03/09/2026
FREE WI-FI 4 ALL SA PALAYAN CITY PLAZA CONCEPCION — ACTIVATED NA! 🚀
Connected na ang Plaza Concepcion! 💚🌾
Maraming-maraming salamat po sa DICT Region 3, DICT Nueva Ecija, at sa installation team sa paghatid ng Free Wi-Fi 4 All dito sa ating lungsod! 🙌
Mas magiging connected na ang ating Plaza para sa ating mga estudyanteng nag-group study, nagja-jogging tuwing umaga, nagzu-Zumba, nagba-basketball, at maging sa mga pamilyang namamasyal dito. 🏃♀️🏀💃📱
At kapag may events? Connected din! 🎉
Mas madali nang mag-search, mag-access ng online services, makipag-communicate, at siyempre… mag-YouTube ng tugtog na pang-Zumba! 😂🎶
Sa panahon ngayon, hindi na lang dagdag convenience ang internet—bahagi na ito ng ating araw-araw na buhay. Kaya malaking bagay ang pagkakaroon ng libreng internet sa mga pampublikong lugar para mas maraming Palayano ang magkaroon ng access sa information, communication, education, at digital services.
Mula po sa City Government of Palayan, taos-puso kaming nagpapasalamat sa DICT sa patuloy na suporta para sa mas connected at digitally empowered na Palayan City!
Special thanks kina Sir Jake at Sir Ryan of DICT Nueva Ecija, Sir Greg Arthur and the DICT Region 3 team, at sa aming City Engineering Department sa pag-assist kahit weekend! 🙌
At siyempre, thank you rin po kay Mayor Vianne Cuevas sa patuloy na suporta sa mga digitalization initiatives ng ating lungsod. 💚🌾
At hindi pa dito nagtatapos!
Mas marami pa tayong lugar at mas marami pang Palayano ang mabibigyan ng FREE INTERNET!
Stay connected, Palayan! 📶💚