06/09/2026
Makatarungang Pananaw sa Panukalang
Pagpapaliban ng BSKE 2026
Ang usapin ng pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakdang idaos sa Nobyembre 2, 2026 ay hindi dapat tingnan lamang bilang usapin ng politika. Ito ay usapin ng demokrasya, paggamit ng pondo ng bayan, kapangyarihan ng Kongreso, at higit sa lahat, karapatan ng mamamayan na pumili ng kanilang mga pinuno.
May kapangyarihan ba ang Kongreso na ipagpaliban ang halalan?
Oo, may malawak na kapangyarihan ang Kongreso na gumawa ng batas at, sa ilalim ng Article X, Section 8 ng 1987 Constitution, ay may kapangyarihan itong magtakda ng termino ng mga barangay officials. Kaugnay nito, kinikilala rin ng Article X, Section 3 na ang Local Government Code ay magbibigay ng mga patakaran hinggil sa qualifications, election, appointment, removal, term, powers, at duties ng mga local officials.
Ngunit ang kapangyarihang ito ay hindi absolute.
Dahil sa Article V, Section 1 ng 1987 Constitution, ang karapatan ng suffrage o pagboto ay isang pangunahing karapatan ng mamamayan. Hindi maaaring basta-basta ipagpaliban ang pagkakataon ng mga tao na pumili ng kanilang mga kinatawan kung walang sapat at makatarungang dahilan.
Sa kasong Macalintal v. COMELEC, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang RA 11935 na nagpaliban sa 2022 BSKE. Nilinaw ng Korte na ang malaya at makabuluhang paggamit ng karapatang bumoto ay nangangailangan ng genuine periodic elections o tunay at regular na halalan sa mga panahong hindi labis ang pagitan.
Makakatulong ba ang pagpapaliban?
Posible, ngunit hindi sapat ang simpleng dahilan na โmakakatipid ang gobyerno.โ May mga panukala ngayong 2026 na nagsasabing maaaring ipagpaliban ang BSKE dahil sa mga hamong pang-ekonomiya, pagtaas ng gastos, at iba pang pangangailangan ng gobyerno. Ngunit ayon sa mga ulat, nagbabala ang COMELEC na ang anumang pagpapaliban ay maaaring sumailalim sa mahigpit na pagsusuri ng Korte Suprema batay sa pamantayang itinakda sa Macalintal vs. COMELEC.
Sa madaling salita. Hindi dahil may ibang paggagamitan ng pera ay awtomatiko nang sapat na dahilan upang ipagpaliban ang halalan.
Ang halalan ay hindi ordinaryong gastusin lamang. Ito ang mekanismo kung saan nagmumula ang mandato ng mga namumuno.
Kung ipagpapaliban, sino ang MAKIKINABANG?
Dito dapat maging patas ang pagsusuri.
Kung nationwide ang postponement, sa papel ay pare-pareho itong naaapektuhan ang lahat ng incumbents, challengers, at mga botante. Ngunit sa praktikal na epekto, ang mga kasalukuyang nakaupo ang direktang nakikinabang sa extension ng panahon, dahil sila ang patuloy na manunungkulan habang wala pang bagong halalan.
Hindi ito nangangahulugan na ang lahat ng nagtataguyod ng postponement ay may masamang motibo. Ngunit ito ang isang realidad na dapat kilalanin: Kapag ipinagpaliban ang halalan, ang incumbent ay mananatili sa puwesto, samantalang ang mga nais humalili ay kailangang maghintay, at ang mamamayan ay kailangang maghintay bago muling makapili.
Kaya mahalaga na ang dahilan ng postponement ay hindi POLITICAL CONVINIENCE, kundi tunay na important, substantial, at compelling government interest ang pamantayang binigyang-diin ng Korte Suprema.
Paano naman ang pondong โmatitipidโ?
Mahalagang linawin na ang pondong nakalaan sa halalan ay hindi simpleng pera na maaaring basta kunin at ilipat saanman. Sa ilalim ng Article VI, Section 29(1) ng 1987 Constitution: โNo money shall be paid out of the Treasury except in pursuance of an appropriation made by law.โ Ibig sabihin, ang anumang pondong hindi magagamit para sa halalan ay hindi maaaring basta ilaan sa ibang proyekto sa pamamagitan lamang ng pagpapaliban ng eleksyon.
