02/02/2026
PAALALA PIMPEÑO
Ipinaaalam po sa lahat ng mamamayan ng Bayan ng Santa Ana, Pampanga na lahat ng bayad para sa Real Property Tax o Amilyar ay dapat lamang gawin sa Office of the Municipal Treasurer na matatagpuan sa ating Munisipyo at laging may kaakibat na Official Receipt.
Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng pagbabayad o transaksyon sa labas ng nasabing tanggapan. Ito ay upang masiguro ang tamang proseso, seguridad, at transparency sa lahat ng pinansyal na transaksyon ng pamahalaan. Ang mga bayad na ginawa sa labas ng opisina ay HINDI opisyal at HINDI kikilalanin ng Pamahalaang Bayan.
Kung kayo po ay may nalalamang sinumang nangolekta o nakipagtransaksyon kaugnay sa Amilyar sa labas ng opisina, hinihikayat po namin kayong agad itong ireport sa tanggapan ng kinauukulan sa pamamagitang ng ating Municipal Administrator, Glenndell C. Lapuz, upang ito ay mabigyan ng agarang aksyon.
Hinihikayat ang lahat na maging mapanuri at huwag makipagtransaksyon sa sinumang indibidwal na hindi awtorisado ng Municipal Treasurer’s Office.
Para sa karagdagang impormasyon o katanungan, mangyaring bumisita sa ating Munisipyo.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
Mabilis ang aksyon at walang korapsyon!