14/06/2026
Maligayang Kaarawan po, Mayor! Digna Puzon Antonio 🎉🎂
Sa ngalan ng Sangguniang Barangay ng Nagattatan, taos-puso po naming binabati kayo ng isang maligaya at pinagpalang kaarawan.
Maraming salamat po sa inyong dedikasyon, mahusay na pamumuno, at patuloy na pagsuporta sa kapakanan at kaunlaran ng ating komunidad. Nawa’y pagkalooban pa kayo ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at maraming biyaya upang maipagpatuloy ninyo ang inyong marangal na paglilingkod sa bayan.
Hangad namin ang inyong tagumpay, kaligayahan, at kasaganaan sa mga darating pang taon.
Maligayang Kaarawan po, Mayor!