OPA Nueva Ecija

OPA Nueva Ecija Office of the Provincial Agriculturist

  the 7th Grand Alumni HOMECOMING OF Munoz National High School -January 3, 2026 @ Munoz Pag-Asa Gym!
04/01/2026

the 7th Grand Alumni HOMECOMING OF Munoz National High School -January 3, 2026 @ Munoz Pag-Asa Gym!

 #๐—ž๐—œ๐—–๐—ž๐—ข๐—™๐—™๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜† |  #๐—Ÿ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜€๐—›๐—”๐—ฅ๐—”๐—•๐—”๐—ฆ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฆ๐—œ๐—•๐—จ๐—ฌ๐—”๐—ฆNgayong araw sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija, matagumpay na ginanap ang...
03/11/2025

#๐—ž๐—œ๐—–๐—ž๐—ข๐—™๐—™๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜† | #๐—Ÿ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜€๐—›๐—”๐—ฅ๐—”๐—•๐—”๐—ฆ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฆ๐—œ๐—•๐—จ๐—ฌ๐—”๐—ฆ

Ngayong araw sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija, matagumpay na ginanap ang kick-off ceremony ng Information & Technology Caravan on the Prevention, Control, and Management of Armyworms!

Ang programang ito ay isasagawa sa 18 onion-producing municipalities ng lalawigan at layuning palawakin ang kaalaman ng ating mga magsasaka sa tamang pamamahala laban sa armyworm infestation upang mapanatiling ligtas, masigla, at masagana ang ani ng sibuyas sa buong Nueva Ecija.

Pagkatapos ng kick-off ceremony, isinagawa rin ang talakayan ukol sa tamang paggamit ng pheromone lure sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA-Nueva Ecija). Ang 2,000 sets ng pheromone lure at 1,000 packs ng onion seeds na ipapamahagi ay mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pangunguna at patuloy na suporta ni Governor Aurelio M. Umali.

Isang hakbang tungo sa mas ligtas, mas produktibo, at Harabas-free na produksyon ng sibuyas para sa mga magsasakang Novo Ecijano!

Ang Executive Order No. 100, s. 2025 ay nagtatakda ng floor price o pinakamababang presyo ng palay upang matiyak na maka...
27/10/2025

Ang Executive Order No. 100, s. 2025 ay nagtatakda ng floor price o pinakamababang presyo ng palay upang matiyak na makatatanggap ng makatarungang kita ang mga magsasaka. Itinatag din nito ang mga โ€œtrigger mechanismsโ€ o mga kondisyon na magpapagana sa pagpapatupad ng floor price kapag bumaba nang labis ang presyo sa merkado o may mga krisis tulad ng kalamidad o sobra-sobrang importasyon.

Pinamumunuan ng Department of Agriculture ang pagpapatupad, katuwang ang NFA, DTI, DILG at iba pang ahensya. Layunin ng kautusan na protektahan ang kabuhayan ng mga magsasaka ng palay at mapanatili ang matatag na suplay ng bigas sa bansa.

๐„๐—๐„๐‚๐”๐“๐ˆ๐•๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐๐Ž. ๐Ÿ๐ŸŽ๐ŸŽ, ๐ฌ. ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

Establishing the Floor Price of Palay, and Providing Trigger Mechanisms for Its Implementation

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/Uu5t1e

Ang Republic Act No. 11321, na kilala bilang โ€œSagip Saka Act,โ€ ay isang batas na naglalayong isulong ang inklusibong pag...
27/10/2025

Ang Republic Act No. 11321, na kilala bilang โ€œSagip Saka Act,โ€ ay isang batas na naglalayong isulong ang inklusibong pag-unlad at pangmatagalang kaunlaran sa sektor ng agrikultura at pangisdaan. Itinatatag nito ang Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Program (FFEDP) upang mapalakas ang kakayahan, kita, at akses ng mga magsasaka at mangingisda sa mas malawak na merkado.

