04/08/2026
04 Agosto 2026 || πππ ππππππππ, ππππππππππππ ππ β±ππ-πππππππ πππππππππ πππππππ ππππ ππ πππππ
Isang malaking tagumpay para sa sektor ng edukasyon ang isinakatuparan sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) Signing sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Pamplona, sa pangunguna ni Municipal Mayor Manuel O. Agustin, at ng Department of Education (DepEd) Central Office kasama sina ASec. Roger B. Masapol, Assistant Secretary for Governance, Operations, and Strategic Management, at ASec. Aurelio Paulo "AP" Bartolome, Assistant Secretary for Infrastructure and Human Resource and Organizational Development.
Sa ilalim ng DepEd 2026 Classroom Building Program, napabilang ang Pamplona sa mga benepisyaryong tatanggap ng mga bagong silid aralan na may kabuuang halagang β±12 milyon. Higit pa rito, ang bawat gusali ay kumpleto at fully furnished, kabilang ang mga kinakailangang silya, mesa, at iba pang mahahalagang kagamitan.
Ang mga paaralang makikinabang sa proyektong ito ay:
Cagbunga Elementary School
San Gabriel Elementary School
Pamplona Central School
Matatandaang kinilala si Assistant Secretary Roger B. Masapol bilang DepEd Night Awardee, kung saan ipinahayag niya ang kanyang suporta at pangakong patuloy na tutulong sa Bayan ng Pamplona sa pagpapaunlad ng sektor ng edukasyon.
Hindi rito nagtatapos ang magandang balita para sa sektor ng edukasyon sa Pamplona. Ang proyektong ito ay unang hakbang pa lamang sa mas malawak na pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Pamplona at ng Department of Education upang maihatid ang mas marami pang programang pang-imprastraktura at mga inisyatibang magpapahusay sa kalidad ng edukasyon sa bayan.
Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ni Mayor Manuel O. Agustin sa mga katuwang na ahensya ng pamahalaan, inaasahan ang mas marami pang proyektong magbibigay ng mas magandang kinabukasan para sa bawat mag-aaral ng Pamplona.