05/09/2026
“FOOT PATROL, ISINAGAWA NG KAPULISAN NG 3rd MP, 2ND NSPMFC SA BRGY CAMPARANGA, PAMBUJAN, NORTHERN SAMAR”
Sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL NORMAN S KIAT-ONG JR, Force Commander, 2nd NSPMFC ay nagsagawa ng Foot patrolling sa Brgy Camparanga, bayan ng Pambujan, Northern Samar, ngayong araw, ika-5 ng Septyembre, 2026.
Ang aktibidad na ito ay nagsisilbing crime deterrent at lumilikha ng mas ligtas na kapaligiran. Nagbubuo din ito ng tiwala at kumpiyansa at tumutulong na palakasin ang ugnayan ng mga tauhan ng PNP at ng komunidad.
Ang gawaing ito ay bahagi ng Anti-Criminality Campaign ng PNP sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lokalidad.