17/08/2026
ππ πππππππ | π
πππ ππππππππ ππ ππππππππ ππ πππππππ ππ ππππππ
Palo, Leyte β Sa pamumuno ni JSSUPT RILL F SONON, DSC, JD, Panrehiyong Direktor ng Kawanihan ng Piitan, at sa Pangunguna ng kasalukuyang nakatalagang Officer-In-Charge, JSSUPT JEROME D VERBO, Kawaksing Panrehiyong Direktor para sa Pangasiwaan ng Kawanihan ng Piitan, nakibahagi ang Kawanihan ng Pamamahala sa Piitan at Penolohiya Panrehiyong Tanggapan VIII (BJMPRO-VIII) sa ginanap na Tradisyunal na Monday Flag Ceremony ng Pambansang Punong Himpilan ng Kawanihan ng Pamamahala sa Piitan at Penolohiya sa pamamagitan ng Zoom Conference noong Agosto 17, 2026. Isinagawa ang aktibidad sa BJMPRO-VIII Main Conference Room, Brgy. Guindapunan, Palo, Leyte.
Isa sa mga naging tampok sa seremonya ang paggawad ng Medalya ng Papuri ng Hepe ng Kawanihan ng Pamamahala sa Piitan at Penolohiya, JDIR EFREN ALTAMIRA NEMEΓO, DPA, TLPE sa dalawang kawani ng Carigara District Jail na sina SJO3 Ariel Moranon, Officer of the Day, at JO1 Queenie Ann Mae A Ponpon, Female Searcher, bilang pagkilala sa kanilang matagumpay na pagsabat at pagkumpiska ng dalawang (2) pad ng tuyong tabako noong Agosto 15, 2026.
Ang pagkilalang ito ay patunay sa kanilang pagiging mapagmatyag, masigasig, maagap, at dedikado sa kanilang mga tungkulin upang mapanatili ang seguridad, kaligtasan, at kaayusan sa loob ng mga pasilidad ng piitan, at maiwasan ang pagpasok ng mga kontrabando. Nagsisilbi rin itong inspirasyon sa lahat ng mga kawani na patuloy na isabuhay at pagganap sa tungkulin nang may integridad, propesyonalismo, at buong-pusong paglilingkod.
Dumalo rin sa seremonya ang mga Hepe ng mga Dibisyon, at mga Tagapangulo ng mga Opisina ng Panrehiyong Tanggapan, Mga Jail Officer Ranks (JORs), Jail Non-Officer Ranks (JNORs), at JO1 Trainees, bilang pagpapakita ng kanilang nagkakaisang paninindigan sa disiplina, propesyonalismo, pananagutan, at kahusayan sa serbisyo publiko.
Pagkatapos ng seremonya, isinagawa ni SJO4 Percival M Canono III, Gumaganap na Hepe para sa Pagpapaunlad ng Yamang Tao at kasalukuyng Regional Executive Senior Jail Officer (RESJO) ang ang pagsisiyasat sa hanay ng mga kawani o rank inspection upang higit na mapagtibay ang mga pamantayan ng Kawanihan sa disiplina, tikas ng tindig, kalinisan, at mahigpit na pagtalima sa mga itinakdang uniporme ng Kawanihan ng Piitan.
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, patuloy na pinagtitibay ng Kawanihan ng Pamamahala sa Piitan at Penolohiya Panrehiyong Tanggapan VIII (BJMPRO-VIII) ang kultura ng disiplina, pagkamapagmatyag, at propesyonalismo β bilang patunay sa walang patid na pagsisikap na Magpabago ng Buhay at Magpanday ng mas Ligtas na Pamayanan.