07/08/2026
TIPS UPANG MAKA-IWAS SA ONLINE SCAM
Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mahalagang maging mapanuri at maingat upang makaiwas sa mga online scam.
Sa pamamagitan ng pagiging alerto at responsable online, makatutulong tayo upang maprotektahan ang ating sarili laban sa mga manloloko.
1. Huwag agad magtiwala sa mga mensahe, tawag, o link mula sa hindi kilalang tao o account.
2. Iwasang magbahagi ng personal na impormasyon tulad ng OTP, password, at bank details online.
3. Siguraduhing beripikado at lehitimo ang website, seller, o transaksiyon bago magpadala ng pera o impormasyon.