21/08/2026
MPDO Palimbang in Attendance
——————————————————————————
𝐁𝐅𝐀𝐑 𝐗𝐈𝐈 𝐈𝐍𝐈𝐋𝐔𝐍𝐒𝐀𝐃 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐌𝐊 𝟐.𝟎 𝐒𝐀 𝐒𝐔𝐋𝐓𝐀𝐍 𝐊𝐔𝐃𝐀𝐑𝐀𝐓, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐊 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐊𝐋𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐓𝐔𝐁𝐈𝐆𝐀𝐍
ISULAN, SULTAN KUDARAT | Agosto 19, 2026 — Pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) - XII, ang orientation para sa mga Local Government Unit (LGU) ng Sultan Kudarat bilang bahagi ng pagpapatupad ng Malinis at Masaganang Katubigan (MMK) 2.0.
Pinalawak ng MMK 2.0 ang dating Malinis at Masaganang Karagatan upang saklawin hindi lamang ang mga baybaying lugar kundi pati ang mga ilog, lawa, wetlands, reservoirs, at iba pang inland water resources.
Sa pamamagitan ng ecosystem-based at ridge-to-reef approach, binibigyang-diin ng programa ang ugnayan ng mga watershed, ilog, at karagatan sa pagpapanatili ng malinis, masagana, at produktibong yamang tubig.
Tinalakay sa orientation ang three-year implementation roadmap, 100-point evaluation system, digital documentation, at pagbuo ng multidisciplinary Technical Working Groups (TWGs) upang higit na mapalakas ang lokal na pamamahala sa fisheries at aquatic resources.
Hinikayat ng BFAR XII ang mga LGU na isalin ang MMK 2.0 sa konkretong hakbang at resulta, mula sa mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas pangisdaan hanggang sa rehabilitasyon ng mga pampang ng ilog at pangangalaga ng aquatic habitats.
Mula kabundukan hanggang karagatan, sama-sama nating pangalagaan ang bawat katubigan tungo sa isang malinis, masagana, at napapanatiling kinabukasan.