21/03/2020
The end of ncov 19 2020
Yong iba atat ng pumunta sa mga jowa nila yung iba atat ng mag swimming kasi naiinitan na sila mga yan naiisip ninyo pero hindi nyo manlang maisip na mag pasalamat sa panginoon nating may kapal miss mo jowa mo barkada mo iiwan ka din nyan sa tamang panahon pero ang ating panginoon hinding hindi ka iiwan kayat halina sabay sabay tayong mag dasal para mawala ang sakit na yan na covid 19.
Sa ngalan ng Ama, Anak at ng Espiritu Santo. Manalangin tayong magkasama. Panginoong DIYOS, maraming maraming salamat po sa lahat ng biyayang walang sawa ninyong ipinagkakaloob sa amin. Hindi man kami karapatdapat sa inyong pagmamahal, nariyan pa rin po kayo upang kami ay kupkupin. Panginoong DIYOS , lubos po kaming nagpapakumbaba at humihingi ng kapatawaran mula sa inyo sa lahat ng aming nagawang kasalanan. Intensyonal man po o hindi, patawarin nyo po kami. Linisin nyo po ang aming mga puso at tanggalin nyo ang lahat ng negatibong emosyon na aming kinikimkim. Panginoong DIYOS, itinataas ko po sa inyo ang aming kinabukasan at ng lahat ng aming mga mahal sa buhay. Ituwid mo po nawa ang landas na aming nilalakaran. Kayo po ang magdesisyon para sa amin. Samahan nyo po kami sa aming paglalakbay, Panginoon. Kayo po ang magsilbing aming gabay mula ngayon. Panginoon, bagamat kami po ay makasalanan, marupok sa tukso at madalas man manghina ang aming pananampalataya, dalangin po namin na wag mo po kaming bitawan. Huwag nawa po kayong magsawa na kami ay samahan. Panginoon, kailangan ka po ng bayan at NG buong mundo. Ibuhos mo po ang pagmamahal at pagpapatawad nyo sa mundo. Hipuin mo po ang bawat isa sa amin na maging instrumento mo para makilala ka ng ibang tao. Bigyan mo po ang bawat isa sa amin ng sapat na talino upang ihayag ang kadakilaan mo. Mahal naming Panginoon, hindi po kami mapapagod na sambahin ka. Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking biyaya mo ay tatanawin po namin na utang na loob hanggang sa kamatayan ko. Maghari nawa po ang pagmamahal na unang nagmula sayo sa buhay ng bawat anak mo na nagbabasa ng panalangin na ito. Gamitin mo po kami para sa iyong mga plano. Gamitin mo po kaming maging instrumento mo para maging daluyan ng pagmamahal at pagpapala mo sa aming mga anak mo.
Panginoong DIYOS, sayo po ang lahat ng papuri at pasasalamat, sa pangalan ni HESUS AMEN.