23/12/2025
Sa lahat po ng nagPadama ang Diwa ng Pasko sa ika-4 na taon, MARAMING SALAMAT PO! ✨
Buong puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay ng IPadama ang Diwa ng Pasko Year 4, isang Pasko na naman ang ating napagtagumapayang makapagkulay ng ngiti sa bawat mag-aaral na Iraya ng komunidad ng aming paaralan ang Hinugasan Minority School, gawain na naglalayong maghatid ng saya, pag-asa, at pagkakaisa sa mga Pamilyang Iraya. Ang patunay na ang diwa ng Pasko ay buhay sa bawat pusong handang magbahagi at maglingkod nang may malasakit at pagkakawanggawa.
Lubos po naming pinasasalamatan ang lahat ng sumusunod na indibidwal
Maraming salamat po,
Ms. Kate Salvador
Ms. Gail GK Vluna Fetalco
Kuya Vj Quiñones
Ma'am Olive Aguilar-Lavilla
Ma'am Chelle Opao
Sir James Bryan Aguilar
Ma'am Winnie Millares
Ma'am Glends Gutierrez
Ma'am Rosalyn Nacu and Family
Ma'am Lyngel Garcia
Ma'am Thel Ann Quinones-Franklin
Ma'am Na Na
Sir Oliver Fab
Sa nagpadala ng package mula Melbourne Australia, Kay Ma'am Jamile Martin-Bobadilla at sa kanyang pamilya, ang dami nyo pong napaligayang bata mula sa inyong regalo.
Sa nagbigay katuparan sa lahat ng hiling ng aming mga mag-aaral, Ms. Jill Padilla and Family ganun din kay ma'am Rich Gonzales Villas, at sa mga nagtiyagang maghanap at nagbalot ng bawat kahilingan ng mga bata, thank you po!
Sa sumagot ng minatamis na gulaman, p**o at kutsinta at food packs na pampansit ng bawat pamilya ng ating mga mag-aaral, Thank you po sa palaging pagtitiwala sa aming paaralan.
Sa nagbigay ng personalized water bottle sa bawat bata na aming mag-aaral, thank you po.
May magagamit na po silang inuminan pagpasok ng January. Malaking tulong po iyan sa kanila.
Higit, sa gumawa ng video at music video ng IPadama and Diwa ng Pasko, Blooms Creatives at project Trisha. Maraming salamat sa patuloy na supporta sa mga mag-aaral na Iraya.
Maraming salamat din po Sir Oliver Fab sa inyo sa lahat ng tulong sa IPadama ang Diwa ng Pasko. Mabuhay po kayo at ang inyong mga kasamahan.
Maraming salamat din po sa ilan pang sumusunod na individual, sa tulong ng aming butihing School Head.
JVFM
Beper Dept Store
PaperThings iv
Otep & Myrthel Hernandez
Joart & Madelaine Tinaliga
MZ Store
Oksimin Vloggers Association
At ilan pang tao na piniling maging lihim. God bless po!
Sa mga g**o, magulang, PTA officers and volunteers na nagbaba ng lahat ng mga regalo at pagkain mula sa itaas ng bundok pababa sa komunidad, ang inyong oras, lakas, at taos-pusong suporta ang nagsilbing haligi upang maipadama sa ating mga kapatid na Iraya na sila ay hindi nag-iisa at patuloy na minamahal na komunidad.
Higit sa lahat, kami ay taos-pusong nagpapasalamat at nagbibigay-papuri sa Diyos na Lumikha, na siyang pinagmumulan ng lakas at biyaya. Sa Kanyang biyaya at patuloy na patnubay, naging posible ang pagkakaisa ng maraming puso para sa iisang layunin—ang magbahagi ng kabutihan at pag-asa.
Nawa’y magsilbi itong paalala na ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi lamang isang araw na ipinagdiriwang, kundi isang damdaming isinasabuhay—ang magbahagi, magmahal, at magmalasakit sa kapwa. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbibigay-liwanag at pag-asa, ngayon at sa mga susunod pang taon.
Ang Diwa ng Pasko Year 4