Kailangang dumaan ito sa tamang proseso ng batas at appropriation. Bukod dito, sa ilalim ng Article IX-C, Section 11 ng Constitution, ang mga pondong kinakailangan para sa regular at special elections ay dapat ilaan at, kapag naaprubahan, ay awtomatikong mailabas sa COMELEC sa ilalim ng mga kondisyong itinakda ng Konstitusyon.
At sa kasalukuyang sitwasyon, malaking bahagi ng paghahanda para sa 2026 BSKE ay naisagawa na umano ng COMELEC, kabilang ang mga balota, voter lists, at election materials. Kaya dapat ding itanong:
* Magkano talaga ang hindi pa nagagastos?
* Magkano ang nailaan o na-commit na?
* Magagamit pa ba ang mga materyales kung maipagpapaliban?
* Saan eksaktong ilalaan ang anumang matitirang pondo?
* May malinaw bang batas at appropriation para rito?
Ayon sa COMELEC, malaki nang bahagi ng paghahanda at procurement para sa halalan ang naisagawa, kaya hindi rin dapat basta ipalagay na ang buong election budget ay โmatitipid.โ
Ang pinakamahalagang tanong: Karapatan ba ang halalan? Oo. Ang karapatang bumoto ay protektado ng Konstitusyon.
Ang demokrasya ay hindi lamang tungkol sa mahusay na paggamit ng pondo. Kung ganoon lamang ang sukatan, maaaring palaging may dahilan upang ipagpaliban ang halalan dahil laging may ibang proyekto, krisis, ayuda, imprastraktura, o pangangailangan na maaaring paglaanan ng pera.
Ngunit ang mandato ng isang halal na opisyal ay dapat patuloy na nakaugat sa malayang pagpapahayag ng kagustuhan ng mamamayan. Ito mismo ang diwa ng naging pananaw ng Korte Suprema sa Macalintal v. COMELEC: ang halalan ay dapat maging regular, tunay, at makabuluhan, at ang pagpapaliban ay hindi dapat maging ordinaryong paraan upang mapanatili sa puwesto ang mga kasalukuyang opisyal.
Ang aking patas na PANANAW:
Hindi dapat husgahan agad na masama ang postponement, at hindi rin dapat awtomatikong sabihing makabayan ito dahil lamang may pondong maaaring magamit sa ibang pangangailangan.
Ang tamang sukatan ay ito:
Mayroon bang tunay, malinaw, mahalaga, at compelling na dahilan para ipagpaliban ang karapatan ng mamamayan na pumili ng kanilang mga lider?
Kung ang dahilan ay tunay na pambansang pangangailangan at kayang pumasa sa mahigpit na constitutional standards, maaari itong pag-usapan at suriin.
Ngunit kung ang pangunahing dahilan lamang ay makatipid, mailipat ang pondo, o mas convenient na huwag munang maghalalan, hindi dapat balewalain ang katotohanang ang election is not merely an expense it is an essential exercise of democracy and the people's constitutional right to suffrage.
Sa huli, ang pera ng bayan ay dapat gamitin nang matalino. Ngunit ang karapatan ng bayan na pumili kung sino ang mamumuno sa kanila ay hindi rin dapat basta isantabi.
Maaaring masukat ang halaga ng isang eleksyon sa piso. Ngunit mahirap sukatin ang halaga ng demokrasya kapag unti-unti nating nasasanay na ang halalan ay maaaring ipagpaliban sa tuwing may mas โmagandangโ paggagamitan ng pondo.
Kaya ang tanong ay hindi lamang: โMagkano ang matitipid kung walang eleksyon?โ
Ang mas mahalagang tanong ay: โSapat ba ang dahilan upang ipagpaliban ang pagkakataon ng mamamayan na muling magpasya kung sino ang dapat nilang pagkatiwalaan sa pamumuno?โ
Insert your thoughts below ๐