02/09/2026
R-PSB CAGAYAN, NAGHATID NG LIWANAG, TUBIG AT MALASAKIT SA AGTA COMMUNITY
Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City, Cagayan – Higit pa sa seguridad, muling ipinakita ng R-PSB Cagayan na ang serbisyo ng kapulisan ay may puso.
Nagyong Setyembre 1, 2026, naghatid ng tulong sa mga residente ng Sitio Balligi, Barangay Marede, Sta. Ana, Cagayan ang R-PSB Team Cagayan, katuwang ang 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, Cagayan Advisory Group, mga opisyal ng barangay, at pribadong sektor.
Tampok sa aktibidad ang Project Pailaw, kung saan 25 kabahayan ang nabigyan ng indoor solar lights bilang tugon sa kawalan ng suplay ng kuryente sa lugar. Isinagawa rin ang turnover ng communal comfort room, habang ipinagkaloob naman ang isang community water tank at 100 metrong hose upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan sa tubig ng mga residente. Samantala, 17 mag-aaral ang nabigyan ng school supplies, kasama ang mga mesa at upuan, habang 27 pamilya ang nakatanggap ng tig-limang kilo ng bigas at isang pares ng tsinelas. Umabot din sa 32 kabataan ang isinagawang feeding activity.
Simple man ang mga tulong na ito, malaki ang kahulugan para sa mga pamilyang nakatanggap nito. Isang ilaw ang maaaring magbigay ng liwanag sa tahanan; isang patak ng tubig ang maaaring magbigay ng ginhawa; at isang munting tulong ang maaaring magbigay ng pag-asa.
Ayon kay PCOL MARDITO G ANGULUAN, Provincial Director ng Cagayan PPO, “Ang tunay na serbisyo ay hindi lamang tungkol sa seguridad, kundi sa pag-abot sa mga nangangailangan at pagpaparamdam na walang komunidad na naiiwan.”
Sa Sitio Balligi, muling pinatunayan ng PNP na ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nakikita sa pagpapatupad ng batas, kundi nararamdaman sa malasakit, pakikinig, at pagkilos para sa mga nangangailangan.
R-PSB Cagayan — Serbisyong may puso, malasakit, at tunay na nararamdaman.
Press Release No. 0901-02
Authority: PCOL MARDITO G ANGULUAN
Provincial Director, Cagayan PPO
Releaser: PCPT SHIELA JOY N FRONDA
Chief, PIO, Cagayan PPO
Hotline: 09175233562 09534363668
Email Add: [email protected] /
[email protected]
Date: September 02, 2026