Inaatasan ng batas ang mga ahensya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan na suportahan ang mga gawaing pangkabuhayan sa agrikultura sa pamamagitan ng direktang pagbili ng produkto mula sa mga magsasaka at mangingisda, pagbibigay ng pagsasanay, mas madaling pagkuha ng pautang, at pagpapatayo ng mga imprastraktura. Hinihikayat din nito ang pakikipagtulungan ng gobyerno at pribadong sektor upang mapaunlad ang value chain at lokal na produksyon ng pagkain.

Sa kabuuan, layunin ng Sagip Saka Act na bigyang-lakas ang mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng direktang pagkakaugnay sa mga mamimili at merkado, upang mabawasan ang kahirapan sa kanayunan at mapalakas ang seguridad sa pagkain at ekonomiya ng bansa.

๐„๐—๐„๐‚๐”๐“๐ˆ๐•๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐๐Ž. ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ, ๐ฌ. ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

Directing the Full Implementation of Republic Act No. 11321 or the โ€œSagip Saka Actโ€

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/kRTuZh

๐ŸŒพ ๐๐š๐ ๐ฐ๐š๐ฐ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐๐ฎ๐งรด ๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐š๐ -๐š๐ฌ๐š! ๐ŸŒฑMasayang nagtapos ang 30 magsasaka mula sa Climate Resilient Farm Business...
17/10/2025

๐ŸŒพ ๐๐š๐ ๐ฐ๐š๐ฐ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐๐ฎ๐งรด ๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐š๐ -๐š๐ฌ๐š! ๐ŸŒฑ

Masayang nagtapos ang 30 magsasaka mula sa Climate Resilient Farm Business School โ€“ Farmers Field School (FFS) na ginanap sa Brgy. T.L., Carranglan, Nueva Ecija. Ang programang ito ay pinangunahan ni Ms. Amelita Londonio, FFS Focal ng Department of Agriculture Regional Field Office III, kasama sina Ms. Ellen Grace Gonzales, FFS Provincial Focal, at Municipal Agriculturist Mr. Greg Alputan.

Nagsimula ang programa noong Hunyo 2025 at nagtapos ngayong Oktubre, matapos ang 18 buwang pagsasanay na naglalayong sanayin ang mga magsasaka sa makabagong kaalaman sa klima-resilient farming at farm business management.

Sa ginanap na graduation ceremony, personal na dumalo si Dr. Analou Morelos, APCO ng Nueva Ecija, upang pormal na ipagkaloob ang mga certificate of completion sa mga magsasakang matagumpay na nakapagtapos ng programa.

Ang pagtatapos na ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng ating mga magsasaka na umangkop sa mga hamon ng panahon at itaguyod ang mas matatag, matalino, at matatag na agrikultura para sa kinabukasan ng ating lalawigan. ๐ŸŒพโœจ

๐๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐‹๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐š๐ง๐  ๐Š๐ข๐ง๐š๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ŸŒฑNgayong Oktubre 17, 2025, ang Office of the Provincial Agriculturist (OPA) a...
17/10/2025

๐๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐‹๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐š๐ง๐  ๐Š๐ข๐ง๐š๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ŸŒฑ

Ngayong Oktubre 17, 2025, ang Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ay aktibong nakibahagi sa isinagawang Tree Planting Activity ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Cuyapo, Nueva Ecija, katuwang ang Department of Agriculture Regional Field Office III (DA-RFO III) sa ilalim ng programang Agro-Ecology Based Rice Farming ng National Rice Program.

Layunin ng aktibidad na ito na mapalakas ang adbokasiya sa sustainable at climate-resilient agriculture, habang pinapanatili ang balanse ng kalikasan at agrikultura. Ang Simimbaan Communal Irrigators Association sa Brgy. Simimbaan, Cuyapo, Nueva Ecija ang napiling pilot site ng nasabing teknolohiya para sa Calendar Year 2025, kung saan isinasagawa ang mga gawaing nagtataguyod ng ekolohikal na pamamaraan ng pagsasaka.

