02/09/2026
#๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐พ๐ต๐ญ
Sa paggunita ng Ika-130 Unang Sigaw ng Nueva Ecija, muling binigyang-diin ni Governor Aurelio Oyie Matias Umali na ang tunay na pagpupugay sa tapang at sakripisyo ng ating mga ninuno ay hindi lamang sa pag-alala sa kasaysayan, kundi sa pagpapatuloy ng isang pamahalaang may malasakitโisang pamahalaang naghahatid ng konkretong serbisyo, oportunidad, at pag-asa sa bawat Novo Ecijano.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Governor Oyie na ang pag-unlad ng Nueva Ecija ay dapat maramdaman sa araw-araw na buhay ng ating mga kababayanโsa kanilang kalusugan, edukasyon, kabuhayan, kapakanan, at kinabukasan.
Bilang pagsasabuhay ng mensaheng ito, inilunsad at ipinakilala ng Pamahalaang Panlalawigan ang mahahalagang programang direktang tumutugon sa pangangailangan ng mga Novo Ecijano.
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Pormal na inilunsad ang PGNE Mobile Pharmacy upang higit pang mailapit sa mga komunidad ang mga kinakailangang gamot at serbisyong pangkalusuganโisang konkretong hakbang upang maging mas accessible ang tulong medikal sa bawat Novo Ecijano.
๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Inilunsad din ang PAGHILOM, isang programang nakatuon sa mental health at psychosocial well-being ng mga mag-aaral, g**o, magulang, at school personnel.
Ito ay bunga ng pagtutulungan ng PGNE, DepEd Nueva Ecija sa pangunguna ni Dr. Ericson Sabacan, at Ako Ang Saklay, Inc. sa pangunguna ni Fr. Arnold Abelardoโbilang pagkilala na ang tunay na malasakit ay hindi lamang para sa pisikal na kalusugan, kundi maging sa isip, damdamin, at kabuuang kapakanan ng bawat isa.
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng edukasyon sa Nueva Ecija, isinagawa rin ang ceremonial turnover ng Starlink connectivity para sa 120 DepEd school sites sa lalawigan.
Layunin nitong bigyan ang mga g**o at mag-aaralโlalo na sa mga lugar na may limitado o mahina ang internet connectivityโng mas malawak na access sa digital learning resources, impormasyon, at makabagong paraan ng pagtuturo at pagkatuto.
Bahagi rin ng programa ang ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข๐ก๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ค๐๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฐ๐: ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ข๐ง๐ญ๐๐ ๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ญ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ ๐
๐๐ข๐ซ, sa pakikipagtulungan ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Public Employment Service Office (PESO), at PGNE, upang mailapit sa ating mga OFW at balikbayang manggagawa ang mga kaukulang serbisyo at oportunidad para sa kanilang reintegrasyon.
Sa pagbubukas ng programa, nagbigay ng Opening Remarks si Vice Governor Gil Raymond M. Umali. Nagbahagi rin ng mahahalagang mensahe sina Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac at Governor Aurelio M. Umali, habang nagtapos ang unang bahagi ng programa sa Closing Remarks ni DMW Undersecretary Atty. Bernard P. Olalia.
Nagbigay-buhay at kulay naman sa pagdiriwang ang Nueva Ecija Singing Ambassadors, Muรฑoz National High School Drum and Lyre Corps, Macabaclay National High School Street Dance Company, CLSU Bithay Sining Dance Company and Rondalla, Andres Bonifacio National High School Dulansangan Performers, Tribo Ecijano, at NEUST Folkloric Group.
Ang kanilang husay sa awit, musika, sayaw, at sining ay muling nagpatunay sa yaman ng kultura at natatanging talento ng mga Novo Ecijano.
Sa Ika-130 Unang Sigaw ng Nueva Ecija, malinaw ang mensahe ni Governor Oyie: ang diwa ng tapang at pagkakaisa ng ating mga ninuno ay dapat magpatuloy sa isang pamahalaang kumikilos, nakikinig, at tunay na nagmamalasakit sa mamamayan.
Mula sa kasaysayang ating ipinagmamalaki tungo sa mga programang nagbibigay ng mas magandang buhay at kinabukasan, patuloy nating itinataguyod ang isang Nueva Ecija na mas malusog, mas edukado, mas konektado, at mas handang humarap sa hinaharap.
๐๐ญ๐จ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐ง๐๐ง๐ ๐๐ข๐ ๐๐ฐโ๐ญ๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ฌ๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ ๐ข๐ญ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฌ๐๐ค๐ข๐ญ.
Mabuhay ang diwa ng Unang Sigaw!
Mabuhay ang bawat Novo Ecijano!
Mabuhay ang Lalawigan ng Nueva Ecija! ๐ต๐ญ๐พ๐
๐ธ: Team CYB