01/10/2025
๐๐๐ฉ๐ญ๐๐ฆ๐๐๐ซ ๐๐, ๐๐๐๐ | ๐๐ฆ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐๐ฒ ๐๐ก๐๐ฅ๐ญ๐๐ซ ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐๐ (๐๐๐) ๐๐ญ ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐๐ ๐ญ๐จ ๐๐ง๐๐ข๐ฏ๐ข๐๐ฎ๐๐ฅ๐ฌ ๐ข๐ง ๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ข๐ฌ ๐๐ข๐ญ๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง (๐๐๐๐) ๐๐๐๐ข๐๐๐ฅ ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐๐ ๐๐๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ, ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐
Patuloy ang pag-agos ng ayuda mula sa Lokal na Pamahalaan ng Paluan para sa mga pamilyang nangangailangan ng kalinga at suporta. Isinagawa kaninang umaga ang payout ng AICS Medical Assistance at Emergency Shelter Assistance (ESA) upang matulungan ang mga residente na may kinakaharap na medikal na pangangailangan at ang mga nasalanta ng kalamidad.
Bago ang pamamahagi ng tulong-pinansyal ay nagkaroon ng maikling programa na dinaluhan nina Punongbayan Michael โAdoboโ Diaz, Pangalawang Punongbayan Jasmin Tria Fernandez, at mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan. Sa kanilang mensahe, binigyang-diin nila na ang tulong na ito ay patunay ng malasakit ng pamahalaan sa bawat Paluanonโna walang maiiwan, lalo na sa panahon ng kagipitan.
Ang AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation ay layuning magbigay ng agarang tulong sa mga mamamayang may kinakaharap na medikal na gastusin, habang ang ESA naman ay nakalaan para sa mga nawalan o nasiraan ng tirahan bunsod ng kalamidad.
Sa bawat ngiti at pasasalamat ng mga benepisyaryo, mas lalong tumitibay ang hangarin ng pamahalaan na magpatuloy sa serbisyong may puso, malasakit at aksyon.