Sa nasabing tree planting, sama-samang nagtanim ang mga kinatawan mula sa OPA, MAO, at DA-RFO III ng mga punla ng papaya, Philippine carabao mango, at banana plantlets sa paligid ng Small Water Impounding System (SWIS) na sakop ng asosasyon. Ang pagtatanim na ito ay hindi lamang simbolo ng pagkakaisa ng mga ahensya, kundi isang kongkretong hakbang tungo sa pagpapayabong ng kapaligiran, pagpapaunlad ng ani, at pagpapalakas ng resiliency ng mga komunidad ng magsasaka.

Ang ganitong mga inisyatibo ay patunay na sa pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga mamamayan, posible ang isang masigla, produktibo, at luntiang Nueva Ecija โ€” handa sa mga hamon ng pagbabago ng klima at patuloy na nagbubunga ng pag-asa para sa mga susunod na henerasyon.

P154-MILYONG HALAGA NG AGRI-ENTERPRISES SA NUEVA ECIJA, TULOY NA! ๐ŸŒพNakakuha na ng go-signal o pahintulot na magpatuloy s...
10/10/2025

P154-MILYONG HALAGA NG AGRI-ENTERPRISES SA NUEVA ECIJA, TULOY NA! ๐ŸŒพ

Nakakuha na ng go-signal o pahintulot na magpatuloy sa procurement stage ang mga agri-enterprises sa Nueva Ecija na nagkakahalaga ng Php154 milyon, matapos matanggap ang No Objection Letter 1 (NOL1) mula sa Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP).

Ipinagkaloob ngayong Oktubre 10, sa Orani, Bataan, ang mga NOL1 sa Eastern PMPC at Villa Bar PMPC sa pamamagitan ng ceremonial awarding sa ginanap na North Luzon Cluster Joint I-BUILD at I-REAP Assessment.

Lubos ang pasasalamat ng mga opisyales at miyembro ng mga kooperatiba sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, lalo na kina Governor Aurelio M. Umali at Vice Governor Gil Raymond C. Umali, sa patuloy na suporta at gabay na naging daan upang maisakatuparan ang pagbuo ng proyekto at maipasa ang mga kinakailangang dokumento.

Ang Php89-milyong Carabao Dairy Processing Enterprise ng Eastern Primary Multi-purpose Cooperative (PMPC) sa San Jose City ay nakatakdang i-upgrade ang kanilang pasilidad upang mapataas ang produksyon at mapalawak ang merkado.

Samantala, ang Php65-milyong Aromatic Rice Enterprise ng Villa Bar PMPC sa Llanera ay magtatayo ng rice mill facility na magpapabuti sa pagproseso at pagbebenta ng lokal na aromatic rice, pati na rin magbibigay ng serbisyong makatutulong sa maliliit na magsasaka.

Ang mga proyektong ito ay ipinatutupad sa ilalim ng PRDP Scale-Up, na may pondo mula sa World Bank loan proceeds (60%), DA (20%), at equity contribution ng mga proponent groups (20%).

Ipinapaabot din nila ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa mga Technical Staff ng Nueva Ecija Provincial Project Management Implementing Unit (PPMIU), gayundin sa iba pang opisyal ng lalawigan na walang sawang tumulong sa bawat yugto ng proseso.

Hindi rin nakaligtaan ang mga Pamahalaang Lokal ng San Jose City at Llanera, kasama ang kanilang mga Technical Staff at mga kasapi ng Municipal/City Project Management Implementing Unit, sa patuloy na pakikiisa at suporta para sa tagumpay ng mga proyektong ito.

Sa pagkakaisa at sama-samang pagsisikap ng lahat, unti-unti nang natutupad ang layuning mapaunlad ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at mapalago ang agrikultura sa Nueva Ecija. ๐ŸŒพ๐Ÿ’š


06/09/2025

The ๐—ฆ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐˜ ๐—”๐˜€๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—–๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ฒ๐—ฒ ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€ (๐—ฆ๐—˜๐—”๐—–๐—˜๐—– ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ) is brewing, and we want your voice in the mix. Submit your papers and be part of shaping the future of coffee education, sustainability, and innovation in the region.

