City
3132

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Boses ng Brgy Militar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share