20/07/2026
SOLAR STREET LIGHTS PARA SA MAS LIGTAS NA DAANAN💡🌞
Isa sa ating mga layunin ang magkaroon ng mas maliwanag at mas ligtas na komunidad. Sa pamamagitan ng Solar Street Lights, mas nagiging ligtas ang paglalakad at pagbiyahe ng ating mga kabarangay, lalo na sa gabi.
Ang proyektong ito ay hindi lamang nagbibigay ng ilaw, kundi ng kapanatagan, seguridad, at mas maayos na kapaligiran para sa bawat pamilya.
Sama-sama nating isulong ang mga proyektong may tunay na pakinabang para sa ating barangay.