๐Ÿ”Papers may include:
1. Smart Farming Technologies and Innovations
2. Circular Economy/Socio-Economics and Agri-Business Enterprise
3. Farming Systems, Organic and Regenerative Agricultural Technology
4. Agricultural Extension and Development

Deadline: ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฏ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ
Registration Fee: โ‚ฑ๐Ÿฒ,๐Ÿฑ๐Ÿฌ๐Ÿฌ

For the ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐˜€๐˜ ๐Ÿฏ๐Ÿฑ๐Ÿฌ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜๐˜€ ๐—ข๐—ก๐—Ÿ๐—ฌ!!!
With ๐—–๐—ฃ๐—— ๐—ฃ๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜๐˜€ for Agriculturist.

To secure your slot, kindly click the link below for Pre-Registration and Request for Invitation Letter:

Pre-Registration Link:
https://forms.gle/Ecy3FBTtSPGxgpy78

Request for Invitation Letter:
https://forms.gle/Spxbab2PKAsMqy4g9

-----
๐—ข๐—ฟ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜‡๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฏ๐˜†:
Philippine Association of Agriculturists- Tamarind Chapter, Cavite State University (CVSU), National Coffee Research Development Extension Center (NCRDEC), Southern Tagalog Agriculture, Aquatic, and Resources Research Development and Extension Consortium (STAARRDEC), and Asian Institute of Agri-Tourism, Inc.

๐—–๐—ผ-๐—ผ๐—ฟ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜‡๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฏ๐˜†:
PAA- NCR Chapter and Aurora State College of Technology

๐—œ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต:
DA-Bureau of Agricultural Research, DA-PhilMech, DA-Bureau of Plant and Industry, Agricultural Training Institute (ATI), DOST-PCAARRD, Department of Trade and Industry, Philippine Council for Agriculture and Fishery, Philippine Coconut Authority, SAFE Network, and Bataan Business Solutions.

29/08/2025

|| Nag e-expire ba ang pulot o honey ?

๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐†๐€๐˜ ๐’๐€ ๐๐€๐“๐€๐“๐€๐๐†๐ˆ๐๐† ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€ ๐๐† ๐๐”๐„๐•๐€ ๐„๐‚๐ˆ๐‰๐€Matagumpay na idinaos ang Awarding of Agricultural Achievers bilang ba...
27/08/2025

๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐†๐€๐˜ ๐’๐€ ๐๐€๐“๐€๐“๐€๐๐†๐ˆ๐๐† ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€ ๐๐† ๐๐”๐„๐•๐€ ๐„๐‚๐ˆ๐‰๐€

Matagumpay na idinaos ang Awarding of Agricultural Achievers bilang bahagi ng pagkilala sa sipag, tiyaga, at mahalagang kontribusyon ng ating mga magsasaka at katuwang sa agrikultura na patuloy na nagsisilbing haligi at sandigan ng ating ekonomiya at pangunahing tagapagtaguyod ng seguridad sa pagkain.

Layunin ng gawain na ito na bigyang-parangal ang kanilang sakripisyo at dedikasyon sa pagpapaunlad ng agrikultura sa Nueva Ecija. Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang inspirasyon sa kapwa magsasaka at mga kabataan, kundi paalala rin na ang tunay na kaunlaran ay nakaugat sa masaganang ani at maunlad na pamayanan.

Ang pagkilalang ito ay kabilang sa mga tampok na aktibidad ng Ika-129th Unang Sigaw ng Nueva Ecija Celebration, isang makasaysayang pagdiriwang na nagpapaalala sa tapang at pagkakaisa ng mga Novo Ecijano noon at ngayon.

Bahagi rin ito ng patuloy na adhikain nina Governor Aurelio โ€œOyieโ€ Matias Umali at Vice Governor Gil Raymond โ€œLemonโ€ Umali na kilalanin, suportahan, at itaguyod ang mga huwarang magsasaka na nagsisilbing haligi ng ating lalawigan at tunay na bayani ng agrikultura.






Address

Barangay Singalat
Palayan City
3132

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OPA Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share