07/09/2026
|| Isinagawa ng FPA Eastern Visayas ang Safe and Judicious Use of Fertilizers and Pesticides Training para sa Agricultural Extension Workers (AEWs) at mga miyembro ng Irrigatorsโ Association (IA) noong Agosto 27, 2026 sa Verol Eco Farm, Naval, Biliran, na dinaluhan ng humigit-kumulang 100 kalahok.
Tinalakay sa pagsasanay ang ligtas at responsableng paggamit ng abono at pestisidyo, kabilang ang tamang paghawak, paggamit, pag-iimbak, pagtatapon, at pagsunod sa tamang dosage at application.
Sa pamamagitan ng lecture at talakayan, napalawak ang kaalaman ng mga kalahok na maaari nilang maisabuhay at maibahagi sa kanilang mga sakahan at komunidad, bilang katuwang sa pagsusulong ng ligtas at responsableng paggamit ng agricultural inputs.