10/09/2026
πππππππ ππππ ππ πππππ πππ ππππππππππππ πππ-ππππππ ππ πππππ ππ πππππππππ ππ ππππππ
πππππππππππ πππ πππππ ππππππππππππ πππππ ππ ππ
πππππ πππππ π
ππππ (πππ
)
Ang African Swine Fever (ASF) ay isang mabilis kumalat at nakamamatay na sakit ng mga baboy. Bagamat HINDI ito nakakahawa sa tao, maaari itong magdulot ng matinding pagkalugi sa kabuhayan ng ating mga kababayan sa Paluan.
π« MGA DAPAT IWASAN (DON'TS)
HUWAG magpakain ng Swill / Kanin-Baboy
Ang pagpapakain ng tira-tirang pagkain mula sa karinderya o tahanan ay ang pangunahing sanhi ng pagkalat ng ASF.
HUWAG magpasok ng pork products mula sa labas ng bayan
Huwag magdala o magpasok ng mga karne, chicharon, o processed pork mula sa mga lugar na may kaso ng ASF.
HUWAG magbenta o maglabas ng may sakit na baboy
Huwag ipagbili o ilipat ng lalagyan ang mga baboy na nagpapakita ng anumang sintomas ng sakit.
HUWAG magtapon ng patay na baboy sa ilog o pampublikong lugar
Ang maling pagtatapon ng bangkay ng baboy ay mabilis na nagpapakalat ng virus sa kapaligiran.
β
MGA DAPAT GAWIN (DOS)
Ipatupad ang strict Bio-security Measures:
Maglagay ng footbath sa pasukan ng kulungan.
Linisin at i-disinfect ang kulungan at mga gamit bago at pagkatapos gamitin.
Limitahan ang mga taong pumasok sa kulungan ng baboy.
Tiyaking sertipikado ang karne:
Bumili lamang ng karneng may kaukulang permit o nanggaling sa accredited slaughterhouse.
I-report agad ang mga hinalang kaso:
Kung may napansin na lagnat, kawalan ng gana kumain, pamumula ng balat, o biglaang pagkamatay ng baboy, ipagbigay-alam agad.
π KUNG MAY SINTOMAS O KINAKAILANGANG TULONG, MAKIPAG-UGNAYAN AGAD SA:
Office of the Municipal Agriculturist (OMA) β LGU Paluan
Barangay Biosecurity Officer:
Maaari din mag message lamang sa page ng Office of the Municipal Agriculturist (https://www.facebook.com/omapaluan)
"Sa Pag-iingat at Pagtutulungan, Ligtas ang Babuyan ng Paluan!"